03 A Family

364 21 0
                                    

"Anong oras kayo magkikita ng boyfriend mo?" Tanong ko, andito lang kami malapit sa may entrance ng mall, nakabihis na ko ngayon ng mga damit na binili sakin ni Josephine, binilhan din nya ko ng puting sapatos para perfect ang ootd ko, ang vintage talaga ng ootd ko, si Josephine kasi ang namili, pero nabobother parin ako sa sinabi ni Josephine kanina, naguguluhan ako na natatakot, hindi ako sigurado sa sinabi nyang 1994 ngayon, walang kalendaryong nakikita dito para paniwalain ang intrusive thoughts ko, para kaming nasa ukay, ang mumura lang kasi ng bilihin ngayon sobra di katulad sa panahon ko kapag may isang libo ka iilang items lang ang mabibili mo, pero dito hinde, inayusan din ako ng buhok at inayusan ako ni Josephine that's why I look presentable hindi katulad kanina na halos magmukha na kong badjao pero hindi clear skin.

"Actually ngayon na, nag hihintay lang ako, promise irereto talaga kita sa kaibigan nya, para double date kumbaga." Sagot ni Josephine, hindi naman ako interesado sa kahit sinong lalake ngayon, pero kailangan ko nalang pumayag kasi umaasa parin ako na gwapo yung kaibigan ng bf ni Josephine.

"Wait, sila na ba yan?" Tanong ni Josephine at tumingin ako kung san sya tumingin, biglang bumaliktad ang sikmura ko habang pinagmasdan ko ang nobyo ni Josephine. Ang bawat galaw niya, ang kanyang tindig, at ang nakangiting mukha-lahat ay kapareho ng taong sumira sa buhay ko. Pumikit ako sandali at huminga nang malalim, ngunit tila mas lalong sumikip ang paligid ko.

Unang beses ko palang na nakita sya kumulo na ang dugo ko, he was wearing white shirt with black stripes that tacks in his pants , he was wearing accessories and the plastered smile in his face was making my blood boil, feeling the heat rising above my head.

"Snow lapitan na natin sila!" Masayang sambit ni Josephine at hinila nya ko papunta sakanila at tumakbo sya at sinalubong nya ng yakap si papa habang ako ay nakatingin lang sakanilang dalawa, nag iinit parin ang ulo ko.

"Oh my gosh hi babe I really missed you so much!" Masayang wika ni Josephine habang naka sabit sya kay papa, si papa naman ay natawa pa habang yakap yakap nya si Josephine, si papa halatang walang pinagbago sa itsura pero ang alam ko naging kalbo lang, ganun pa din sya pero sa pananamit lang sya nagbago pero hindi ko parin sya kayang tawaging tatay ko sa sobrang galit ko sakanya.

"I really missed you too Josephine, ilang araw tayong hindi nag kita ah, by the way who is she and why is she with you?" Tanong nya, hindi ko napansin na nakakunot na pala ang noo ko at ngumiti ngiti ako sakanya para hindi mapaghalataang mainit ang ulo ko. "Who is she? New friend mo? Ibig sabihin hindi na pala ako third wheel sainyo?" Tanong ng isang lalaki na sinasabi nya na kaibigan daw ni papa.

"Oo hindi ka na thirdwheel, Cristopher and Spencer, I would like you all to meet Snow Millicent, my new friend, bumati ka naman sakanila Snow they would like to know you din." Utos ni Josephine at ngumiti ako sakanila ng pilit.

"Uhm, hello, ako si Snow, nice to meet you both." Pagbati ko, tinignan ko yung Spencer at nakangiti lang sya saken habang nakatulala, na akward ako sa tingin nya sakin, nailang ako bigla kasi lumagkit yung tingin nya.

"Hello Snow nice to meet you too! Ilang taon ka na? San ka nag aaral? Do you want to be friends with me? Can i take you to a date? Pwedeng akin ka nalang? Can I take you home?" Sunod sunod na tanong nitong Spencer at nagulat ako sa huling tanong, jusko hindi ko sya magawang mapatulan kasi kung totoo ngang nasa 1994 ako, tito ko na to sa present time, there's still a part of me na ayaw kong maniwalang nasa 1994 nga ako kasi wala akong pruweba at isa pa hindi ko alam kung binibiro ako ni Josephine at hindi ko alam kung mapapagkatiwalaan ko sila, pero at the same time pruweba narin sakin ang pananamit ng mga tao dito.

"Hoy Spencer kalma ka lang! Ilugar mo pagiging malandi mo!" Asik ni Josephine at nagtawanan silang tatlo except saken. "Hinde joke lang yon ate binibiro lang kita, by the way what's your full name and address and what's your number?" Tanong nya ulit, kakaiba lumandi ang Spencer na ito.

Memories Of The PastWhere stories live. Discover now