Chapter 2

2 0 0
                                    

"Nakakaloka ! Hindi mo Naman sakin sinabing kasama mo din pala Sila kahapon. " Ngalngal ni Amira. Pagdating Kasi namin sa classroom Wala pang prof kaya nagpakwnto muna sya sa kin Ng nangyari kahapon. Dahil nga absent sya. imbis na nakaligtaan na aralin Ang itanong nya sakin eto sya. Chumichismis.

" Bigla Kasi akong nilapitan ni Toby, Nakita nya Kasi akong magisang naglalakad. Yung Isa Kasi Dyan di maintindihan bat bigla bigla na Lang tinotoyo-" parinig ko Kay Kalyl.

Tumingin lang ito. Medyo may nabasa Kong kalungkutan don. Hindi Naman Siya nagsalita.

"Alam mo Naman Yan so boss K! Tinalo pa babaeng minemepause. Kung toyoin. " Irap nito Kay Kalyl. Pagtapos may Mataman ako nitong nginitian Ng makahulugan na tila nangaasar. Tinusok pa Yung tagiliran ko. Nangiliti. " Umamin ka sakin, pinopormahan ka ni Toby nuh? Sabagay di kana lugi. Gwapo, mayaman at sikat Siya. "

" Alam mo , panay itsura at Yaman yang pinagbabasehan mo. Tigilan mo Yan baka sa standard mo na Yan . Mapunta ka sa Hindi mo gusto
Sige ka." Panakot ko dito na dahilan para tignan ako nito Ng masama. " At Saka sinabi sakin ni Toby na Hindi nya ko gusto, Hindi daw nya ko type pero gusto nya Kong maging kaibigan." Dagdag na paliwanag ko Dito. Para itigil nya na ung pagiisip nya Ng kung ano-ano.

" Talaga? Sinabi nya Yun? Sayang akala ko pa Naman pinopormahan kana nya. " Parang nalungkot pa Ito.

" Akala ko ba Yung secret admire r ko Ang gusto mo para sakin?" Tinaasan ko sya Ng kilay. Ngumiti akong paismid.

"Sympre sya pa din Ang the best for me. Kaso baka hanggang ganon lang siya e. Baka Hindi Siya magpapakita. Kasi di ba. Antagal na Kung magpapakita Siya dapat noon pa" paliwanag nya sakin. Nakapangalumbaba sya na parang nagiisip.

Oo nga Naman napaisip ako don.

Nung dumating Ang prof ay tuluyan na kaming nakinig sa discussion . Pero naglalyag Ang isip ko. Kung bakit nga ba? Nananatiling misteryo Yung tao na Yun hanggang ngaun .

Pag uwi ko sa bahay. Dumiretso sa kwarto kinuha ko Ang kahon na naglalaman Ng mga sulat Ng estranghero na Yun.

Binisa ko ulit Yung Isa don. Sa paraan Ng pagsulat nya. Parang kilalang Kilala nya ko at nakikita at nasusundan nya Ang mga galaw ko. Nasisiguro Kong matalino sya. Dahil Hindi biro Ang paraan Ng pagsusulat nya. Aaminin Kong sa tuwing binabasa ko Yun ay may kilig at talaga namang tumitibok Ng mabilis Ang puso ko.

Sino Kaya sya?. Kailan ba Siya magpapakilala. ?

Ilang araw Ang lumipas. Naging sunod sunod Ang mga assignments at activities namin. Halos Hindi na kami magkandaugaga. Kaming Tatlo lagi ni Kalyl at Amira Ang magkakasama. Habang gumagawa kami Ng activities sa Sala namin at nagaaral Ng sabay sabay.

Dumating SI Manang para sabihin na anjan daw SI papa. Ang aga Ng uwi nito ah, mag lu-lunch pa Lang.

Nagpaalam ako sa dalawa na sasalubungin ko Muna SI papa. Pero laking gulat ko na may kasama Ito. Si tita Camilla. Ilang araw ko din Itong Hindi Nakita Kaya akala ko naghiwalay na Sila. Bukod Kay tita Camilla ay mas ikinagulat ko na Ang kasama nito SI.. Enzo? Bat kasama si Enzo?

Nabasa marahil Ng Daddy Ang pagtataka sa Mukha ko.
" Ahh anak. Kilala mo di ba si Tita Camilla mo. Simula Ngayon ay Dito na Sila titira ? " Naninimbang na salita ni Daddy.

"A..ano Po?" Gulat na gulat talaga ko. As in shock!

Napahawak pa si Daddy sa batok Niya na parang nahihiya sakin .

"Ahh kasi anak , gusto ko lng sabihin sayo sa inaya ko Ang tita Camilla mo Ng kasal. Matagal na kaming hiwalay Ng mommy ilang taon na din. Siguro Naman maiintindihan mo na kailangan ko din ng magaalaga at magmamahal sakin Ng lubos anak at tatayo bilang pangalawang Ina mo. " Dagdag ni Daddy. Sa itsura nya ay Hindi sya mapakali. Nagaalangan marahil sa mraramdaman ko. Natural . Nabigla ako. Biglang bigla ako. Ilang araw pa Lang Ng dinala nya SI tita Camilla Dito ngaun magpapakasal pa Sila. Ang matindi pa don Dito na Sila titira. Sama sama kami Dito.

Everyday I love you💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon