🍂A W A L K T O R E M E M B E R🍂
CHARACTERS:
🎗️BRIGHT VACHIRAWIT CHIVAREE as KRISTOFF
🎗️WINMETAWIN OPAS-IMAKAJORN as ANGELO******************
🌼CHAPTER 1: " T H E D R E A M E R"
ANGELOS POV.
"Hwag!! Hwag kang umalis sambit ko sa lalaking nakatalikod sakin halos araw araw ay napapanaginipan ko sya at tila may ipinapahiwatig sakin ang paghinto nya satwing pinapatigil ko sya
Ngunit ano naman hindi ko ito mapagtanto at akoy litong lito satwing malalapitan ko na sya at mahahawakan yun naman ang oras na parang bula ay mawawala sya. Tila hangin na nagdaan lang saaking paningin..at akoy nagigising na animoy hinabol pa ako ng aso sa panaginip ko
Halos limang taon na ang nakaraan ng una ko syang mapanaginipan. Hindi ko alam kung dala lang ba ng aking imahinasyon o sadyang may ipinapahiwatig ito sa aking inhibisyon..
Pawis, uhaw at tila hapong hapo ako satwing nagigising sa panaginip na animoy totoong nangyayari sakin.
Sino ba sya may kinalaman ba sya sa nakaraang di ko maalala?
Sabi sakin ng mga magulang ko hindi daw ako ligtas sa labas ng bahay ko. Nakakalanghap naman ako ng sariwang hangin at nakakakita rin ng mga tanawin ngunit hindi sing laya ng mga taong nakikita kong naglalakad sa parke at eskinita... Dahil sa takot ng mga magulang ko na maulit ulit ang nangyari sakin tinago nila ako..
Homeschooling ang naging sandalan ko upang maabot ko ang pangarap ko ngunit pangarap ko nga ba ang maging isang sikat na arketekto.? Ni wala akong maramdamang sigla sa mga proyektong ginagawa ko ngunit satwing nakakakita ako ng mga bagay na may kinalaman sa medicina nagugustuhan ko ito ng bahagya akong tinatawag nito ngunit alam kong hindi ako papayagan ng mga magulang ko..kung mag iiba pa ako ng kurso. Dahil kunting tyaga nalang makakagraduate na ako sa kursong tinatapos ko
Hanggang tingin nalang sa hilig ko dahil ang gusto nila ay maging arketekto ako..
Napasinghap ako ng bahagya ay naalala ko nanaman ang lalaki sa panaginip ko. Sino ba sya? May kinalaman kaya sya sa malaking nakaraang nakalimutan ko na??
Gusto ko syang makita. Gusto ko syang mahawakan at makausap.. Dahil satwing dadalaw sya sa panaginip ko isang tala arawan ang dala dala nya..
Pamiliar talaga ang talaarawan na ito.. Saan ko nga ba matatagpuan ito... Bakit may kutub ako na may kinalaman ito sa nakaraang nakalimutan ko.
Sabi sakin ni mama 2nd year college ako ng akoy maacidente at halos ikamatay ko pa ito limang bwang walang malay na tila bay wala ng pag asa pang mabuhay...
Kaya naiintindihan ko ang takot nila.. Halos limang taon na akong nakakulong sa apat na sulok ng kwartong ito.
Ngunit dahil sa OJT ko kailangan ko mag apply sa isang archetechtural building na related sa working field ko.
Kinakabahan, oo
Natatakot, oo
Dahil hindi ko alam kung ano ang meron sa paglabas ko. Wala akong masyadong alam sa labas ng apat na sulok ng silid na ito. Ngunit kailangan kong maging matatag, malakas, at higit sa lahat kailangan ko ng makisama at makisalamuha na halos limang taon ko ding di nagawa..."angelo anak! Tawag attention ng ina ko sakin nakatanaw ako sa malayo at nag iisip ng kung ano...
" ma! Tugon ko sa kanya.
Hinagkan ko ang aking ina at sabay halik ko sa noo nya.."ready ka na ba? Pormal na tanung nito sakin...
Napangiti ako at inamin ko sa ina ko ang kaba at takot na nararamdaman ko humingi sya ng tawad sakin at agad ko naman syang niyakap.
" naiintindihan ko po ang nais nyo ma, yun ay para sa ikabubuti ko. Ang pakikisama natututunan naman po hindi magiging madali sa parte ko dahil limang taon akong kulong at madalas lang na ngvivideo game mag isa, nanunuod ng tv. Ngmamarathon mag isa.. Magkaganun pa man hindi ako nakaramdam ng tampo sa mga magulang ko...
"nakahanap ka na ba ng mapapag ojthan mo tanung nitong muli sakin.
Napangiti ako sa kanya.. At sinabi ko ito...
" sa PEREZ interprise po mama, kasi sabi nila maganda daw talaga ang pamamalakad ng CEO nila doon... Tugon ko sa kanya
Nang makita kong biglang nawala ang ngiti sa mga labi nya.
" bakit doon pa angelo madami namang iba diba? Tskaa tumulo ang luha ng ina ko...
"ma gusto ko po doon.. Wag po kayong mag alala dahil alam kong kaya ko ang standard ng magiging amo ko doon.. Pumayag ka na ma ngiti ka na... Sambit kong muli..
Wala ng nagawa si mama kundi anf yakapin ako dahil ngayon lang ako humiling hindi ko alam kung anung meron sa apilyido ng mga perez dahil natatakot si mama satwing naririnig nya ito.
Hindi ko na ito pinansin dahil. Alam ko na magbabago na ang buhay ko dahil lilisanin ko na ang apat na sulok ng bahay ko at sa mas malaking mundo sasaludo at tatayo ako ng buong tapang... Kahit pa ang totoo nananaig din ang takot ko...
End of angelos pov.
PEREZ BUILDERS OF ARCHETECHTURE..
"Sir kristoff youll be having your meeting in 5 minutes.. So shall we? Pormal na sambit ng secretarya ko sakin.
May halong takot at kaba ngunit alam ko na kaya ko na. Kaya ko ng harapin ang board of derectors upang ipakilala ang sarili ko bilang bagong CEO NG AMING KOMPANYA.
Sa wakas CEO NA AKO NG KOMPANYA. usapan namin ng mga magulang ko na kapag ako na ang CEO ng kompanya namin pwede ko ng gawin ang gusto ko..
Hindi ako madalas magsabi ngunit sobrang namimiss na kita hindi ako ngparamdam ng ilang taon para maipaglaban ka at ngayong kaya ko na hahanapin kita angelo.. Mahal ma mahal pa din kita kahit ilang taon na Din ang lumipas ngunit ikaw pa din ang laman ng puso ko. Ang sinisigaw ng damdamin ko at ang gusto kong makasama sa bawat sigundo, minuto at taong natirira sa buhay ko...
Mas nananaig ang kagustuhan kong hanapin ang kasintahan ko. Namimiss nya kaya ako? Nagpalit na kaya sya ng numero? Saan ako magsisismula? Mas may edad na kami ngayon kaya hindi ko na alam kung ano ang itsura nya.. Sya pa rin ba ang makulit at walang sawang nagpapangiti sakin kahit naiinis na ako sa. Mga banat nya? Sya pa rin kaya ang angelo na mahal na mahal ako? Doctor na kaya sya? ANGELO kung nasaan ka man gusto kong malaman mo na...
Mahal na mahal pa din kita.. Naalala mo pa ba ang pangako natin sa isat isa?? Mahal pa din kita...Tsaka nya niyakap ang tala arawan na nasa lamesa nya...
"sir kristoff lets go sambit muli ng secretarya ko. Kaya dahan dahan kong ibinaba ang tala arawan ng kapatid ko noong Ako ay nasa college palang yun nalang kasi ang nagsisislbing alala ng kapatid kong namatay dahil sa depresyon nya noong nag aaral palang sya...
To be continued...
Ngayon ko nalang po ipopost enjoy readers..
BINABASA MO ANG
A WALK TO REMEMBER
Fanfiction🍂A W A L K T 0 R E M E M B E R 🍂 🔸P R O L O N G U E Naniniwla ka ba sa SOULMATE ung tipong di mo pa nakikita pero alam mong may kakaiba sa kanya. Na kahit na sa panaginip mo lang sya madalas dumalaw may connection na kayong dalawa?? Naka...