Kabanata 92

4.6K 34 0
                                    

“Anong ginagawa mo dito?” walang ekspresyong bungad ni Clara sa akin. Ni hindi man lang siya umupo at nanatili lamang nakatayo sa aking harapan.

“Maupo ka,” sabi ko.

Inirapan niya ako nang nag iwas siya ng tingin. Marahas din siyang bumuntonghininga bago nagbalik ng tingin sa akin.

“Next time, huwag ka nang mag aksaya ng panahon para bisitahin ako dito because it's not worth it. Ayaw kong tumanggap ng bisita. Lalong lalo na kung isang Valderama.”

“Wala ka bang balak humingi ng tawad sa akin? Sa amin? Namatay si Melani, Clara!”

“I don't care! At kahit ano pang sabihin mo, hindi ako hihingi ng tawad sa inyo because you're family deserved it all!”

Napatayo ako. “Napakawalanghiya mo talaga!”

Sarkastiko siyang ngumisi. “Ngayon mo pa na-realize?”

Naikuyom ko ang mga kamao ko't nakagat ko ang aking labi. “Mabubulok ka sa kulungan. Sisiguraduhin kong magdudusa ka dito.”

Nagkibit-balikat siya. “We'll see. Kasi sa pagkakaalam ko, Dwight's looking for a way for me to get out of here. Paunahan na lang kayo.”

Tinalikuran niya ako't naglakad na siya paalis ng visiting area. Laglag panga ko siyang sinundan ng tingin.

Ayaw kong isipin pero pakiramdam ko'y tinatraydor ako ni Dwight. Parang binalewala niya lahat ng pinagdaanan kong pasakit na alam naman niyang sobrang nahirapan ako.

Sunod-sunod ang mararahas kong pagbuga ng hangin habang palabas ako ng kulungan kung nasaan si Clara. Pagkasakay na pagkasakay sa aming sasakyan ay agad kong kinuha ang cellphone ko upang matawagan si Dwight.

“Señorita, uuwi na po ba tayo?” tanong ng family driver namin.

Hindi ko ma-contact ang number ni Dwight. Nakailang tawag ako pero pare-pareho lang ang sinasabi ng operator. He's out of coverage area.

Umiling ako sa driver. “Sa Bluestone Hotel po tayo.”

“Okay po, señorita.”

Tulala ako sa byahe. Paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang pagtatraydor ni Dwight sa akin. Hindi ko matanggap. All along, akala ko kakampi ko siya.

“Naks! Heriderang-heridera na ang datingan natin ah?” Biro ni Cathy ang sumalubong sa akin sa reception ng hotel.

“MELISSAAAAA!”

Halos gustuhin kong magpalamon sa sahig ng hotel dahil sa kahihiyan nang isigaw ni Ate Cherry ang pangalan ko. Nagsilingunan pati mga bisita ng hotel at pati na ang mga papasok sa loob ng restaurant.

“Na-miss kita, Melissa!” sabay yakap ng mahigpit sa akin ni Ate Cherry.

“Na-miss ko rin po kayo. Na-miss ko ang Bluestone Hotel.”

“Nabalitaan namin 'yong nangyari sa pamilya niyo. Nakikiramay kami sa pagkawala ng kakambal mo,” si Cathy.

Malungkot ko siyang nginitian. “Salamat.”

“Hindi kami nakapunta kasi hindi naman namin alam kung saan ang bahay niyo,” si Ate Cherry.

“Ayos lang po. Uhh . . . Nandito ba si Dwight? Siya talaga sadya ko, e.”

Napaatras si Ate Cherry. Kunot noo niya akong tiningnan na siyang ipinagtaka ko.

“Hindi mo ba alam? Matagal nang walang umuukopa sa penthouse. Ang sabi ni Mr. Buenaventura, hindi na raw si Sir Dwight ang titira doon.”

“Bakit? Saan ngayon nakatira si Dwight?”

“Sa bahay ng parents niya. Hindi mo ba alam? Akala namin close friends kayo,” sabat ni Cathy.

𝐒𝐁𝐒 #𝟒 : 𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐮𝐜𝐤𝐛𝐨𝐲'𝐬 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐢𝐝 | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon