Pag balik namin sa room nagtaka kami dahil naandon sa loob Ang president Ng student council . Tila may inaannounce .
" Ayan , buti andito na kayo kanina pa namin kayo inaantay para sa announcement. " Nakangiti Itong nakatingin sakin hanggang nagtagal sakin.
Announcement? Bat Kailanga pa kaming intayin?
Nang makaupo kaming Tatlo. Nagsalita na Ito. Andito na din u g prof namin para sa subject namin Ngayon pero maaga pa Naman.
" Bale magkaroon kasi Tayo Ng Ms. Campus 2022. Pageant ganon. Maglalaban simula first to fourth year . Per section kukuha Tayo Ng Isang candidate. " Paliwanag nito pero di ko alam bat sakin lang nakatingin.
At nagtaka ko Ng halos lahat tumingin sakin pati prof namin. Yung iba ngbubulungan pa.
" Ako may naiisip na Kong ilaban pra sa section nyo at sa tingin ko Naman ay pare-pareho Tayo Ng iniisip Kung sino" napataas pa Ang kilay nito. Mataman tong tumingin sakin.
"Leira! Okey lang ba Kung ikaw Ng magrepresent Ng section nyo? " Singit Ng prof namin. Ngiting ngiti to skin.
Tinuro ko Ang sarili ko, d parin ako makapaniwala. " A.. ako Po? Pe..pero"
" Oo, noon pa Lang madami ng nakakapansin sayo. Kaso Hindi Naman kasali sa pageant natin Ang mga highschool. At dahil college kana sa tingin ko ay Wala Ng dahilan para di mapasali. " Mahabang paliwanag nito.
Jusko bigla Kong kinabahan . May way ba para umaatras di Naman to sapilitan di b ? Pwede akong umayaw.
Bumulong sakin si Amira" Sali kana Leira. Bili na. Siguradong mananalo ka!" Pageenganyo nito sakin
Di ako makasagot pero Ang lhat Ng tingin nila ay nasakin nagaantay Ng pag sangayon ko.
" Si.. Sige Po " nahihiya Kong sagot.
"Yes! " Sabay sabay na salita nila. Para bang may Isang himala na nangyari ganon. Parang napakaimposible na pumyag ako
Nung nagpaalam Ang student council ay halos panlambutan ako . Di ko alam Ang gagawin ko. Napayuko ako at natulala.
" Okey ka lang? " Seryosong tanong ni Kalyl.
" Kung sabihin ko bang Hindi, pwede pa kong umatras? " Problemado Kong tugon sa kanya.
Ngumisi sya Ng nangaasar" natural , Hindi! Hehe"
" Bwiset ka! " Ismid ko Dito. Inirapan ko.
" Alam mo Kahit ako gusto kong sumali ka sa ganyan, syemre bilang best friend mo. Proud ako para sayo. Wag kang magalala susuportahan ka namin. Hanggang manalo ka. " Kindat nya sakin.
" At sigurado kang mananalo ako? " Napahawak pa ko sa ulo Saka sumubsob sa mesa ko.
"Oo Naman. Wala ka talagang tiwala sa sarili mo , ano? " Tinatapik tapik nya ko sa likod. Pinapakalma nya ko." Maganda ka, matalino, talented halos lahat na sayo na. Wala sino Mang tao Ang Hindi magagandahan sayo. Kahit nga ako. Ikaw Ang pinakamagndang babae sa paningin ko. " Inilingon ko Ang ulo ko sa kanya. Ang pisngi ko ay nakadikit pa din s desk ko. Nakita Kong seryoso sya.
Nung napansin nyan. Tahimik lang akong tumingin sa kanya.
Binawi na Ng tawa." Pinakamaganda syempre best friend Kita. " Pero naiilang sya. Pinisil nya pa Ang pisngi. Ko. " Alam mo Ang cute cute mo"
Nasaktan ako Kaya pinalo ko Yung kamay nya. Umayos ako Ng upo at ngumuso.
Ano ba to? Dagdag alalahanin konp tong lintek na pageant na to.
Hanggang makauwi ako sa bahay nakasambakol Ang Mukha ko. Nakita Kong nakaupo si kuya Enzo sa Sala. Nanonood Siya Ng tv . Nauna sya sakin nakauwi.
Imbis na dumiretso sa kwarto diretso akng umupo sa kabilang sofa. Walang gana Kong ibinagsak Ang bag ko sa sahig at pasalampak akong umupo sa sofa. Lambot na lambot talaga ko.
BINABASA MO ANG
Everyday I love you💕
RomanceSa biglaan pagkakataon strangers turns to sibling Ang naging peg Nina Enzo at Leira. Ito Kaya Ang dahilan upang maglayo Ang loob ni sa isat Isa o ito Ang tuluyang maglalapit sa kanila?