Kabanata 77

4.3K 39 2
                                    

“Pwede ba tayong magkita sa mall mamaya? I wanna tell you something important.”

Nahugot ko ang sarili kong hininga matapos kong basahin ang mensahe ni Zoren. Sa loob ng dalawang buwan na hindi kami nagkita at wala kaming balita sa isa't-isa ay ngayon na lang ulit siya nagparamdam. Tapos ganito pa.

“Mel, let's go!” tawag sa akin ni Dwayne.

Nagmadali agad ako sa pagsakay sa sasakyan niya. Ngayon kasi ang labas ni Lumina sa hospital.

Wala si Dwight at hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Baka rin abala sa trabaho.

Halos isang oras din kaming naghintay kay Lumina at Dwayne na makababa.

“Ely, akyatin mo nga at bakit parang ang tagal naman?”

Nakabusangot na pumasok si Ely ng hospital at nang nakabalik ay malawak na ang ngisi sa labi niya.

Kunot noo ko siyang nilingon pagkapasok niya ng sasakyan.

“Nag iwan pa kasi sila ng souvenir.”

Mas lalong nangunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan.

“Anong souvenir?” tanong ko.

Nagkibit-balikat naman siya. “Ewan. Narinig ko lang e, na mag iiwan daw sila ng souvenir.”

Matagal bago ko naintindihan ang souvenir na tinutukoy ni Ely. Napangiti na lang ako at napapailing-iling habang pinagmamasdan sina Lumina at Dwayne na magkahawak kamay habang palabas ng hospital.

“Nabagot na si Seth kakahintay sa inyo,” sabi ko habang ipinapakandong si Seth kay Lumina na nakaupo sa passenger seat.

“Matagal kasi siguro mag process . . . Iyong cashier,” panunukso ni Ely.

Nagkatinginan sina Dwayne at Lumina at nagkangisihan. Nakakatuwa silang pagmasdan pero nakakainggit.

“Mabuti na lang at dumating agad kayo. Katatapos ko lang magluto,” salubong sa amin ni Migo pagkapasok namin ng bahay.

Nagdiretso si Lumina sa crib upang doon ilagay si Seth. Five years old na 'yong anak nila pero naka-crib pa. Pero 'yong malaking crib naman.

“Let me,” pigil ni Dwayne kay Lumina kaya hinayaan na lang ito ni Lumina na kunin si Seth mula sa kanya. At pangiti-ngiti na lang siya habang pinagmamasdan ang mag ama niya.

Napailing ako at sumimangot. Medyo masakit sa mata. Nagtungo na lamang ako sa hapag para sa hapunan.

Hindi naiwasang dumapo ang mga mata ko sa isang braso ni Dwayne na nakayakap kay Lumina nang nagtungo sila sa amin dito sa lamesa. Ipinaghila niya pa ng upuan si Lumina. Napabuga ako ng hangin. Tamang inggit na lang ako nito sa lovelife ng iba.

“Ang sweet naman. Nasa lahi niyo Kuya Dwayne?” nakangising tanong ni Ely habang nagsasandok ng kanin.

“Hindi ko alam,” tugon ni Dwayne saka nakangiting sinilip si Lumina.

Jusko! Tama na 'yang kalandian please! Hindi ko kinakaya!

“But I can be the sweetest for her,” dagdag niya pa.

Napabuga ako ng hangin. “Edi ikaw na po,” singit ko na agad pinagtawanan nina Migo at Ely.

“Okay lang 'yan, Ate Mel. May kakambal si Kuya Dwayne 'di ba? Doon ka na lang,” ani Migo.

“Huwag na no! Natuto na ako sa mga mayayaman na 'yan,” sagot ko.

Hindi ko nga kinaya 'yong pangmamata sa akin ng tita ni Zoren, iyong mommy pa kaya ni Dwight na base sa kwento ni Lumina no'ng ipinakilala siya ay nakakatakot din daw.

𝐒𝐁𝐒 #𝟒 : 𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐮𝐜𝐤𝐛𝐨𝐲'𝐬 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐢𝐝 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon