Kabanata 41

4.2K 113 3
                                    

Ng makarating doon at  makapwesto kami ay sinuri ko ang buong paligid, nakadesenyo na ang buong stage mukhang pinaghandaan nya talaga ito at nagpamipas lang kanina.

Maraming tao ang nakapalibot sakanila, karamihan ay mga binata at mga dalaga na gustong makita ang nakakakilig na pag propropose sa babaing nagugustuhan nya at nangangap din kagaya ng ginagawa namin noon.

Pinaharap nila si Solana sakanya, pinasadahan nya sya ng tingin saka nangingiting nag iwas ng tingin.

"A-ano bang nangyayari?" naguguluhang tanong ni Solana pero nakangiti lang kami sakanya.

Naka ayos ng Formal Attire si Nero.

"Ang totoo nyan ngayon lang ako haharap sayo ng ganito inuna ko munang pasagutin ang pamilya mo." malakas syang nagbuntong hininga sya na narinig sa microphone.

"Gusto kong malaman at marinig ng mga tao kong gaano ako kasiguradong pakasalan ka." nginitian nya si Solana ilang metro ang layo sakanya.

Agad nangilid ang mga luha ni Solana sa narinig.

"Patawad dahil hindi kita nabigyan ng kasiguraduhan ang totoo nyan nagdadalawang isip ako nong una dahil ayokong masaktan kita." malumanay na sabi nya habang nakatitig kay Solana na para bang sya lang ang nakikita ng mga mata nya.

Napatingin ako sa mga kasama namin at mataman lang silang nanunuod at nakikinig, tiningala ko si Sean na nakangiting nilingon din ako mukhang natatandaan nya rin ang pag propose nya saakin noon.

Nakita ko ang pagbuka ng labi nya ng 'I love you'
Napangiti ako saka yumakap sa baywang nya kaya napatingin saakin si Ash.

"Mula ng makilala kita nakita ko ang totoong kahulugan ng pagmamahal na sinasabi ng mga kaibigan ko na kapag naramdaman mo ay hindi kana komportableng hindi yon manatili."
Nakita ko ang mga kaibigan nya sa tabi na nakangiti ding nakatingin sakanila.

"Mahal kita, ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda natin, maging katuwang ko sa lahat, maging ina ng mga anak ko kahit pa ang ihanda mo saakin araw araw ay kamote o saging walang problema."  natawa ang ilan at impit namang napatili ang ibang kadalagahan.

"Grabe sana ganyan din ang sabihin ng mapapangasawa ko."

"Kahit kamote o Saging."

"Hindi ba baka kabagin sila?"

"Ano kaba hindi naman talaga ganon yon, Common sense ginagamit ang salitang yon para ipahatid ang pagnanais mong makasama sya sa hirap at ginhawa."

"E bakit alam mo yan?"

"Eh sa naintindihan ko ang ibig sabihin e."

Kanya kanya ng komento ang ibang nakikinig.

"Tanggapin mo ang pagmamahal na gusto kong ialay sayo." nakangiting sabi nya saka dahan dahang naglakad palapit kay Solana na tahimik na umiiyak habang natatawa naman ang mga kaibigan naming hinahaplos ang likod nya.

"This kind of proposal is more likely the proposal of the ancient people." napalingon ako kay Ross na nakakunot ang noo kaya sinagi sya ni Hance.

"Shut up, your head is full of womanizing that's why you can't appreciate a simple things."

Ng makatapat sya kay Solana ay kinapa nya ang bulsa nya saka nilabas ang Singsing na mukhang galing pa sa Syudad dahil sa sobrang ganda.

Unti unti syang lumuhod sa harapan nya saka nakangiting tiningala si Solana.

"Pakasalan mo ko." mahinang sabi nya dito, sandaling natahimik ang lahat para marinig ang sagot ni Solana.

Umiiyak na hinampas nya sa balikat si Nero.

The Amnesia Billionaire (His Probinsyana Serie 1) (COMPLETED✅) Where stories live. Discover now