Kabanata 27

3.6K 102 3
                                    

Ilang buwan narin kaming magkasama ni Sean, sa mga panahong yon mas pinagtitibay ng di pagkakaunawaan ang pagmamahalan namin dahil agad naman namin iyong inaayos.

Ilang buwan narin syang nagtratrabaho sa pagdedeliver ng mga sakong bigas sa iba't-ibang bayan.

Gayon paman hindi sya nagkukulang sa atensyong binibigay saakin, minsan ay nag uusap kami tungkol sa maraming bagay.

Madalas man syang tahimik pero nararamdaman ko naman ang labis nyang pagmamahal sa mga yakap at halik nya.

At kahit pagod ito sa trabaho ay madalas naman ito kong sumiping sa gabi.

"Nay, ipapacheck up ko po kayo." marahang sabi ko kay nanay. Napapansin ko ang biglaang pagbagsak ng timbang niya at parang lumalala ang ubo nya.

Nag aalala ako sakanya dahil kapag ipapacheck up ko sya ay tumatanggi sya.

Sinabihan nya rin ako na wag sasabihin kay Leo dahil baka mag alala ito, ilang buwan narin mula ng magsimula ang klase niya sa kolehiyo at baka daw mawala sa konsentrasyon.

Kapag naman tinatanong ko si Tiya Crissa ay nawawalan ito ng imik.

Si Luisana naman ay nagtataka rin kong bakit nakiusap si Tiya na manatili muna rito sa bayan.

Hindi sumagot si Nanay, at nanatili lang na nakahiga sa kama.

Malumanay nya akong nginitian, parang pagod na pagod sya na maski ang pag ngiti ay hindi nya kaya.

"Wag na anak gastos lang yon." mahinang sabi nya.

"Nay, kailan naman po naging gastos ang pagpapagamot sainyo?" kunot noo kong tanong.

Nitong mga nakaraang araw ay napansin kong palagi akong iritado pero mabuti nalang at napipigilan ko.

Lumabas ako ng kwarto saka kumuha ng gamot.

"Wife.. I'm going.. " lilingon sana ako kay Sean ng bigla kong masagi ang baso kaya nahulog yon at nabasag.

Agad kong pinulot yon.

"Don't touch it, you might get hurt." malumanay na sabi nya at agad akong dinaluhan para sya ang maglinis non.

Ng malinis nya yon ay lumapit sya kaya napatingala ako, tinitigan nya ang buong mukha ko saka ako
magaang niyakap.

"I will miss you wife." marahang sabi nya, taka ko naman syang tinignan.

"Para namang hindi ka uuwi mamaya." nakangiting sabi ko nginitian nya lang ako saka hinalikan sa noo.

"Prepare our dinner later, maaga akong uuwi." malambing na sabi nya.

Masaya ko naman syang tinanguan, bago umalis ay malalim muna ako nitong hinalikan.

Pumasok ulit ako sa kwarto saka nilapitan si Nanay.

"Ay inumin nyo muna tong gamot." tinulungan ko syang makaupo. Maputla sya at namumula ang mga mata.

Ng mainom nya yon ay bahagya nyang hinaplos ang buong mukha ko saka naiiyak na tinitigan ako.

"Anak, palagi kang mag iingat, wala ako palagi sa tabi mo para maalagaan kayo ng kapatid mo, palagi kayong maging matatag at tatandaan nyo palaging mahal na mahal ko kayo." mahinang sabi nya saka ako marahang hinalikan sa noo.

Kumunot ang noo ko saka nag aalalang tinitigan sya.

"Nay, ano bayang sinasabi ninyo? Hindi po magandang pakinggan." malumanay na sabi ko saka sya inalalayang mahiga.

Naiiyak na hinaplos nya ang mukha ko.

"Ang anak ko... Sobrang ganda." mahinang sabi nya.
Matagal nya akong tinitigan saka nahihirapang umubo ng umubo, tinakip nya ang kumot sa bibig nya at hindi nayon inalis don.

The Amnesia Billionaire (His Probinsyana Serie 1) (COMPLETED✅) Where stories live. Discover now