Kabanata 67

4.3K 42 2
                                    

Napatayo ako at hinarap siya.

“Mahal mo pa talaga? Paano ako? Hindi mo ako mahal?”

“Mahal.”

“Mahal mo ako? Mahal mo rin si Clara? Sinong mas mahal mo sa aming dalawa?”

Huminga siya ng malalim. Inipon niya 'yon at pinalobo bago niya marahas na ibinuga.

“Zoren . . .”

“I think everything's not working out, Mel. We tried pero sadyang mahirap. Alam kong iyon din ang nararamdaman mo. Alam kong nagdududa ka. At tama ang mga pagdududa mo, Mel. Mahal ko pa. Nagalit ako sa kanya kaya ko siya pilit na kinalimutan. Akala ko no'ng dumating ka, ikaw na ang mahal ko at tuluyan siyang nawala sa puso ko. But when she came back, I realized I never did fall out of love with her.”

Napailing ako. Naguguluhan lang siya. Mahal niya ako. Naramdaman ko naman 'yon. Masaya naman kami.

“H-hindi. Nalilito ka lang.”

Umiling siya. “I realized it now that she's wanted to move on with Dwight. Hindi ko pala kayang makita siya kasama ang iba.”

“Zoren, nalilito ka lang. Mas mahal mo ako 'di ba? Hindi mo ako mamahalin kung mahal mo pa siya. Baka lang naguguluhan ka pa ngayon.”

“Hindi, Mel. Ilang araw ko itong pinag-isipan. Naguluhan nga ako no'ng mga nakaraan pero hindi na ngayon. Baka hindi talaga kita minahal. O kung minahal man, hindi kasing lawak ng pagmamahal ko kay Clara.”

Natigilan ako at natuod sa kinatatayuan. Gusto ko mang pigilan ay sunod-sunod at mabilis ang pagbagsak ng mga luha ko.

“Zoren, bunti—”

“Maghiwalay na tayo,” sabi niya at tinalikuran ako. Dire-diretso siyang lumabas ng kwarto.

Agad ko siyang sinundan. Kamuntikan pa kaming magkabanggaan ni Lumina.

“Mel, ayos ka lang?”

Tumango ako at tumakbo na papalabas. Ang bilis nawala ni Zoren. Naroroon na siya agad sa labas ng gate.

“Zoren,” sabay hawak ko sa braso niya.

“Mel, let go.”

Umiling ako. Nagsisipagtuluan na ang mga luha ko pero wala na akong pakealam.

“Hindi, Zoren please. Huwag mo akong hiwalayan.”

“Mel—”

“Pakiusap, bigyan mo pa ng isa pang pagkakataon ang puso mo na mahalin ako. Zoren, please. Isang taon din tayong naging masaya.”

Tinitigan lang niya ako at pinanood niya lang ang pag iyak ko. Kita ko sa mga mata niyang wala na nga siyang pagmamahal na natitira para sa akin.

Paano naman ang anak naming dalawa?

Hindi siya pwedeng mawala. Hindi niya ako pwedeng iwan na ganito lang.

“Please, Zoren. Magdalawang isip ka muna,” tuluyan nang pumiyok ang boses ko.

“Buo na ang desisyon ko, Melissa. Pumasok ka na sa loob. Nakakahiya at baka may makakita sa 'yo dito na umiiyak.”

Nilingon ko ang paligid. Mataas ang sinag ng araw. Kung tutuusin ay marami ang makakakita sa amin pero mabuti na lang ay walang kahit ni isang tao ang nandito.

“Hindi mo ako pwedeng iwan, Zoren. Hindi pwede. Hindi rin ako pumapayag na maghiwalay tayo. Ako ang magdedesisyon no'n at hindi ikaw.”

Kumunot ang noo niya at umigting ang kanyang panga.

“Itatali mo ako sa 'yo kahit na hindi na ikaw ang gusto kong makasama?”

Natigilan ako. Kung makapagsalita siya ay parang nais na niya talaga akong burahin sa buhay niya.

Hindi na ako nakasagot pa at pilit na lamang na nilalabanan ang galit niyang mga titig sa akin. Nanliliit ako ng sobra.

Tumango siya. “Kung iyon ang gusto mo. Kung gusto mo talagang magdusa sa piling ko. Sige, pagbibigyan kita, Melissa. Hanggang sa madurog ka at magkusa kang umalis.”

Tinalikuran niya ako at sumakay siya sa sasakyan niya. Padabog niya pang isinara ang pinto at pinaharurot ang sasakyan paalis.

Nanghina ako habang pinapanood ang paglayo ng kanyang sasakyan. Nanginginig ang mga tuhod ko na kahit isang hakbang ay hindi ko na magawa kaya naupo na lamang ako sa gutter at niyakap ang mga tuhod ko.

Walanghiya siya! Niloko niya ako. Pinaglaruan niya ako. Pagkatapos niya akong paibigan ay ito ang gagawin niya sa akin. Kung alam ko lang ay hindi ko na sana siya hinayaang makapasok pa sa buhay ko.

Gusto kong magalit. Gusto gusto ko. Gusto kong wala akong maramdaman kung 'di purong galit. Para naman hindi ako maging ganito kahina. Kasi hindi ako ito. Hindi ako mahinang tao. Pero binago niya ako. Sinira niya ako.

Pero kahit ganun ay gusto kong manatili sa tabi niya. Hindi para sa akin. Kung 'di para sa anak namin. Ayaw kong lumaki siyang walang kinikilalang ama. Mahirap ang buhay na may kulang. Ayaw kong iparamdam sa kanya 'yon. Kaya kahit magtitiis ako at paulit ulit na madurog ay mananatili ako sa tabi ni Zoren.

“Bakit ka babalik? Nakausap mo na ba si Mr. Buenaventura?”

Umiling ako sa tanong ni Cathy.

“Hindi pa pero sana ay payagan niya ako. Gusto kong bumalik dito sa reception. Nami-miss ko na dito, e.”

Naningkit ang mga mata ni Cathy. “May problema ba, Mel? Parang may mali akong nakikita sa mga mata mo, e.”

Agad akong ngumiti. “Naku, wala! Walang problema!”

“Melissa?” Agad akong napalingon sa likuran ko nang narinig ko ang boses ni Dwight.

“D-dwight . . .”

Nginitian niya ako.

“May oras ka? Pwede tayong mag usap?”

Pansamantala akong hindi nakasagot at naiwan lang ang mga mata sa kanya. Hindi ko sana gustong makipag usap sa kanya pero mukhang importante kaya tumango ako.

Dinala niya ako sa garden ng hotel. Hindi ko ito masyadong napupuntahan at ngayon ko lang talagang napagtuunan ng pansin ang kagandahan nito. Ngayon ko lang din napagtantong napakalawak pala niya.

“Anong pag uusapan natin?” Naupo ako sa bench at agad naman niya akong tinabihan.

“Are you guys okay?”

Agad akong napalingon kay Dwight sa una niyang tanong.

“Ayos lang naman,” tipid kong sabi.

Pakiramdam ko ay may alam siya sa sitwasyon namin ngayon ni Zoren.

“Are you sure? Because Zoren ask Clara for marriage, Mel.”

Nanlaki ang mga mata ko. Naikuyom ko ang mga kamay kong ngayon ay nanginginig.

“A-anong . . . Kasal? Niyaya niya ng kasal si Clara?”

Agad siyang tumango bago binasa ang sariling labi.

“Hindi ko maintindihan. I thought he is deeply in love with you. Are you guys really okay? Because if you are . . . He won't ask Clara just like that because it's stupid!”

Nahugot ko ang sarili kong hininga at nahihirapan na 'yong ibuga. Ito ba ang ibig niyang sabihing dudurugin niya ako?

Nag iwas ako ng tingin kay Dwight at sarkastikong napangiti habang hinahayaan ang mga luha na magsipagtuluan.

“And he knows very well that I am Clara's boyfriend now. Is he insane? Damn it!”

𝐒𝐁𝐒 #𝟒 : 𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐮𝐜𝐤𝐛𝐨𝐲'𝐬 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐢𝐝 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon