Prologue

15 0 0
                                    

"Hindi ko akalaing papatulan nya yang babaeng yan."

"Oonga, sobrang plain."

Napatungo nalang ako. Lagi ng lagi kong ginagawa, dinadaanan ko nalang sila at hindi pinapansin ang mga sinasabi nila.

"Pare kung ako magkaka girlfriend ng ganyan, lolokohin ko lang.""Walang thrill, kahit nga yata halik hindi mo makuha sa kanya eh."

Hanggang sa nakarating ako sa room ko hindi parin sila tumitigil. Kailan kaya nila balak tumigil?

Tahimik akong umupo sa isang sulok. Lagi naman akong ganito, nasa sulok.


"Angela!"


Napatunghay ako, pag tingin ko kung sino ang tumawag sa akin napangiti nalang ako.

"Kanina pa kita hinihintay alam moba yun? Bakit hindi ka sumabay saakin?"

Napaka gwapo talaga nya kahit kailan, hindi ko lubos maisip na boyfriend ko sya.

"Sorry. Nauna na ako kasi may gagawin pa ako." Pagsisinungaling ko. Ang totoo nyan, ayaw kong sumabay sa kanya dahil alam kong pag-uusapan nanaman kami at kung ano-ano nanaman ang sasabihin nila tungkol kay Ash.

Nginitian naman nya ako. "Osige, mauuna na ako. Puntahan nalang kita mamaya." Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi na ikinagulat ko ng sobra.


3 months na kami ng boyfriend kong si Nash. Hindi pa kami nag aaway, siguro dahil malaki ang tiwala namin sa isa't-isa. Hindi rin naman kami masyadong sweet, pero alam kong mahal na mahal nya ako at ganun din ako sa kanya. Sa sobrang pagmamahal ko sakanya parang mamamatay ako kapag hiniwalayan nya ako, ngunit alam ko namang hindi mangyayari yun.


Pero akala ko lang pala yun.


Akala ko lang hindi kami maghihiwalay.

Papunta na ako sa library namin, ang sabi kasi sa akin ni Nash may gagawin lang siya saglit kaya hindi nya ako masasabayan sa pagkain, dahil wala akong ganang kumain nagpunta nalang ako sa library para magbasa.

Maliit lang ang library namin, hindi naman kasi masyadong kagandahan itong school na pinapasukan namin pero mayayaman parin naman ang mga nag aaral dito. Walang halos pumupunta sa library dahil hindi sila lahat interesado dito, ako lang nga yata ang nagpupunta dito araw-araw eh.

Papasok na sana ako sa library nang makarinig ako ng boses.

Boses ni Nash yun ah? Ano naman ang ginagawa nya dito? Ang alam ko hindi naman pumupunta si Nash sa library.

Binuksan ko ng kaunti yung pintuan dahil balak ko sana syang surpresahin, ngunit ako ang nasurpresa.

"Mahal na mahal kita Queen." Nakatayo silang dalawa sa gilid, ngunit kitang-kita ko parin silang dalawa. Hindi nila ako napapansin dahil parehas silang nakatagilid sa akin.

"May girlfriend ka..." Nakayukong sabi ni Queen. Si Queen ang isa sa pinaka sikat na babae sa school namin, maganda sya at matalino, napaka bait pa nya.

"Hindi ko sya mahal, pinagpupustahan lang namin sya ng mga kaibigan ko.

"Mamaya makikipag break na ako sa kanya." Napatakip ako sa bibig ko at hindi makapaniwala sa narinig ko.

Linoloko nya ako? Hindi nya ako mahal, at pinagpupustahan lang nila ako.

Sasagot palang sana si Queen pero hinigit na sya ni Nash palapit sa kanya at hinalikan. Hindi ko kinaya ang nakita ko at tumakbo paalis sa Library habang pinipigilang umiyak.

Habang tumatakbo ako, unti-unting lumalabo ang paningin ko. Tumulo na ang mga luhang pinipigilan ko.

Napatigil ako sa pagtakbo at napa-upo habang nakatakip ang mga kamay ko sa bibig ko upang pigilan ang pag hagulhol.


I thought love wasn't that painful...

But I was wrong...

He betrayed me...

I can feel pain..

Pain in my heart..

and

I don't want to feel the pain anymore.


I opened my eyes at naigising ako sa katotohanan...


***

Hello! Expect typo, and wrong grammars please. :) I e-edit ko nalang po ito kapag may time ako, intindihin n'yo po ang story. Kahit na may mga mali. Sorry po, kase I'm not professional po eh. Whahaha! Alright. Proceed to the story.. 

Black AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon