Kabanata 14

3.7K 106 6
                                    

Buong maghapon ay nasa loob ako ng paaralang kung saan nagtuturo si Taliya at Luisana

Ng mag uwian ay nakita kong Lumabas si Elise sa classroom nito, ang cute cute nya nakikita ko na kung gaano ito kaganda kagaya ni Taliya.

Naka uniform lang ang apat na taong gulang na bata naka ponytail ang buhok at naka headband.

"Ate Rhoana hanap nyo po si Ate nahuhuli po." ang cute na cute na boses nito agad ko syang kinarga saka hinalikan ang matabang pisngi.

Humahanga ako kay Taliya hindi ko alam kong paano nya nagagawang buhayin ang dalawang kapatid gayong may sakit pa si Logan.

Nakita ko din sila ni Luisana na nag uusap. Pareho silang naka uniform ng pre-school teacher.

Nakangiti ko silang pinagmasdan. Bagay na bagay sakanila masaya ako sa narating nila sa buhay.

Napatingin sila saakin at agad na napangiti ng makita ako. Lumapit sila saka ako niyakap.

"Bakit Rhoana may problema ba?" tanong nila habang naglalakad kami palabas ng paaralan.

Umiling ako saka ngumiti sakanila.

"Malapit na ang piesta sa bayan mag bonding tayong magkakasama." nakangiti kong sabi sakanila.

Tinitigan nila akong dalawa.

"Alam namin kung kailan totoo at peke ang ngiti mo Rhoana, may problema ba?" nag aalalang tanong ni Luisana

Palukso lukso lang si Elise habang hawak ko ko sya.
"Anong nangyari?" tanong din ni Taliya.

Umiling lang ako hindi ko maintindihan kung bakit parang ang bigat bigat ng loob ko.

"The trash are here."

"I can't believe that they are a teacher huh!"

Napalingon kami ng marinig ang pamilyar na mga boses nayon. At oo sila nga ang mga dayo.

Nakataas ang kilay ng mga babae at nakangisi naman ang tatlong lalaki habang ang isa ay napailing nalang.

Mukhang wala yata si Mr. Demitri.

Mukhang namamasyal sila pero nakakaasiwa ang soot ng mga babae dahil maiikli ang mga suot nila ang nadadaanan nilang lalaki ay umiiwas ng tingin o di kaya'y umiiba ng direksyon.

Nagtago si Elise sa likod namin.

Napatingin kami sa paligid nasa may basketball court pala kami. Nakita kong nakatingin saamin ang mga kaibigan ni Nero, pero wala sya.

"Hey miss if you want you could join us you know." nakangisi ang lalaki habang sinisipat ng tingin si Luisana.

"Duh.. Papatulan mo sila kadiri ka Oliver."

"Bakit maganda naman sila ah."

"Huh! Wala kang taste."

"Guys!  Lets not cause a trouble here, they are not doing anything so let us leave them alone." mahinahong wika ng isang lalaking kasama nila.

"Shut up Aiden, because of this 4 trash Madam Bea didn't seem to like me for Necolov." galit na utas nong babaing masama ang ugali na pinatulan si Elise.

Hinawakan ng nakangising lalaki si Luisana ganon din ang isang lalaki saakin at kay Taliya.
Agad kaming nandidiring humiwalay sakanila.

Napasigaw sila ng biglang tumalsik ang isa sakanila  at ng lingunin namin kung sino ay si Sean pala.

Agad tinakpan ni Taliya ang mata ni Elise.

"Touch my woman again and you'll be 9 feet under the ground." mapanganib na sabi nito.

The Amnesia Billionaire (His Probinsyana Serie 1) (COMPLETED✅) Where stories live. Discover now