Kabanata 57

4.4K 36 0
                                    

Nang araw na 'yon ay ipinasyal ko nga si Seth sa                                                                                 mall kasama si Ely. Gusto ko rin sanang malibang. Ang kaso ay hindi ko lubusang magawa. Hindi ko na tuloy alam kung ano pang kailangan kong gawin para lan makalimutan ang tungkol kay Zoren.

Kasi kahit gustong gusto kong ipagsawalang bahala ay hindi ko magawa-gawa. Hindi ko magawang balewalain ang pagkikita nila ng ex niya doon sa Hongkong gayong hindi niya ako kino-contact ngayon. Hindi na ako makakilos ng maayos kaiisip na baka . . .

“Zoren?”

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa labas ng shop na pinasukan namin. Namamalikmata lang ba ako? Para kasing nakita ko si Zoren na dumaan.

“Ate, ayos ka lang?” Napukaw ni Ely ang atensyon ko kaya agad akong napatingin sa kanya. Hawak-hawak na niya ang mga supot ng pinamili naming laruan ni Seth.

“T-tapos na?”

“Kanina pa. Ayos ka lang ba? Parang namumutla ka, e. May sakit ka po ba?”

Tumango ako sa kanya. “Siyempre naman!” sabay hawak ko sa kamay ni Seth para igiya siya palabas ng tindahan.

Pagkalabas ay agad kong inilibot ang paningin ko. Sinusubukang hanapin si Zoren mula sa dagat ng mga tao.

“Ate?” muling tawag sa akin ni Ely.

Nami-miss ko lang siguro siya kaya nakikita ko na siya kung saan-saan. Imposible naman kasing nandito siya. E, ang sabi niya ay dalawang linggo siya sa Hongkong. Dapat ay next week pa ang dating niya.

“Tita, hindi pa po ba tayo kakain?” Nagtaas ng tingin sa akin si Seth.

Ngumiti ako at tumango sa kanya.

“Anong gusto mong kainin?”

“Fried chicken!” excited niyang sabi.

“Fried chicken ulit? Fried chicken agahan mo kanina ah? Sige ka, sa kakakain mo ng manok, tutubuan ka na talaga ng pakpak,” pananakot pa ni Ely sa kanya.

Natawa ako at panandaliang nakalimutan ang nakita.

Pumasok kami sa isang sikat na kainan para sa fried chicken ni Seth. Habang naghihintay na mai-serve ang pagkain ay nakikinig ako sa kwento ni Seth at si Ely naman ay abala sa cellphone niya.

“And then she went to me and call me! Sabi pa niya Seth crush kita!” ani Seth habang ginagaya  ang boses ng kaklase niyang babae na kinikwento niya sa akin ngayon.

“Nag thank you ka na lang dapat. Ayos lang naman magka-crush sila sa 'yo kasi ang gwapo gwapo mo naman talaga,” nakangiti kong sabi sabay gulo pa sa kanyang buhok.

“Kaya nga ayaw ko nang mag school. Every girl in my class are so annoying. The next day, lumapit na talaga siya sa akin and then she kissed me here!” sabay turo niya sa kanan niyang pisngi.

Nanlaki ang mga mata ko. Ang agresibo naman no'n! Kebata-bata pa, nagnanakaw na ng halik!

“Tapos, Ate Mel, sinuntok niya pagkatapos siyang halikan. Kaya naipatawag si Ate Mina sa guidance office,” singit ni Ely.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko.

“Ginawa mo 'yon?” tanong ko kay Seth.

Nakasimangot niya akong tinanguan. “I really hate her!”

Hindi ko alam kung paano ko siyang sasagutin. Masyado akong nabigla at hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.

“Masama pa rin 'yong nanununtok ka ng kaklase no! Lalo pa at babae 'yong nasuntok mo! Namaga tuloy ang pisngi. Galit na galit mga magulang niya. Balak nga no'ng ipa-transfer 'yong bata sa ibang school, buti nadaan sa usapan.”

𝐒𝐁𝐒 #𝟒 : 𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐮𝐜𝐤𝐛𝐨𝐲'𝐬 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐢𝐝 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon