Kabanata 81

4.6K 43 0
                                    

MELISSA VALDERAMA
--

Kanina pa akong kinakabahan. Mas lalo pa 'yong nadaragdagan sa tuwing may mga magagarang sasakyan na nagsisipagdatingan.

“Hey, are you excited?”

Nilingon ko si Dwight sa aking likuran nang nagsalita siya.

“Kinakabahan kamo!”

Mahina siyang tumawa. “Don't be, Mel. Gabi mo ito. You should be excited.”

Tumango ako sa kanya lalo pa nang nakita kong kakahinto lang ng sasakyan ni Zoren. Mula sa ikalawang palapag ng building ay pinanood ko silang dalawa ni Clara na ngumingiti sa camera. I gritted my teeth at umigting ang panga ko. Nakakasukang isipin na magkapatid talaga kami ni Clara, hindi lang sa ina kung 'di pati sa ama.

Hanggang ngayon ay hindi ko 'yon matanggap. Pero kailangan ko kasi iyon lang ang magiging ganti ko sa kanilang dalawa ni Zoren. Inakusahan ako ni Clara noon na kinuha ko sa kanya ang lahat. Papatunayan ko sa kanya ngayon na kaya ko ngang kunin ang lahat ng pagmamay-ari niya.

“Tell me anything you want. Ibibigay ko. Pumayag ka lang na makasama namin. Valderama ang dugo mo. Nararapat lang na sa amin ka,” sabi ng matanda sa akin. Kakikita pa lang namin pero iyon agad ang sinabi niya sa akin.

“I heard about what happened to you. I didn't know that Mr. Russell had a girlfriend. All I know is nagmamahalan silang dalawa ni Clara,” dagdag pa niya.

“Pwede bang huwag niyo silang banggitin ng paulit-ulit? At saka hindi ako titira sa inyo. Hindi ko gustong mapabilang sa pamilya niyo. Ayaw kong maging kapatid si Clara!”

“But, Melissa. Kapatid mo siya kahit na pagbalik-baliktarin mo ang mundo,” singit ni Rozen Valderama na nagsabi na siya ang totoo kong ama.

“Nagluluksa pa ako sa anak ko. Pwede bang huwag niyo munang dagdagan ang mga iniisip ko?”

Tumango ang matanda. Lolo iyon ni Clara. “We understand. But we just wanted to help you. Ikaw ang tagapagmana ko.”

“Teka nga! Paano niyo ba nalamang naipagpalit kami ni Lani?”

“King Loyola told us. Sinabi niya ang totoo no'ng kinailangan mo ng dugo. Hindi ka niya matulungan at hindi siya makapag-donate dahil hindi kayo magkadugo. Sinabi niya sa aking ipinagpalit niya kayo ni Melani para mamuhay ng marangya ang anak niya.”

Umiling ako. “H-hindi niya magagawa 'yon!”

He just did! I can't believe it too! I have loved Melani since day one! Tapos ngayon malaman-laman kong hindi ko pala siya anak!” galit na aniya.

“Renzo!” saway sa kanya ng tatay niya.

“We run a paternity test. Ikaw ang anak ko. Ikaw ang may dugong Valderama. At hindi ko hahayaang may mang hamak sa iyo at tapak-tapakan ka lang ng kung sino.”

Kumunot ang noo ko. Paano niya nagagawang sabihin 'yan gayung isa sa mga kalaban ko rito ay sarili niya ring anak?

“Mel, I have to go. Kung kinakabahan ka, tingnan mo lang ako,” sabay kindat ni Dwight na nagpatawa sa akin.

Hindi rin ako nagtagal sa second floor at agad ring bumaba at inihanda ang sarili para sa pagpapakilala sa akin bilang kabilang sa pamilya ng mga Valderama.

“Everyone, I would like you to meet, the heiress of Val Corporation . . .”

Unti-unti akong naglakad pababa sa engrandeng hagdan habang nakataas ang noo at nakangiti. Ito ang itinuro sa akin ng tutor ko e.

𝐒𝐁𝐒 #𝟒 : 𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐮𝐜𝐤𝐛𝐨𝐲'𝐬 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐢𝐝 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon