Wag mo ako diyang hanapan ng rason basta sasusunod na may mangyayaring ganito, sundin mo yung sinabi ko sa ngayon huh?Sabi pa nito sa sinserong boses sa kanya.
Hays, okay po BEN
Ganyan nga ASAWA KO
Grrrrr, so cringe
Hahahahah
Dalawang araw na simula nung nagkamabutihan ang dalawa, sa dalawang araw na iyon mas nakilala pa nila ang kani kanilang mga sarili. Tanging sa loob din ng dalawang araw ay ipinabatid ng binata na wala ng away pang mangyayari sa dalawa. Laging masaya at parang bang tinotohanan na nila ang kung ano mang meron sa kanila
Hindi naman nila iyon ipagdadamot dahil sila lang namang dalawa ang magkakasama. Hindi mawari ang pagiging masayahin at bibong tao ang binata dahil napansin nito na sa bawat araw na lumipas hindi na nito pinalasap ang mga nangyari sa kanila nung sila pa ay nag-aaway o nagtampuhan
Masaya naman si Benedict na hindi na niya nakita at nadinig ang masungit nitong mukha at kung paano siya kausapin tulad noon ng dalaga. Masaya siya kung paano ito naging masaya sa simpleng joke at simpleng buhay na kinaroroonan nila. Nakita naman niya na hindi ito katulad ng ibang "mayaman" kung saan kung makatapak ito ng mga simpleng bagay ay hindi na maiitsura ang mga mata sa pangliliit bagkus pinakita sa dalaga na masaya at tanggap nito kung nasaan man sila ngayon
Muli, sa dalawang araw magmula nung magkaayos sila nito hindi na siya kinulit tungkol sa cellphone nito, hindi naman niya pinagbabawalan ang babae sa mga bagay na ganon pero natatakot siya na sa pamamagitan ng pagtawag nito ay makahanap pa ng hint ang mga naghanap pa nito
Isang araw magmula nung silay nagkaayos, nakita niya ang pagiging masuri ng dalaga, tulad na lang kung may makita itong bagay na hindi naaayos at naaayon para sa kanya ay dali dali nitong inaayos
So anong susunod na gagawin dito?
Ah-h
Why are you spacing out?
Napatingin muli siya dito ng bigla itong matahimik pagkatapos maghalo ng tubig. Sa araw na iyon naiisipan ng dalawa na gumawa at turuan ang dalaga kung paano gumawa ng cake.
Tapos mo na bang haluin ang mga dry ingredients?
Ay, lahat ba yun? hindi pa, wait lang
Natatawang iling siya sa sinagot ng dalaga sa kanya
I told you ihalo mo lang ang lahat ng ingredients at saka ayusin mong ihalo yan baka magkabuo buo pa ang mga harina diyan at saka you sift the flour?
Yah, its done
Okay good! sabihin mo lang kung hindi mo na kayang maghalo diyan ah, dito lang ako
Tsk, your bossy talaga but siyempre why are you spacing out?
Wala noh, wala kaya ako sa SPACE SHIP
Gago!!!
BWAHHAAHAH
Wait, pang ilang spoon ba ang salt?
YOU ARE READING
Sweet Escapade
Ficción GeneralSa palagay mo ba, makakatakas ka sa mga katungkulan? At kung makakatakas ka nga, tatanggapin mo ba ang maaaring kahahantungan? ******** Ongoing. I didn't copy any others story, book or work, it's purely my OWN imagination and passion for writing ;) ...