In my whole entire life! I just never imagined myself, staying with a mafia, and worst, sa lungga pa niya!
"Not bad."
May queen size bed sa side, may cabinet pa, at may isang pintuan sa side na mukhang banyo.
"Take a bath now, you're so smelly."
Napaatas ng kusa ang kilay ko, aba't ako lang ba ang mabaho dito?
"Smelly ka din, kaya take a bath din! Mas mabaho ka pa sakin eh." Di n'ya pinansin ang sinabi ko at tinulak na ako papunta sa banyo.
"You're clothes are coming, they'll put your things at the bed." At sinarado na n'ya yung pintuan.
"Ang sungit, kala mo gwapo."
Okay, gwapo nga s'ya, mayabang at masungit naman, parang araw-araw dinadalaw.
Naligo na ako, siguro isang oras na ako sa bathtub ngayon. Sobrang nandidiri ako sa sarili ko kaya limang beses kong sinabon ang katawan ko.
Pagkatapos kong magbabad sa bathtub, napatingin ako sa kama. Nakita ko doon ang mga damit na isusuot ko.
Lumapit ako at napa nga-nga sa nakita ko.
Isang malaking white v-neck shirt, at boxers? Seriously?
Bumukas ang pintuan kaya lalo akong nataranta. For f-ck's sake! I'm naked! Oh, naka towel pala, pero syempre naked pa din yun.
Lumapit ako sa pintuan at mabilis na sinarado ulit yun, pero dahil malakas itong si Dark, hindi ko nasarado ng todo yung pintuan, naka silip parin s'ya.
"Manyak ka! Umalis ka dito!!" Pilit kong tinutulak yung pintuan, bakit ba ang lakas ng isang to?
Humahalakhak lang s'ya habang ako ay pilit na sinasarado ang pintuan.
"Woah! Hindi ako papasok okay? I'll just—"
"What?! Gusto mo akong makitang suot yung malaki mong t-shirt at y-yung boxers mo?!" Hysterical at naiinis kong sigaw sa kan'ya. I'm really pissed ugh!
Narinig ko ulit ang halakhak n'ya. "I know that you'll not gonna like it, but you don't have a choice."
Magsasalita pa sana ako pero inunahan n'ya ako. "And besides, wala kang undies, kaya eto nga at ibibigay ko."
Biglang namula yung pisngi ko. Sh-t! I never imagined a man holding my undies.
"Asan na?!"
Pinasok n'ya yung kamay n'ya at pinakita yung undies, mabilis ko itong kinuha sa kamay n'ya.
At dahil sa sobrang inis ko, yung kamay n'yang nakaharang sa pintuan ay kinagat ko.
"Aw!"
Inalis n'ya yung kamay n'ya at sinarado ko ng todo ang pintuan.
Putek akala ko makakapagbihis ako ng nandyan siya, buti nalang nagawan ko ng paraan.
Mabilis kong isinuot yung mga damit niya na ipinapasuot niya sa akin, wala nga akong choice.
Nag alinlangan pa akong isuot ito pero, alanganaman lumabas akong naka towel lang diba?
Amoy na amoy ko si Dark dahil dito sa damit niya, ang bango.
Wait did I just said na mabango s'ya? Hell no! Mas mabango pa nga ako sakan'ya kanina kahit I'm soaked na eh.
Bigla naman nabukas yung pintuan na kinagulat ko. Hindi ba't ni-lock ko yun?
Pagtingin ko sa pintuan, naka sandal si Dark habang nakangisi at winawagayway yung keys n'ya.
Oh sh-t! Bakit nawala sa isip ko na pamamahay n'ya ito at may susi s'ya?