Kabanata 10

4.3K 122 5
                                    

Kinabukasan ay umuwi na kami ng bahay magkasama si Leo atsaka si Sean sa isang kwarto, agad na akong naghanda dahil kailangan ko pang magtinda ng gulay sa palengke, halos maubos din pala ang ipon ko.

"O, anak saan ka pupunta?" takang tanong ni nanay ng makita ako, nakita kong nakapaghanda na ito ng makakain

"Sa palengke po nay." nakangiting sabi ko habang tinatali ang mahaba kong buhok
Lumapit ako saka humalik sa pisngi nya.

"Dapat ay nagpapahinga ka ngayon."

"Ayos lang po, namiss ko na ang magbinta ng gulay."

"Nasaan po pala si Sean?" tanong ko ng makitang si Leo lang ang nakaupo naghahanda na para pumasok sa school

"Nasa kwarto pa ate, mukhang nahihirapan syang lagyan ng binda ang ulo nya tinanggal nya kasi kanina dahil naligo kami sa sapa." sabi nito saka nagsimulang magsandok ng kanin

"Bakit naligo sya agad? Baka mabinat sya." agad akong pumunta sa kwarto ni Leo

Nakita ko syang nakasoot ng maong walang pang itaas na damit, napakamatipuno ng matawan nya, matikas, his body is broad and firm.

Sobrang gwapo, napailing agad ako sa naisip.
Nakaupo ito sa kama habang nilalagyan ng guaze pad ang sugat sa noo.

Basa pa ang buhok nito. Napatikhim ako napatingin naman sya agad saakin.
Lumapit ako sakanya at naupo sa kama saka sya tinulungang gamutin ang noo.

Pigil hininga ko syang tinutulungang gamutin ang noo habang nakatingala sakanya. Nakatitig lang sya sa mukha ko.

Ramdam ko ang pag init ng mukha ko sa klase ng titig nya.

Ng matapos ay agad na akong tumayo.

"Where are you going?" kunot ang noong tanong nito habang tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Nakasoot lang kasi ako ng pink T-shirt at brown na saya.

"Ah pupunta akong palengke ngayon magbibinta ng gulay." Nagkakamot ng ulong sabi ko.

Mas lalong kumunot ang noo nya. "What?" di makapaniwalang sabi nya.

"Oo, para makabinta heheh" natutuwa kong tinignan ang reaksyon nya.

"Halikana ng makakain na tayo. " nakangiting sabi ko.

Lumabas ako saka naupo sa upuan sa lamesa.

"O anak asan si Sean?" tanong ni nanay sinabihan konang mauna si Leo dahil baka mahuli sya sa klase.

Hindi kona kailangang sumagot dahil lumabas agad si Sean na nakasoot na ng kulay dilaw na damit.

"Maupo kana hijo."  ng makaupo sya ay nagdasal muna kami bago kumain.

Tumayo si Leo.  "Nanay, Ate, kuya papasok napo ako." binitbit nya ang mga pasalubong sa kaibigan saka humalik sa pisngi ni Nanay pati narin saakin.

Ngumiti ito kay Sean ganon din ito sakanya.

"Study well buddy." lumabas na ito ng bahay.

Ng matapos kumain ay hindi na pumayag si nanay na linisin ko ang mga pinagkainan namin.
Pumasok naman sa kwarto si Sean.

Niyakap ko ng mahigpit si Nanay.

"Aalis napo ako nay, wag pong magpapagod saka kumain po kayo mamaya baka hapon na ako makauwi." masiglang sabi ko.

"Mag ingat anak wag kading masyadong magpapagod."

Lumabas na ako ng bahay, binitbit ko ang basket ng mga gulay na inayos ko kagabi para maibinta sa palengke.

The Amnesia Billionaire (His Probinsyana Serie 1) (COMPLETED✅) Where stories live. Discover now