Isang linggo na pagkatapos ng eskandalong ginawa ko, hindi parin ako magawang pansinin ni Josephine, hindi ko sya magawang malapitan dahil sa hiya na nararamdaman ko sakanya, everytime na nagkikita kami sa loob ng bahay ay hindi nya ko pinapansin kasi halata naman na galit sya sakin, napansin din yon ni lola kaya mag uusap kami tungkol dito kaya nalaman na nya ang ginawa ko sa boyfriend nya pero sinabi ko lang sakanya na kaibigan nya yung pinahiya ko since hindi talaga sila legal sa side nya.
Pero hanggang ngayon ay pinag iisipan ko parin na kung paano ako makakabalik ng 2022 kasi ang gulo na ng nangyayari dito kaya feeling ko hindi ko na sya kayang ihandle kaya until now hindi ko parin maisipan ng paraan kung paano ako aalis dito, kahit nung dati lang ayaw ko nang umalis sa panahon na to.
Naglilinis ako ng sala ngayon, nililinis ko yung picture frames dito at tinititigan ko lang sila habang nililinis ko kasi pics to nila lolo at lola pati narin ni mama, naalala ko na itong mga pictures na to ay tinatago parin ni lolo at pinapakita parin nya sakin, ibig sabihin treasure para sakanya lahat ng litrato na to kasi until 2022 hindi ito nawawala sa pangangalaga nya.
"Snow hija, can we talk?" Agad akong napatingin sa likod at si lola pala ito, medyo seryoso ng konting konti ang mukha nya, what if galit din sya saken?
"Y-yes po tita?" Tanong ko. "Ilapag mo muna yan at maupo ka, kailangan natin mag usap." Sagot nya at agad kong inilapag ang picture frame sa lagayan nito at agad akong naupo sa harapan nya.
"Sa totoo lang, naaawa ako sayo kasi nung unang nalaman ni Josephine na you applied to work here, she was really happy, pero after non hindi na kayo nag usap, alam kong galit sayo si Josephine dahil sabi ninyong dalawa na pinahiya mo daw ang isa sa kaibigan nya sa harap ng mga kaklase nya at nagkataon ay yung bestfriend pa nya ang pinahiya mo." Paninimula nya at pinapakinggan ko lang sya.
"Nagiging distant na kayo sa isa't isa and at first when you applied here I thought that the two of you will be close, but I think I am wrong, pero bakit ngayon hindi mo parin nililinaw kay Josephine ang ginawa mo sa kaibigan nya kaya galit na galit sya?" Tanong nya.
"I-It's because, I do not know how to talk to her because all she does is to avoid me kaya I really don't know how to fix all the things that I just ruined." Sagot ko.
"You work here for us Snow, and hindi pwedeng habang buhay ay galit sayo si Josephine kaya I want you to make all the things up to her when she gets home ok? I will convince her to talk to you because even me, hindi narin ako mapakali sa misunderstanding nyo." She said.
"Later I will convince her to talk to you ng hindi sya nagagalit, sige hija you can go back to your work." She said and I stood up.
"Sige po tita maraming salamat po." Sagot ko at bumalik na sa pagtatrabaho, habang nag tatrabaho ako ay iniisip ko kung anong sasabihin ko sakanya, I have to be careful of my words kasi natatakot akong mas magalit sya sakin, I always wanted to be close to her pero iniisip ko na parang imposible kasi hindi nya ko pinapansin, kaya habang nag tatrabaho ako ay hindi maalis sa isipan ko kung paano ko aayusin ang lahat between us two, until I mustered the courage to talk to her.
"Josephine, pwede ba tayong mag usap?" Tanong ko at tinitigan lang nya ko ng blanko sa mata, kanina pa ko nakatambay sa harap ng kwarto nya dahil alam kong dito sya naderetso pagkauwi nya galing sa gala nilang magkaibigan.
"We have nothing to talk about Snow, now move." Masungit na sambit nya pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko, tinignan lang nya ko ng masama nung hindi ako gumalaw.
"Kung ayaw mong mapahamak ka umalis ka dyan! At mag papahinga pa ko." Asik nya at umusog nalang ako at pumasok sya sa kwarto nya pero isasara sana nya yon pero I barged inside at kita ko ang gulat nya sa mukha sa di inaasahang pangyayari.

YOU ARE READING
Memories Of The Past
Historical FictionTimeless Romance #1 In the midst of her unbearable present-day life, Snow Millicent unexpectedly found herself transported back to 1994. Intrigued by this time-travel twist, she saw an opportunity to change her bleak future. But, a mysterious curse...