Nagsisimula na silang lumapit sa akin, habang ako paatras na ng paatras. Oh no no! Hindi ako pwedeng ma-corner, makakaalis ako dito, makakaalis ako.
Yung lalaki kanina takang-taka sya sa mga nangyayari, halos mabaliw naman yung girlfriend nya. Mabilis lumapit sa akin yung girlfriend nya at yinakap ako.
"Idol talaga kita Crishia!" Nakanga-nga nalang ako habang tinitignan sya, ohmygosh what to do?
Tinignan ko ang boyfriend nya, what are you doing assh-le?! Help me!
"C-cara! Dumadami na yung mga tao, alis na tayo?" Hinihila na sya nung lalaki pero ayaw parin paawat nung Cara, ano banaman yan!
"Pero Clyde! Idol ko to, sawakas at nayakap kona din s'ya." Lumayo sya ng kaonti at tumingala, maliit lang kasi sya at naka heels ako. Nginitian naman n'ya ako ng nakakaloko.
"Idol pwede ba papicture?" Kumunot ang noo ko sa sinabi nya, ano ba naman tong babae na to, hindi nya ba nakikita yung mga tao? Nakapaligid na sa amin oh!
Mabilis akong umiling. "N-no, I have to go na eh." Binitawan ko sya pero hinawakan nya yung waist ko.
ANO BANG GINAGAWA NYA SA AKIN?!
Inis ko s'yang tinignan, pero naka-ngisi parin ang loko. Ano bang binabalak nya?
"Makaka alis kaba dito? Sa tingin mo idol?" Bulong n'ya parin sa akin, inilibot ko ang paningin ko. Marami na talagang nakapaligid sa amin, at nasisilaw na ako sa mga flash ng camera, meron pang nagvi-video!
Sh-t! Hindi na ako magugulat kung kusang lumabas sa social media na lesbian ako.
Tinignan ko ulit s'ya. "What?" Tanong ko sakan'ya.
Binitawan naman n'ya ako, doon naman ako naka hinga ng super duper luwag! Grabe para akong nakulong sa mga bisig nya ng limang taon!
"Tutulungan ka namin maka-alis dito." Napatingin naman ako kay Cara, she just smiled at me. What? Tutulungan? Ako?
At sa isang iglap, hinihila na pala ako ng dalawang tao. Teka? Hinihila papunta saan?
Clyde's Pov
Sobrang natulala yung babae, pagkatapos ng sinabi ni Cara. Ano nanaman bang kalokohan nitong si Cara?
At nagsimula na nga s'ya sa mga kalokohan n'ya...
"Hey people?" Sigaw nya, nabaling tuloy sakan'ya ang mga atensyon ng tao, may mga lumalapit na mga tao dun sa babae pero hinaharangan ko.
"Hindi to si Crishia Collins, kaya please bumalik napo kayo sa inyong mga sari-sariling ginagawa." Crishia Collins?
Hinila nya si Crishia at ipinakita sa mga tao, tinanggal nya pa ang beanie na suot nito, nagsimulang mag bulungan ang mga tao.
"Look, hindi ganyan mag make-up ang idol natin diba? Bakit hindi nyo tignan ng mabuti? I'm her super fan, lagi akong nasa mall tour nya, sa mga interviews, etc. Kaya kilala at alam kona ang bawat sulok ng pagmumukha nya." Pagtutuloy ni Cara, wala naman akong alam sa mga sinasabi n'ya kaya nag kibit-balikat nalang ako nang tignan ako ng mga tao.
Hinawakan ni Cara ang mukha ni Crishia. "Hindi sya ganito mag-ayos, masyadong light ang make up nya, halos wala pa s'yang suot na lipstick, tapos tignan nyo naman sya manamit? Parang pang prosti!" Nanlaki naman ang mga mata ni Crishia sa sinabi ni Cara, at mas lalong lumakas ang mga bulungan.
"Kaya please, tigilan nyo na ito, naniniwala naman kayo sa look alike diba? Tsk! Hindi s'ya ang idol namin, kaibigan ko itong babaeng to, mayaman sila kaya nakuha n'yang magpa plastic surgery, kaya ganyan nalang kaganda ang mukha nya, at sadyang nagpagaya talaga s'ya ng mukha ni Crishia." Napa 'oh' nalang ang mga tao sa sinabi ng girlfriend ko, oh well, sino bang hindi maniniwala d'yan? Tignan mo naman kung magsalita parang nasa MMK, nagkukwento ng buhay ng may buhay.