Kabanata 34

4.4K 147 6
                                    

Dumaan ang ilang araw na hindi ko sinunod ang sinabi ni Alistair, hanggang ngayon ay masama parin ang loob ko dahil sa mga sinabi nya.

Pero bago sya umalis noong araw nayon hinalikan muna nya ang mga anak ko sa noo.

HAPON, hinintay ko si Luisana at Tiya na parihong nasa trabaho.

Nagwawalis ako sa labas ng bahay habang naglalaro ang mga anak ko sa loob ng may Dalawang kotse ang huminto sa tapat namin.

Agad naglabasan ang mga armadong lalaki saka tumango saakin, nakita ko rin ang isa sa mga kaibigan nya si Curt yata yon.

"S-sandali saan kayo pupunta." walang paalam silang pumasok sa bahay at dinamba ako ng kaba ng makitang binuhat nila ang mga anak ko.

"Saan nyo dadalhin ang mga anak ko? Ano ba!" naiiyak ako habang pilit silang hinahabol pinigilan ako ng ilang armadong lalaki na sundan sila.

Napailing na napatingin saakin si Curt na nakatayo sa labas ng sasakyan na dala nya.

"Hindi mo dapat sya sinusuway hindi mo pasya kilala, Sumunod ka nalang sakanya para wala kayong maging problema." mahinang sabi nya saakin.

"Anong karapatan nyang gawin to?" nagbagsakan ang mga luha sa mga mata ko saka agad nagpumiglas sa mga humawak saakin, wala na akong pakialam kong mamaga ang mga kamay ko sa kakapiglas.

"Bastard, let her go." galit na asik ni Curt sakanila ng makitang namula ang mga kamay ko sa pagpupumiglas.

Agad nila akong binitawan kaya tumakbo ako sa sasakyan kong nasaan ang mga anak ko may mga yaya na nakahawak sakanila sa loob ng sasakyan, sinubukan kong buksan yon pero hindi ko mabuksan.

"Ano ba buksan nyo to." hindi maawat ang luha ko sa pag iyak ng hindi ko iyon mabuksan.

"I'm sorry we are just following his order." napabuntong hininga sya saka agad pumasok sa kotse.

Nagsipasukan ang mga armadong lalaki saka nila pinaandar paalis ang kotse, hinahampas ko ang bintana ng kotse at pilit yong hinahabol.

"Hindi wag...." napaluhod akong umiiyak habang tinatanaw ang kotse papalayo saakin.

'Napakasama nyang tao.'

Nag madali akong pumunta sa Kompanya ni Demitri habang patuloy na umiiyak.

Napapatingin saakin ang mga empleyado nya, nakita ko si Claire na may kausap na ilang empleyado at nagulat ng makita ang itsura ko, agad syang nagpaalam sa mga kausap saka ako sinalubong.

"Rhoana? Anong nangyari sayo?" gulat na sabi nya agad kong pinunasan ang mga kuha sa mata Kopp.

"N-nadyan ba si Demitri?" umiiyak na tanong ko.

"N-nasa loob halika." nagtataka nya akong inakay papuntang President's Office.

Ng pagbuksan nya ako ng pinto ay nakita ko syang nakaupo sa upuan nya napalingon naman saakin sila Ross, Theros, at Hance.

"What happened to you  Rhoana?" agad tumayo si Ross saka ako sinalubong.

Seryusong nakatingin saakin si Demitri.

"T-tulungan mo ko, kinuha nya ang mga anak ko." umiiyak na sabi ko sakanya.

"His so Heartless." galit na sabi ni Ross ng makita ang mga kamay kong namumula at may nagkasugat pa.

"Parang awa muna." napahagulgol na ako dahil hindi kona alam ang gagawin.

"I've told you before, you don't know him yet he is a Ruthless one, don't expect that he will treat you the way he treated you when he was still an amnesia man." seryosong paalala nya saakin.

The Amnesia Billionaire (His Probinsyana Serie 1) (COMPLETED✅) Where stories live. Discover now