I often wonder why people can't see through me, especially my parents. Palagi kong tinatanong kung bakit walang nakakaintindi sa akin. Bakit hindi nila nakikita ang mga peke kong sagot at ngiti? I feel like my true feelings shine through but nobody takes an effort to make it validated. No one questioned why I am the way I am. Kaya siguro hindi ko rin alam kung sino ako.Everyone has their own story to tell and aspirations that propels them forward. I am envious of their passion and dreams because I don't have that. Of course, everybody knows that I'll follow my Dad's footsteps but that wasn't my decision to make. Kumpara sa iba na makikita mong masaya sa tatakahin ng buhay nila.
I grew up pleasing the people around me because that was how I was raised by my parents. Always bending to their will. Kung anong gusto nila para sa akin, iyon ang masusunod. Maybe that's why I grew up not knowing who I am.
Kaya kapag sa simula ng klase kung saan pinapakilala namin kung sino kami, palagi akong kinakabahan kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nagpatulong pa nga ako kay Zirren kasi kapag iniisip ko kung sino ako, wala akong makuha na sagot. It's like I'm a blank canvas waiting to be painted.
Ngunit napagtanto ko rin isang araw na hindi lang ako ang naguguluhan sa sarili. May iba rin na may dinadalang problema na hindi nila kayang lutasin. Isang malaking tandang pananong.
"Ash. Pwede ba kitang makausap?" seryoso ang mukha ni Lara nang lumapit ito sa akin. May dalawampung minuto pa kami bago magsimula ang klase.
Maganda ang araw ngunit alam ko na hindi ganoon ang nararamdaman ng kaharap ko. Tumayo ako sa upuan, kinakabahan pero sumunod pa rin ako kay Lara. Alam ko kung saan ang patutunguhan nito dahil iniwan ko sila ni Kobe kagabi.
She faced me when we arrived at the rooftop. Well, hindi talaga sa rooftop pero do'n sa stairs papuntang rooftop.
"Lara—"
"Akala mo ba hindi ko mahahalata kung anong ginawa mo kahapon?" she cut me off. Halata sa boses nito ang irita.
I had to bite the inside of my cheeks to stop my eyes from watering. Hindi ko gusto na may nagagalit sa akin.
"I just did it so that you and Kobe would get to know each other," mahina kong sabi. Halos hindi ko na siya matignan sa mata.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-ikot ng mga mata niya. "At bakit ko naman kikilalanin si Kobe? Huh?"
I wanted to tell her that it's because she likes the guy. But I wanted more for her to say it.
"Bakit hindi mo maamin? Tinutulungan lang naman kita," I said. Malapit nang malunod ang boses ko sa lakas ng kalabog ng puso ko.
She shook her head, her face disbelieved from what she just heard from me. "Ash, hindi ko kailangan ng tulong mo. Kung gusto ko man si Kobe, ako na ang bahala doon. Ako na ang gagawa ng paraan upang magustuhan din niya ako. Hindi iyong nagsisinungaling ka sa akin tapos hindi ko man lang nahanda ang sarili ko."
Ang kaninang pinipigilan ko na luha ay nag-uunahan nang tumulo.
"Gusto ko lang naman na magkakilala kayo. Wala naman akong planong diktahan kayo sa kung ano ang dapat niyong maramdaman."
"Talaga? Obvious naman na ginawa mo lang iyon dahil gusto mong i-reject si Kobe pero ayaw mong maging masama sa paningin ng lahat kaya pinapasa mo ang tao sa akin," she scoffs before walking away, leaving me there, speechless and broken hearted.
I can't believe I just had a fight with a friend. I thought I was doing the right thing.
Lumiko ako papuntang palikuran kasi hindi matigil-tigil ang luha ko sa pagpatak. Napahinto ako nang makita si Norzel na kakalabas lang sa C.R. ng boys. No'ng una, nahiya pa ito pero agad din napalitan ng gulat nang makita ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Story of a Chapter
Roman pour AdolescentsInno Jeff Cero was perceived as their school's playboy. While his personality may not bother everyone, somebody dislikes him for the same reason. Interestingly, the friendly Inno dislikes her as well. But what would arise if he encounters himself en...