Kabanata 28

3.6K 120 2
                                    

"Ano pong nararamdaman nyo Nay?"  pagkatapos kasi syang suriin ay hindi na kami kinausap ng Doctor at inilingan nalang kami at basta nalang umalis.

Magaan syang ngumiti saamin ni Leo. Bagsak ang mahabang buhok nito at namumutla ang buong mukha, namumula rin ang mga mata nya.

Tahimik na umiiyak si Leo sa likod ko habang nakatingin kay nanay.

"N-nay b-bakit po hindi ninyo sinabi?" bumagsak ang mga luha ko ng makitang naluluha rin sya.

"L-lumapit k-kayo ni Leo a-anak." mahina at paos na sabi nya saamin habang tinititigan kami ni Leo na parang ano mang segundo ay mawawala kami sa paningin nya.

Tahimik na nakamasid saamin si Luisana habang nakayakap kay Tiya na tahimik ding umiiyak.

Agad kaming lumapit sakanya saka sya niyakap ng mahigpit ang tahimik na pag iyak ko ay nauwi sa hagulgol ng makitang umiiyak din si Nanay habang yakap kaming dalawa.

"W-wag kayong u-umiyak, a-ayokong u-miiyak kay-o." malalim itong bumuntong hininga dahil parang hindi ito makahinga.

"N-nay wag nyo po k-kaming iwan ni ate, Magkaka apo na po kayo buntis si Ate Rhoana." Umiiyak at pilit ang ngiting balita nya kay Nanay.

Malamlam na mga matang kumalas si Nanay at tinitigan ang buong mukha ko, puno ng luha ang mga mata nito at marahang tinaas ang kamay saka hinaplos ang mukha ko.

Muling naglaglagan ang mga luha ko dahil sa masuyong haplos nya sa mukha ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nyang naka hawak sa mukha ko.

"M-magiging i-ina kana A-anak, m-masaya si Na-nay p-para s-ay--" agad syang napaubo kaya nag aalala akong tinitigan sya.

Habol nito ang hininga ng ibalik nya ang tingin saamin, sininyasan nya si Leo na lumapit sakanya.

Tumabi ako at agad namang lumapit si Leo at niyakap ng mahigpit si nanay at tuluyan ng humagulgol.

"Nay, wag nyo po kaming iwan ni Ate.." basag ang boses na sabi nito at parang batang nagsumiksik kay nanay.

Lumapit agad si Luisana at Tiya na kapwa umiiyak at agad akong niyakap.

"A-ang b-bunso ko b-binata na t-talaga, w-wag mong k-kaka-limutan ang mga p-payo ko sayo anak, i-ikaw ang l-lalaki k-kaya pal-agi mong b-babantayan ang a-ate mo." pigil na pigil ni nanay ang umiyak pero bumagsak din ang mga luha nya at agad napahagulgol at mahigpit na niyakap si Leo.

Sinugod ko sila ng yakap at agad hinalikan ang noo ni Nanay.

"Wag po kayong magsalita ng ganyan." mariing sabi ko habang yakap yakap sila ni Leo.

Kumalas sya saka kami hinaplos sa mukha ni Leo at masuyong tinitigan.

Hinila nya ako saka buong pagmamahal na hinalikan sa noo ganon din kay Leo.

Ngumiti sya saakin at niyakap ako.

" A-anak may i-iniwan ako sa i-ilalim ng k-kama na papel, y-yon yong p-paborito kong k-kwento s-sa tanang b-buhay k-ko, k-kunin mo y-yon n-ngayon s-saka m-mo b-basahin at d-dalhin d-dito, g-gusto k-kong mha- rinig." mahinang sabi nya at naghabol ng hininga.

Umiiyak akong umiling iling.

"Ayoko pong umalis, gusto ko po dito lang." hinawakan nya ang kamay ko.

"G-gusto k-kong p-pagbalik mo b-babasa-hin mo y-yon sa-akin." mahinang sabi nya pero umiling lang ako.

"S-segi na Rhoana kunin mo muna, kami ng bahala sa nanay mo." mahinang sabi ni Tiya, tumingin ako kay Tiya at tinanguan nya ako.

The Amnesia Billionaire (His Probinsyana Serie 1) (COMPLETED✅) Where stories live. Discover now