I waited for Lorden in the car. Medyo hindi ako mapakali pero hindi ko na lang pinapahalata dahil kasama ko si Marco sa kotse. Ano kaya ang ginawa ni Lorden?
I beamed when I saw Lorden walking his way toward us. Agad namang bumaba ng kotse si Marco at pinagbuksan ang amo. Umupo na lang si Lorden sa tabi ko sa may backseat. I was about to ask him questions but I stopped when I saw his wet hands. Pinupunasan niya ng panyo iyon.
Nakahinga ako nang maluwag. Mukhang naghugas lang pala siya ng mga kamay.
"Saan tayo pupunta, Lorden?" tanong ko sa kaniya.
"Mall," tipid na sagot niya. Isinandal niya ang likod sa backrest saka ipinikit ang mga mata niya. He touched his knuckles and gently massaged it.
Napalunok ako habang nakatitig sa kaniya. "M-masakit ba ang kamay mo?" tanong ko.
"No."
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ako kumbinsido sa sagot niya kaya kahit kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya, kinuha ko ang kamay niya at ipinatong sa hita ko. Lorden opened his eyes and looked at me.
"What are you doing?" he asked in a stern voice.
"Masakit ang kamay mo," sabi ko na lang.
Hindi na siya nagsalita nang magsimula akong hilutin ang kamay niya. I looked at him to see his reaction. His face remained stoic. I just bit my lower lip and continued massaging his hand. I couldn't help but to compare our hands. Kitang kita ang pagkakaiba ng kulay naming dalawa. My light skin contrasted to his dark one. Di hamak na mas malaki rin ang kamay niya sa akin kaya mas lalo akong nanliit.
I fought the urge to run my fingertips on his tattoos. I just cleared my throat and continued massaging his rough and calloused hand. His hands were too rough... as if it had gone through a lot.
Unconsciously, I ran my hand to his palm. Pinagdikit ko pa ang mga palad namin saka pinagkumpara 'yon. Mahinang natawa na lang ako. Ang gaspang ng kamay niya kumpara sa akin na masyadong malambot.
Natigilan lang ako nang mapansin kong tumikhim si Lorden. Napakurap ako nang mapagtanto ang ginawa ko. Agad ko ring inilayo ang kamay ko.
"S-sorry..." I muttered and avoided his gaze.
My cheeks burned. I bet it looked bright red right now. Baka kung ano pa ang isipin niya tungkol sa akin... Nakakahiya!
Hindi na lang ako nagsalita ulit at tumingin na lang sa bintana. Hindi na lang din nagsalita si Lorden sa tabi ko.
Makalipas ang ilang saglit, nakarating na rin kami sa mall. Agad na akong bumaba ng kotse. Marco got out of the car and immediately opened the door for Lorden. Lorden glanced at me and gestured to me to come closer to him. Tumango na lang ako at lumapit sa kaniya.
He held my wrist as we walked our way inside the mall. Tahimik na sumunod na lang ako sa kaniya. Dumiretso agad siya sa bilihan ng cellphone. Napapapikit na lang ako dahil nakakalula ang mga presyo.
"Good day, Sir! Ano po ang hanap nila?" bati ng saleslady sa amin.
Lorden put his hand in his pocket. "I want the most expensive and the latest model of your phone here," agad na sabi niya.
I held Lorden's vest and looked at him. He looked down at me and raised his eyebrow. "Hmm?"
"Uhm... Gusto ko sana na ako ang mamili," bulong ko sa kaniya.
His forehead creased. Maybe he didn't like what I said. Napansin ko rin naman kay Lorden iyon. Hindi niya gusto na hindi nasusunod ang gusto niya. Gusto niya rin na palagi siyang masusunod sa mga bagay bagay, kahit na gaano pa kaliit. Sasakit siguro ang ulo ng magiging girlfriend niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/189060727-288-k472481.jpg)
BINABASA MO ANG
Delicate and Ruthless (SERIE FEROCI 11)
General Fiction(COMPLETED) Aside from being a member of powerful feroci organization, Lorden Levesque is also known as the ruthless mafia boss of Black Cross organization. He was never tender... his heart never felt sympathy, his heart never wavered, his heart nev...