09 The Night's Celebration

156 15 0
                                    

"Mag ingat ka sa christmas lights baka makuryente ka." Paalala ni ate Dolores since kami ni Rita nag lalagay ng christmas lights sa christmas tree.

"Ate mag lagay nalang po kayo ng christmas balls since binilinan ako ni tito na dapat tapos na to by 2 post meridiem." Sambit ko at pagkatapos kong lagyan ng christmas lights ay kinuha ko ang christmas balls at dinecorate namin ang christmas tree, bigla akong nagulat nang marinig ko ang boses ni Josephine mula sa taas at mukhang natataranta kaya nadistract ako.

"Josephine ano yon?" Tanong ko at nakita ko syang tarantang bumaba at hinawakan nya ko sa braso ko at kinaladkad ako papaakyat.

"Josephine ano ba kailangan pa namin tapusin yung christmas tree!" Pag pupumigil ko. "Mga ate kayo nalang tumapos nyan ha I need Snow today." Sambit ni Josephine at patuloy nya kong kinaladkad papunta sa kwarto nya at isinara nya ang pinto at nilock.

"Snow, a friend just called my earlier." Sambit ni Josephine at mukhang namamaga ang mga mata nya at mukhang kakagaling lang sa iyak if hindi ako nagkakamali.

"Josephine what's wrong?" I asked and she was silent, I froze when she suddenly hugged me. "You're right." Sagot nya at naririnig ko ang paghikbi nya, hinarap ko sya sakin para tanungin kung anong meron sakanya ngayon.

"Totoo ang sinabi mo Snow, di lang manloloko si Christopher, kundi gold digger at magnanakaw rin." Sagot nya at pinunasan ko ang luha nya, ewan ko ba pero I cannot afford seeing her like this.

"P-pano mo nalaman?" Tanong ko. "Let's talk on the balcony, I need fresh air." Sambit nya at binuksan nya ang sliding door ng balcony at sinundan ko sya don, nakikita ko ang malaking backyard nila dito at katabi lang din ng swimming pool nila, malawak to I swear.

"Sagutin mo na ang tanong ko, paano mo ngang nalaman na tama ako?" Tanong ko at pinunasan nya ang luha nya at isinandal nya ang dalawang siko nya sa fence.

"Tinawagan ako ng isang kaibigan ko, winarningan nya ko tungkol kay Christopher, she overheard their conversation ng isa kong kaibigan na lalake at doon nila pinapagusapan kung paano nya ko mapapapayag na pirmahan yung kontrata na inooffer sakin ni Christopher, ang lungkot lang kasi all this time he doesn't really love me pala, but he is just manipulating me to sign the contract para lang makapang hiram ng pera sa companya namin at para makapagnakaw ng malaking halaga para isalba yung kompanya nila." Sambit ni Josephine habang umiiyak.

"Sabi ko sayo eh, tama ako no? I don't really trust Christopher nung unang pagkikita nating lahat sa mall, you know it is called 'girl's instincts', alam mo posible din naman na manghiram sila ng pera sainyo or magnakaw sila ng milyon sainyo tapos alam mo bang pwede nilang itakbo yon anytime? Kahit pa sabihin mo na kalapit mo yung pamilya nila hindi malabong traydorin nila kayo, so anong plano mo kay Christopher ngayon?" Tanong ko at tinitigan ko lang sya habang umiiyak, my mom is so beautiful, I was fascinated with her beauty, hindi ko alam kung saan nakuha ni papa yung kagaguhan nya para iwan kami at gawing miserable ang buhay namin, and I do not understand how did he get the nerves to betray someone so beautiful like her?

"Bago ko sagutin ang tanong mo, gusto muna kita tanungin na kung paano mo nalaman ang binabalak ni Christopher saakin at sa kompanya namin?" Tanong ni Josephine at sumandal sya sa fence.

"K-kasi ano eh, k-kasi n-narinig k-kong may kausap si Christopher na isa sa mga kaklase nyo at pinaguusapan nila yung binabalak na pagnanakaw sainyo, kaya ayon ngayon palang sinasabi ko na tigil tigilan mo yang si Christopher." Sagot ko naman, kunwaring dahilan lang talaga.

"Yun nga rin ang sabi ng kaibigan ko eh narinig din nya ang conversation nila Christopher at Eric during the pool party." Saad ni Josephine at may naisip akong gawin. "Sino yang Eric na yan? Best friend ba sya ni Christopher? Close ba sila kaya pinagkatiwalaan sya ni Christopher na sabihin yung sikreto nya?" Tanong ko, kasi hindi pa sila nag ingat that time eh alam naman nila na maraming tao, ang akala siguro nila hindi sila naririnig sa lakas ng music that time.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 5 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Memories Of The PastWhere stories live. Discover now