Chapter 5

2 0 0
                                    

Ilang tulog na lang pageant night na. Puspusan na Ang ginagawa naming paghahanda.

Kriinnngg kriinnggg...

Ang aga aga tumutunog na Ang cellphone ko . Nang tignan ko si Amira Yun.

" Ano na te? Papunta na ko tulog ka pa?" Napabalikwas ako sa kama dahil Ng tumingin ako sa orasan. Alas diyes na Ng Umaga. Nasapo ko sa pagkadismaya Ang noo may usapan Kasi kami Ngayon na pupuntahan Ang boutique para sa gown na isusuot.

" Ahhh oo eto na. Maliligo lang ako. Bye!" Binaba ko Yun at nagmadaling dumiretso sa banyo para maligo.

Nang lumabas ako sa kwarto para bumaba. Naririnig ko na Ang boses ni Amira. Nakikipagkwentuhan na Ito Kanila tita Camilla at daddy.

" Good morning ,anak . Kumain muna kayo bago kayo pumunta sa pupuntahan nyo. " Kasalukuyan na silang nakaupo sa mesa at kumakain.

" Bilisan mo bestie. ! Aba. Kailangan mong manalo Kita mo Naman effort na effort ako ." Nakangiting biro nito sakin Saka sumubo ulit.

Andon si Daddy sa gilid nito ay SI tita Camilla na nakangiti din sakin. Katabi nito SI Amira sa kabilang side Naman ni Daddy at may bakanteng Isa, upuan ko at katabi non SI Enzo.

Si Enzo Naman ay lumingon skin Ng nangiti din.

Umupo ako sa upuan ko.

" Kamusta Ang preparasyon nyo hija.?" Si tita Camilla.

"Okey naman Po tita. Dinodoble effort lang namin Ang pagpapratice sa paglakad ko dahil first time ko lang pong sumali sa ganito. " Paliwanag ko habang nakain.

"Sigurado Naman akong malakas Ang laban mo anak. ! Natural mana ka sakin Kaya ganyan ka kaganda" pagyayabang ni Daddy nakita ko naman tatawa tawang inirapan Ito ni tita Camilla.

"Sana Rin ay nakuha ni Leira ay sobrang bilib sa sarili mo. " Iiling iling pa nitong biro.

"Malakas Po talaga Ang laban ni Leira Kaya nga Po sa sobrang kaba Ng mga kalaban nya. Pokus na pokus na masyado sa mga galaw niya. Nakalimutan nilang Hindi lang siya Ang kalaban nila. " Singit ni Amira.

" Baka Naman lalong dumami Ang magkagusto sayo nyan anak? " Kuryosong salita ni daddy. Napatingin pa to Kay Amira at Kay Enzo.

Muntik na ko masamid.

" Lalo talagang dumami Tito! " Pagbibida ni Amira. Lintik talagang babae to oh. " Pati nga crush ko sya din ata Ang gusto, okey lang tanggap ko Naman. Inuncrush ko na lang" kunyari nagdadrama pa ito. Seryoso Ang Mukha nitong nagkibit balikat.

Napatawa silang lahat sa sinabi nito.

"Aba! Kung manliligaw kamo dapat Dito sa bahay, walang ligaw kalye. Bawal! Pag ganon anak. Busted kaagad!"  Tatawa tawa pa si Daddy habang sinasabi Ito.

" Daddy! Wala Kong manliligaw. " Naiinis ako. Naririnig ni Enzo. Para bang sinasabi ni Daddy na pwede akong magpaligaw Basta may basbas nya nakakainis.

" Sige Po Tito. Ako na magsasabi ! " Sinamaan ko Ng tingin SI Amira pero Hindi Ito natinag. " Gusto ko na din magkaboyfriend tong bestie ko. Para ako na sunod hehehe" pagpapatuloy pa nito.

Dahil sa naging usapan ay iniiwasan Kong tumingin Kay Enzo. Siguradong Hindi naging maganda Ang dating nito sa kanya.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na kami. Nagkapurnada pa dahil hindi pumasok si manong Kaya nagprisinta si Enzo na Siya Ang magddrive para sa Amin .

Katabi nya ko habang nasalikod Naman Ng kotse Si Amira.

Palihim ko siyang pinagmamasdan , kanina pa Siya tahimik at malalim Ang iniisip. Alam ko kung anong tumatakbo sa isip nya pero Hindi namin maaring Pagusapan Yun dahil kasama namin si Amira.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everyday I love you💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon