HABANG naglilinis si Chris sa loob ng opisina ni Russell, panay ang sulyap niya sa lalaki para silipin kung ano ang ginagawa nito. Hanggang sa mga araw na iyon ay hindi pa rin niya alam kung paano ito kakausapin tungkol kay Felipe.
Bigla siyang nahinto sa ginagawa nang banggitin ng reporter sa TV ang pangalan ng taong kinasusuklaman niya. Bahagya siyang napasulyap doon. Nakita rin niyang nakatingin si Russell sa TV screen.
Isang maikling panayam kay Felipe Iglesias ang ibinalita tungkol sa nangyaring raid kagabi sa isang nightclub sa Calrat City. Ayon sa mga report, natagpuan daw ang matanda sa loob ng club na iyon kasama ang dalawang tauhan nito nang maganap ang raid.
"Ano po ang ginagawa n'yo sa club na iyon?" tanong kay Felipe ng isang reporter.
"Kaarawan kasi ng isa sa mga tauhan ko. Sinamahan ko lamang siyang magdiwang doon dahil gusto lang daw niyang magsaya. Hindi naman namin alam na illegal palang nag-o-operate ang club na iyon. Wala akong kinalaman sa anumang issues nila. Maging ako'y nabigla rin sa nangyari at hindi ko inaasahan iyon," kalmado namang sagot ng matanda.
"Bakit n'yo po naisipang sumama roon kahit hindi kagandahan ang lugar na iyon?" tanong naman ng isang reporter.
"Alam n'yo, kahit mataas ang aking estado sa buhay, hindi naman mababa ang pagtingin ko sa iba pang mga lugar sa ating bayan. Hindi rin ako nahihiyang pumunta sa ganoong mga lugar para makibagay at makisama sa aking mga tauhan na nagdiriwang lamang ng kanyang kaarawan. Pantay-pantay ang tingin ko sa lahat ng tao. Mayaman man o mahirap, lahat pinakikisamahan ko."
Hindi na tinapos ni Russell ang balita sa TV. Agad nito iyong pinatay at ibinagsak pa sa lamesa ang remote control. Bakas ang pagkairita sa anyo nito. "Hayop ka talaga, Felipe. Ang galing mong maghugas ng kamay!"
Doon nakatagpo ng pagkakataon si Chris para kausapin ito. Naglakas-loob siyang lumapit dito at tinawag ang pangalan nito.
"Sir Russell, may galit din po ba kayo sa Gobernador ng Hermosa? K-kay Felipe Iglesias?"
Napalingon naman agad ito sa kanya. "Do you know him?"
Napalunok siya ng laway. "O-opo. G-gusto ko lang din pong malaman kung kilala n'yo po ba siya."
"Why did you ask?"
"Ah, k-kase po, base sa reaksyon n'yo kanina, parang hindi kayo masaya nang mapanood siya. Curious lang po ako kung may issue ba kayo sa kanya."
Napatango na lamang ang lalaki at nagbitaw ng matipid na ngiti. "Ah, I don't know where to start, but yes. I have so many issues on him. Big issues. Pero I'm just also curious, bakit mo nga pala naitanong?"
Bahagyang lumakas ang pintig ng kanyang puso. Heto na ang pagkakataong hinihintay niya. "Ah, k-kase po, kilala ko rin po siya..."
"Oh?" Napataas ng dalawang kilay si Russell. "Do you know him personally? Magkakilala ba kayo? May issue ka rin ba sa kanya?"
"O-Opo... Malaki rin po ang issue ko sa kanya. Dahil..."
"Dahil ano?"
"D-dahil...s-siya po ang pumatay sa tatay ko."
Bakas ang pagkagulat sa anyo ni Russell. Napatayo ito sa kinauupuan at tumitig nang mariin sa kanya. "W-what did you say?"
"May isang bagay po na hindi alam ang marami sa kanya. Ako po, kitang-kita ko po. Nasaksihan ko po sa mismong mata ko kung paano niya pinatay ang tatay ko, at kung paano nila itinago iyon para hindi kumalat sa publiko."Gulat na gulat si Russell sa mga sinabi niya. Sa puntong iyon, nakuha rin niya sa wakas ang loob ng lalaki.
Pagsapit nga ng hapon, napilitan siyang mag-out nang maaga sa trabaho dahil isinama siya ni Russell sa lakad nito. Wala itong binanggit kung saan sila pupunta. Basta sumama na lang daw siya.
BINABASA MO ANG
Apoy Sa Langit
RomanceSi Maria Elena Iglesias ay nagmula sa mayamang pamilya, nagtataglay ng kagandahan at kabutihang loob na sumisimbolo sa pagiging Dalagang Pilipina. Mayroon siyang butihing ina, inggiterang mga kapatid at isang corrupt na ama. Ipapakasal siya sa isang...