Chapter 3

10 0 0
                                    

Sa mga oras na ito hindi ko na talaga ang gagawin ko. Iba-ibang emosyon ang makikita mo sa mukha ko, at ibang-iba na din ang nararamdaman ko, malayong-malayo sa kilala kong Crishia.

"What?! Ano ginagawa mo?! Bakit ka nag walk-out?! What's your problem?" Bungad sa akin ng manager ko pagkarating ko sa backstage, hindi ko sya pinansin at umupo sa sofa, bahala syang magsawa kakasalita dyan.

Bakit ko ginawa yun? Please stop asking me that damn question because for fuck's sake, I won't tell you! Because, I also don't know why.

That assho-e! Ang sakit nya sa false eyelashes ko ha!

Muntikan pa akong madapa noong pababa na ako ng backstage at muntik pang maputol ang pagkamahal-mahal kong heels. Wow, at talagang inaalala kopa ang heels kong kaya ko naman bilhan ng bago kahit milyon pa.

Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko, sana mapagod sila at mag take muna ng break at wag na ulit tumakbo.

Paano na ang career ko? Anong mukha na ang ihaharap ko sa fans ko? Panibagong issue at for sure sobrang kalat na ito sa social media!

Sirang-sira na ang pangalan ko, bakit banaman kasi na-uso pa ang mall tour na iyan eh! Kung hindi ako pumunta dito sa mall tour, walang games na magaganap, at hindi magpapakita sa akin yung lalaking sinampal ko! Sobrang sumakit ang palad ko nung sinampal ko sya dahil sa kakapalan ng mukha nya!

I swear to God! Sana mamatay na yung lalaking iyun! Oh please, kunin nyo na po s'ya, kung hindi man po sya tanggapin dyan sa heaven ihulog nyo nalang po sa baba papuntang hell basta wag lang po dito sa mundo ng mga tao dahil babalatan ko po s'ya ng buhay kapag nakita ko pa s'ya, yung tipong itak ang gamit ko sa pagbabalat.

Nasira ang pagmumuni ko nang biglang may pumasok. Pagkapasok nya palang, parang gusto kona s'yang itulak ulit palabas ng pintuan. Hindi ko s'ya kailangan.

Lumapit naman sa akin ni Nash na mukhang nag-aalala. Wow? Bago yan! Naawa ba sya sa akin?

"Don't look at me like that Nash, hindi ako nakakaawa kaya hindi ko kailangan yang awa mo, ibigay mo nalang yang awa mo sa mga ibang nakakaawang tao."

At tumawa pa ang tukmol? Sarap sampalin. "Kung saan-saan talaga napupunta yang utak mo eh. Masungit nga pero slash comedian din minsan." Aba't pinunta pa sa ibang topic ang usapan? Hindi ba't ang ganap dito ay ang pagkapahiya ko?

Okay hindi ko inaamin na hindi ako napahiya okay.

"Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong batuhin kita dyan." Pagsusungit ko sa kan'ya.

Natatawa naman syang umalis. Wala pamang isang segundo pinagsisihan kona ang pagtataboy ko sakan'ya, dahil ang sumunod naman ay ang manager kong sasabog na sa galit.

"Crishia Angela, ginagalit mo ako!"

Napa-irap ako. Whatever, magalit ka kung gusto mo.

"Kausapin mo nalang ako kapag bumalik na yung pake ko." Tumayo ako at akmang aalis na pero pinigilan nya ako, hinawakan nya ng mahigpit ang braso ko.

"Masisira ang pangalan mo. Oh well, hindi naman ako ang masisiraan, kaya bahala kana sa buhay mo, wag na wag mo akong sisisihin kapag nawala na ang career mo."

Tinaasan ko lang s'ya ng kilay. "Wag kang magsalita ng tapos, hindi ako matatanggalan ng career. Gaya nga ng sinabi mo, hindi ka kawalan kaya wag kang makialam ha? Kung maka banta akala mo kung sino ka ha? Tsaka kana gumanyan kapag gumanda kana, yung tipong tatalbugan ako." Inis kong tinanggal ang kamay nya sa braso ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Lumabas ako doon sa secret gate ng mall, konti lang ang nakakaalam nito kaya paniguradong hindi naman ako makikita ng mga tao paglabas ko.

Paglabas ko, nandoon na yung van na sasakyan ko dapat, pero imbis na sumakay ako ay naglakad ako papuntang parking lot, hahanapin ko ang kotse ko, hindi ako sasakay sa bulok na van nayan.

Black AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon