Chapter 5

12 0 0
                                    

Crishia's Pov


Hindi ko alam kung sinasadya ba ito ng tadhana. Para bang tinatawag na karma ito para sa'kin. At ano naman ang ginawa ko para ma-karma ako?

"Bakit kasi naiwan ko yung hoodie ko eh!" Kaya ayan tuloy, sobrang linalamig ako, para kasing uulan na at ang lakas lakas ng hangin, para akong tatangayin.

Gabing-gabi na, meron panaman dumadaan na mga sasakyan, pero dahil highway to, wala silang pakialam sa akin, at hindi naman nila ako masyadong makita dahil sobrang dilim, kokonti lang din kasi ang mga poste na nandito.

Oo na! Nagsisisi na ako sa mga sinabi ko sa dalawang iyon, bakit banama kasi ganun ako sumagot-sagot eh, tinulungan na nga ako pero ganun parin ako maka-asta.

Pero syempre dahil mataas ang pride ko, hindi na ako aasa pang babalik sila at kukunin ako dito, dahil kapag ginawa nila iyon, baka mapilitan akong ibaba ang sarili ko at magmakaawa na i-uwi nalang ako saamin.

At nagsimula na ngang pumatak ang iilang butil ng ulan, hanggang sa lumakas na ito.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit sobrang linalamig na ako, nakatungo ako habang naglalakad kaya hindi nila makita ang mukha ko. Aba?! Hahayaan ko bang makita nilang ganito ang isang Crishia Collins?

Sunod-sunod na malas ang nangyari sa akin ngayong araw na ito, mayroon nanaman siguro akong panibagong issue, nang dahil sa dalawang iyon.

Akala ko dito na magtatapos ang kamalasan ko pero hindi pa pala.

May mabilis na dumaan na motor sa gilid ko, yung tipong sasagasaan na ako sa sobrang lapit nya at sobrang bilis nya magpatakbo. At dahil umuulan nga, ayun at natalsikan ako ng tubig mula sa lupa.

"What the f—" I stopped myself from cussing, baka kasi mas lalo pang dagdagan ni Lord ang kamalasan ko sa araw na ito.

Inis ko nalang tinignan yung motor na dinaanan ako, at nakitang bumagal ang takbo nito. Pagkalingon ko sakan'ya, lumingon din s'ya sa akin. Ano ha? Makonsensya ka sa ginawa mo sa akin!

Umaandar na ulit ang motor nya ng mabilis...pabalik sa akin. Para naman akong kinabahan sa ginawa n'ya, babalikan n'ya ba ako dito para mag-sorry? I-uuwi naba n'ya ako sa amin?

Nabura naman lahat ng positive thoughts ko sa isip ko nang maisip ko all black ang suot nito, pati motor nya ay kulay itim.

Gangster ba ito? Ano? Papatayin naba n'ya ako? Gagahasahin? Oh no! Ayaw ko pang mamatay!

At nakarating na nga ito sa harapan ko, naka helmet s'ya kaya hindi ko kita kung ano ang mukha n'ya.

Tatakbo na sana ako, pero naisip ko wala din itong kwenta dahil hahabulin n'ya din ako gamit ng motor n'ya.

Naghuhubad na s'ya ng helmet n'ya. Nakatingin lang ako sakan'ya habang ginagawa n'ya iyon.

Binuksan ko ang purse ko at kumuha ng limang libo doon. At bago n'ya pa tuluyang mahubad ang helmet n'ya, inilahad ko na sakan'ya yung limang libo.

"Ayan! Sa'yo na yan! Just please, leave me alone! Okay lang ako dito, kahit naputikan mo ako, it's okay! Basta wag mo lang akong gagalawin." Pasigaw kong sabi sakan'ya. Umuulan kasi at kumikidlat pa kaya linakasan ko ang boses ko para marinig n'ya ako.

Hindi n'ya ito tinanggap at nagpatuloy sa pagtanggal ng helmet n'ya. Oh sh-t! Bakit ba natatakot ako sa isang to?!

Napapikit nalang ako. Bahala na! Kung ano man ang mangyari sa akin, kasalanan ito ng dalawang iyon, dahil hindi nila ako binalikan at iniwan nila ako.

Black AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon