Chapter Nineteen

78K 2.3K 735
                                    

That was the most painful sight I'd seen... I immediately turned my back at them and ran back to my room. Naramdaman kong kumikirot ang binti ko pero hindi ko na nagawang indahin. Agad akong napaupo sa sahig at napahagulgol ng iyak. Tiinakpan ko ang mukha ko at patuloy na lumuha.

Humiga ako sa kama at namaluktot habang patuloy na umiiyak. Tila kinuha ang lahat ng natitirang lakas ko at wala nang natira. Mas matitiis ko pa yata na saktan ako ni Lorden sa ibang paraan... huwag lang sa ganito. Hindi ko yata kayang tiisin ang ganito.

I cried for hours that night. I didn't even bother to think that I was so hungry, and I haven't eaten yet. I just lied on the bed, crying my heart out. I just wanted this to end. I just wanted to be happy again... with Lorden.

I spent my whole time crying, thinking how far Lorden and that woman had gone. Did they do more than just kissing? Did he embrace her too? Just thinking about it makes me want to disappear... I love Lorden so much. I love him more than anything. He gave me life. He made my life meaningful... and worthwhile.

Hindi ko namalayan na muli akong nakatulog. Nang magising ako, ramdam ko kaagad ang bigat ng talukap ng mga mata ko. Gusto ko ring bumangon pero hindi ko magawa... Hinang hina ako. Hindi ko alam kung dahil sa gutom o dahil sa pag-iyak ng ilang oras.

Napapitlag na lang ako nang bumukas ang pinto. Inasahan kong si Marco iyon pero natigilan ako at nabuhayan nang makita si Lorden. Kahit nanghihina, pinilit kong bumangon at umupo.

"L-Lorden..."

May hawak siyang tray na may lamang pagkain. Mukhang bagong luto iyon dahil may usok pa. Lumapit siya sa akin saka inilapag ang pagkain sa kama. Lumayo rin siya kaagad at umupo sa malapit na upuan.

I smiled at him. "T-thank you..."

He didn't say anything. He just took the pack of his cigarette and lit one then smoked. I just bit my lower lip and took the spoon and fork and started eating. I sniffled and tried to steady my shaking hands. Everything was hard to swallow... but I was too hungry.

I looked at him. He was just staring at the floor while smoking. It seemed like his mind was all over the place. I wanted to know what he was thinking. I wanted to ask him things... but I don't know if it would turn out good.

Natigilan ako nang mapatingin sa kamao niya. Hindi niya pa rin napapagamot.

"L-Lorden... 'y-yung kamay mo."

"Don't fucking mind me and just eat," mariing sinabi niya sa akin.

Tumango na lang ako kahit na hindi ako mapakali. Gustong gusto ko nang magamot ang sugat niya dahil baka lumala pa iyon.

Nang matapos akong kumain, naramdaman kong nagkaroon na ulit ako ng lakas kahit papa'no. Umalis ako ng kama bitbit ang tray saka lumapit kay Lorden, pero napangiwi rin ako agad nang sumakit ang binti ko. Mukhang napansin iyon ni Lorden.

He involuntarily stood up, as if he did it without thinking. He stopped when he realized what he did. He gritted his teeth and grabbed the tray from me and put it on the table. Napasinghap na lang ako nang bigla niya akong binuhat at dinala sa kama. Tila naghuhuramentado ang puso ko sa ginawa niya. Napalunok ako at nagtatakang tumingin sa kaniya.

"L-Lorden?"

Marahan niyang hinawakan ang binti ko at tiningnan iyon, lalo na ang parteng sumasakit. Hindi siya nagsalita. He took a pain patch from his pocket and gently put it on my legs. My vision had become blurry as I watched him do that. I could see his shaking hands, as if this was against his will. I could see his clenching jaw as if he wanted to punch himself for doing this.

"L-Lorden... 'Y-yung babae kanina..."

"Pinaalis ko na," agad na sinabi niya.

Natigilan ako sa biglang sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit tila may humaplos sa puso ko sa kabila ng sitwasyon namin. Bahagyang napangiti na lang ako. Marahang humawak naman si Lorden sa binti ko, bago niya binitiwan.

Delicate and Ruthless (SERIE FEROCI 11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon