Kabanata 29

6.8K 77 1
                                    

"Oh! Ayan na pala ang boyfriend mo," agad kong sabi upang pigilan si Lumina sa pagsagot sa tanong ko.

Tumayo ako at sandaling yumuko. "Magandang hapon po, Mr. Buenaventura," sabi ko bago muling naupo.

Naupo si Dwayne sa tabi ni Lumina.

"Mukhang seryoso ang pinaguusapan niyo ah?"

Nagkatinginan kami ni Mina. Pinagtaasan ko siya agad ng kilay. Humanap siya kamo ng sarili niyang palusot. Idadamay pa yata ako.

"Ahh . . . Kung ano-ano lang naman 'yon," pilit ang ngiting tugon niya kay Dwayne.

Hays, Lumina!

"Dwayne, hindi man lang ba ako pauupuin nitong empleyado mo?" singit ni Zoren na nagpabuntonghininga sa akin.

Kailangan talagang pumapel? Pwede naman siyang maupo na lang dito sa tabi ko. Kailangan pa ba ng permiso?

Tatayo na sana ako upang ipaghila siya ng upuan pero natigil nang nagsalita si Dwayne.

"Dude, maupo ka mag isa. Huwag kang pa-espesyal!"

Hindi ko naiwasan at napahagikhik ako.

"Where's our friendship, Dwayne? Ipinapahiya mo ako sa nililigawan ko," reklamo ni Zoren.

Napairap ako sa kawalan. Hindi pa nga ako sumasang-ayon na manligaw na siya, e.

Naupo siya sa tabi ko. Kinuha niya ang isa kong kamay na nakapatong sa kandungan ko't pinagsalikop niya ang mga kamay namin. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Agad kong inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Plano ko sanang dalhin si Melissa sa party ni Art mamayang gabi pero kanina ko pa siya iniimbita at ayaw niyang pumayag. Can you make her come with me, Lumina, please?"

Hay naku! Hinindian ko na siya kanina pero ipinipilit niya pa rin na gusto niya akong dalhin sa party ng kaibigan niya. E, ano namang ganap ko doon? Hindi ko naman kaibigan 'yon.

"Idinamay mo pa girlfriend ko," nakabusangot ang mukhang ani Dwayne. Char! Overprotective?

"Lumina, please?" muling pangungumbinsi ni Zoren sa kaibigan ko.

Ha! Akala naman niya ay mapipilit ako ni Lumina.

"Mel?" pinagtaasan ako ng kilay ni Lumina.

"Still no."

"Bakit naman kasi? Sige na! Nandoon naman ako."

"Ayoko nga!"

"Hindi ako sasama kung hindi ka sasama," hamon niya pa sa akin.

Hindi pa rin dapat ang magiging sagot ko. Ang kaso ay sumingit si Dwayne.

"Whether you like it or not... Sasama ka, Melissa."

Nakakainis lang kasi wala akong freedom of choice. Sarap sapakin nitong si Zoren na pangiti-ngiti pa sa tabi ko.

"Naaalala ko... Your favorite color is pink. Do you want to try the pink one?" tanong ni Zoren habang namimili kami ng damit na susuotin ko para sa party ng kaibigan niya mamaya.

"Nagbago na taste ko. Hindi na ako mahilig sa pink ngayon."

"Eh 'di 'yong white ang isukat mo," sabay turo niya sa flowy mini dress na nasa harapan namin.

"Bakit walang saleslady na nag aasikaso?" tanong ko sa kanya.

Kanina ko pa kasing napapansin na pagkapasok na pagkapasok namin sa shop na 'to ay binati lang siya ng mga staff at wala ng nag assist sa aming dalawa.

"Salesladies are for the customers."

"Bakit? Customers din naman tayo ah?"

Tipid siyang ngumiti. Kinuha niya ang puting dress at iniharap 'yon sa dibdib ko.

"Mukhang bagay ito sa 'yo."

Yumuko ako upang tingnan ang damit kung bagay nga bang talaga sa akin.

"Masyadong maiksi," sabi ko.

"You should try it."

"Bakit nga kasi walang salesladies na nag a-assist sa atin?" pangungulit ko ulit. Sa lahat kasi yata ng store ay ito ang pinakamalaki. May mga saleslady naman pero nasa malayo at wala man lang kahit ni isang sumama sa amin.

"Ayaw ko na may saleslady na sumusunod sa atin, Mel. And I own this one so hindi sila takot na manakawan."

Nalaglag agad ang panga ko.

"S-sa iyo ito?"

"The mall to be exact."

"W-what?"

"Isukat mo na 'yan," utos niya sabay tulak sa akin papasok ng fitting room.

Wala akong nagawa at napabuntonghininga na lang habang nakatingin sa salamin. Sinukat ko 'yong damit at namangha agad ako sa nakita ko. Bagay nga sa akin 'yong dress pero sobrang iksi. Pero napakaganda kong tingnan!

"Y-yeah..."

"Okay. Lumabas ka na. I wanna see."

Kinagat ko pa muna ang labi ko bago ako nagdesisyong lumabas upang ipakita iyon kay Zoren.

Sa mga hita ko agad nagdiretso ang paningin niya. Bigla akong nailang kaya panay ang paghila ko sa laylayan paibaba.

Pero lumalaglag ang dress dahil tube top. Lumuluwa 'yong dibdib ko.

"I don't think you look good in it. You should change." Tinulak niya akong muli papasok sa loob.

Ilang sandali lang ay may iniabot siyang itim na damit. Halter top naman 'yon at above the knee at feeling ko hapit sa katawan ko kapag naisuot. Sinubukan ko 'yon at tama nga ang naging hinala ko.

"Tapos na?" tanong niya mula sa labas.

"U-uhh... O-oo... Ang problema'y hindi ko maisara 'yong zipper sa likod."

Abot ko naman, ang kaso'y mukhang na-stuck at ayaw umangat.

"Wait..." ani Zoren. Napaatras agad ako nang bumukas ng maliit ang pintuan ng fitting room.

"Hoy! Anong ginagawa mo? Bakit ka pumasok?" agad kong saway.

"Why? What's wrong? This place is mine anywa-" Natigilan siya sa pagsasalita at napatingin sa katawan ko.

Kumunot ang noo niya habang marahang hinahagod ng kanyang mga mata ang kabuuan ko.

"Z-zoren..."

"Y-you have curves..." wala sa sariling bulong niya.

"H-ha?"

Nag iwas siya ng tingin. "Hindi mo rin 'yan pwedeng suotin."

Napatingin ulit ako sa suot ko. "Bakit? Maganda naman ah?"

"Bar 'yong pupuntahan natin. Maraming lalaki doon..."

Napataas ang isa kong kilay.

"Pagtitinginan ka nila... Magugustuhan... They might want to steal you from me."

Kumunot ang noo ko. "Kaya nga tayo nagdadamit ng maganda para magustuhan nila 'di ba?"

"Ayaw kong nagugustuhan ka ng iba! I want you covered, Mel kaya iba na lang suotin mo," tila pinal niyang sabi at tinalikuran ako.

"Sayang. Gusto ko pa man din sana 'to. Bagay na bagay kaya sa akin oh!"

"May gusto ka bang akitin doon?!" bulyaw niya sa akin na siyang ikinagulat ko.

Soundproof ba 'tong fitting room? Baka kasi may makarinig sa amin na nagtatalo dito.

"W-wala akong intensyong gano'n. Gusto ko lang 'yong damit."

"You have no intention pero siguradong maaakit mo sila kasi ngayon pa lang naaakit mo na ako!"

𝐒𝐁𝐒 #𝟒 : 𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐮𝐜𝐤𝐛𝐨𝐲'𝐬 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐢𝐝 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon