Ikalawang Pahina

52 7 0
                                    


Aside from the first day of ninth grade, we only came across each other three times. Minsan nga, nakakalimutan ko na magkaklase kami. Hindi kami nag-uusap o nagpapansinan. I'm seated in front habang nasa likuran siya. Masyadong malayo ang agwat namin sa isa't-isa.


Yet, even though he didn't have much role in my life that time, I still remembered those small encounters. It's like my heart intentionally wrote those in my memories knowing that in the future, he'll be someone I can't forget. That he'll have a great impact on who I am now.


Hindi ako naniniwala sa fate. I firmly believe that what's transpiring in your life is a product of your own choices. Looking back, I think he did the first move. Ngayon ko lang nakita na he approached me first every time. It may be because I didn't look back at least once before. Pero lagi niya akong nakikita sa likod.


Tumunog ang bell, palatandaang simula na ng recess. Si Zirren at ang isa pa naming kaklase na naatasan sa pagtitinda ay lumabas na. Iba kasi ang patakaran namin dito sa school. There are assigned students that goes to the canteen to get snacks to sell in their respective sections.


Kaagad ko namang pinuntahan ang class secretary matapos akong kausapin ni Ms. Hallazgo. I handed her papers that she'll have to use as a reference kasi ipapasulat na lang ni Ma'am ang supposed to be lesson niya ngayon dahil hindi siya makakapasok. Wala ring available teachers na pwedeng mag asikaso sa amin.


Sabi pa ni Ma'am ay inaasahan niya naman daw na kaya kong i-manage ang klase. Tuloy ay parang may laryo na inilagay sa mga balikat ko. May sasagutan pa kaming quiz pagkatapos.


Tumango ang sekretarya at sinuri ang ibinigay ko. Umawang ang bibig nito at agad na tinaas ang ulo para tignan ako.


"Ang rami naman nito, Ash! Hindi ko yata kayang tapusin sa tatlong minuto at may quiz pa." Bakas sa mukha at boses nito ang pag-aalala. Isang oras lang din kasi ang klase namin sa agham.


Binasa ko ang pang-ibabang labi at tumingin sa gilid. Hindi ko alam ang gagawin ko. Si Ma'am ay kailanman hindi tumatanggap ng pakiusap lalo na sa mga estudyante. Mataas ang posisyon nito sa school at kahit ang ibang guro ay natatakot sa kaniya.


"Hindi ba natin pwedeng pakiusapan si Ma'am?" tanong nito matapos ang ilang segundo na tahimik lang ako.


Mahina akong umiling at tumingin sa kaniya. "Alam mo naman ang ugali ni Ma'am. Baka mas lalo pa iyong magalit at dagdagan ang gawain natin."


She clicked her tounge in annoyance and turned her back on me. Kahit alam kong sa guro nakatuon ang galit niya ay nakaramdam ako ng pagkabigo sa sarili. Pakiramdam ko ay nagkulang ako sa pagiging presidente ng klase.


Mabigat sa kalooban akong umupo pabalik sa silya. Umaga pa lang ay pagod na ako kakaisip sa mga gawain at gagawin pa.


I suddenly miss Tina. She's always our secretary in elementary kasi ang ganda ng penmanship niya. We're actually a trio. Ako, Zirren, at si Tina. Kaming tatlo ang laging nasa top three. Kaso by high school, she went to another school.


We still contact each other pero dahil nga mas maraming responsibility sa high school, minsan na lang kami magkaroon ng free time. Sinusulit naman namin ang oras tuwing summer. Lumalabas kaming tatlo para gumala and to catch up with each other's lives.

Story of a ChapterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon