(Cherry)
Kunut-noo pa din ako habang naglalakad kami ni Mang Jose,paano kasi nasa mall kami ngayon.Nasa loob na din kami ng elevator pa-akyat sa binanggit na floor ni sir seb kay Mang jose.”
“Gusto ko pa sana magtanong kay Mang Jose kung ano ang gagawin namin ngunit bigla nalang din naitikom ko ang gusto kong sabihin dito dahil sa nakikita kong maging ito ay wala rin alam?”
“Nasa 3rd floor kami ng mall,sa may sm Fairview,nakasunod lang ako kay Mang Jose,habang nagalakad ito patungong national bookstore.”
“Ano kaya ang gagawin namin dito?Andito ba si sir seb?Tanging naitanong ko sa aking isipan.”
“Napakunut-noo na naman ako ng tumigil at tumabi si Mang Jose sa isang lalaking matangkad at nakasombrero at naka-jacket ng itim na pinaresan ng puting shorts.May facemask din ito na itim,kaya mata lang ang nakita ko dito.Mga matang pamilyar sa akin.”
“Si sir seb ba ito?Mulagat kung tanong ulit sa akin isipan.”
“Saka ko lang napagtanto na tama nga ako,si sir seb nga ang lalaking gwapo padin kahit tago ang hitsura lalo na ang mukha nito.”Ang ganda ng mga mata nito.”
“Lalo siyang gumwapo sa aking paningin dahil sa kanyang awrang kakaiba,sabagay ganun naman talaga pag celebrity ka o sikat kailangan mong itago ang iyong hitsura para di lang pagkaguluhan ng mga tao sa kapaligiran mo.”
“Ang ginawa ko ay medyo humiwalay ako kay sir seb at Mang Jose.Nagtungo ako sa isang pwesto ng mga notebooks,pero kita ko pa din sila.Baka mamaya umalis ang mga ito ng di ko namalayan.”
“Hawak ko ang isang cute na notebook na umagaw ng aking pansin.Ang ganda mo naman!.Mahinang kausap ko sa notebook,kaso ang mahal mo.Nakanguso kong dagdag na turan.Saka ibinalik ko ito sa dati niyang kinalagyan.”
“Do you want it?Take it!.Ani ng baritonong boses na di ko namalayan na may katabi na pala ako.”
“S-sir seb?!”Gulat kong wika.”
“Mukhang nakakita ka ng multo.Ani nito sa mahinang tono.At naramdaman ko pa ang kanyang mainit na hiningang tumatama sa gilid ng aking mukha,ang lapit kasi nito sa akin masyado.Halos pabulong na nga ang salita niya sa akin.”
BINABASA MO ANG
My Secret Love
Short Story"Siya lang naman ay isang simpleng dalaga,galing sa bayan na di rin masyadong kilala.Napadpad sa maynila,nakitira sa isang kaibigan na madaming raket sa maingay at magulong lungsod nang maynila." "Kahit anong raket at trabaho basta't-disente at wala...