Beyond: STA [3]

9.3K 154 9
                                    

Goodbye bakasyon! Hello Pinas!!

Nakakapagod ang byahe. Pero worth it naman dahil nakauwi kami ng buo. Thanks God.

"Kuya, mall tayo." Nandito nga pala ako sa kwarto ni Kuya. "Uy kuya." Sabay kalabit ko.

"Baby, I'm tired. Pwede bukas na lang. Or si Uncle na lang ayain mo." Kanina pa yan natutulog pero pagod pa din.

"Kuya naman eh. Di na ata ako love." Sabay pout ko.

"But baby. Please bukas na lang. I'll promise you."

"Nah. Okay." Tatayo na sana ako ng yakapin niya ako.

"Wag ng magtampo baby ha. Tomorrow talaga." Kiniss niya naman ako sa forehead. Ang sweet talaga ng kuya ko na to.

"Sweet naman."

"Naman. I love you baby." Sabay balik tulog niya ulit.

Tumayo na ako at lumabas. Maglalakad lakad na lang siguro ako dito sa village namin.

Kinuha ko ang phone ko sa kwarto ko at lumabas ng bahay.

Naglakad ako papuntang playground at umupo sa swing. Sabay lagay ng earphone sa tenga ko. Nakapikit ako habang nakikinig sa kanta. Ganda talaga ng kantang to. Yung Valentine. Okay. Ako na mahilig sa lumang kanta.

Dinilat ko ang mga mata ko ng.

"Ay palaka!" Nagulat naman ako dito kay Erik na nasa harap ko.

"Sa gwapo kong to. Palaka ako para sa yo. Tss." Sabay pout niya.

Si Erik nga pala ang pinakamatalik kong kaibigan. Graduate na siya ng nursing. Taga dito lang din siya sa village namin.

"Nakakagulat ka naman kasi ay. Tampo pa daw. Batukan kaya kita dyan." Umupo naman siya sa kabilang swing.

"Eh pano kanina pa ko daldal ng daldal dyan. Di mo naman ako kinikibo." Tinuro ko naman sa kanya ang earphone ko.

"Di mo ba nakikita? Earphone to di ba? So san nakalagay to? Tenga di ba? Di talaga kita maririnig nun. Sana kinalabit mo man lang ako di ba or sinuntok mo na ko dapat para natauhan ako agad di ba, di ba?" Natawa lang siya.

"Namiss ko yang kabaliwan mo. Musta bakasyon?" Tanong niya. Bigla namang pumasok sa isip ko si Erwan. Syet!

"Gwapo."

"Ha? Ako ba? Oo alam ko gwapo ako. Salamat." Sabay kurot sa pisngi ko.

"Aray naman. Tangek. Di ikaw. May nameet akong gwapo chi. Kalurki ang hawt!"

"Tsk. Uwi na nga muna ako."

"Ha? Bakit? Nagseselos ka na naman?" Talaga tong kaibigan ko.

"Hindi. Masakit tiyan ko." Sabay tayo niya.

"Tamo to. Ang sama sama iiwan ako dito. Kaen ka kasi ng kaen ayan tuloy." Sigaw ko sa kanya.

Minsan may topak talaga yang timang na yan. Pero kilala ko na yan.

May nakita akong dalawang batang nagslaslide. Boy at girl. 5 yrs old siguro ang mga age nila.

"Hello, ang kyukyot niyo naman." Sabay smile ko.

"Thanks." Sabay smile nung batang babae.

"Sara! mom said don't talk to strangers." Suway ng batang lalaki. Magkapatid siguro sila.

"But she's nice." Apila ng batang babae.

"Are you twins?" Tanong ko.

"Yes we are." Sabay kaway nung batang babae.

"Sara! I said don't talk to her." Hinawakan niya ang kamay ng kapatid niyang babae. "Let's go!"

"Wait, Sam." Bitaw niya sa kamay ng kapatid niya. "Miss, what's your name?" Tanong sa kin. Sabay hawak sa dalawa kong kamay.

"I'm Ysabelle. But you can call me ate Ysa." Sabay smile ko sa kanya.

"Your pretty. I will tell kuya about you." Ngumiti naman siya sa kin.

Ha? Sinong kuya naman.

"Sara, how many times will I repeat that don't talk to her." Hinila niya naman si bebe gerl.

"I'm a nice person naman. We can play if you want." Sabi ko dun sa boy.

"Sara, let's go." At tuluyan na silang umalis.

Ang cute nilang tignan. Hawak hawak niya sa kamay ang kapatid niyang babae. Naalala ko si kuya ganyan na ganyan din sa kin yun. Lalo na pag may umaaway sa kin.

Bigla namang nagvibrate ang phone ko. Tinignan ko. May nagtext.

Unknown number. Sino naman kaya to.




'Hi, how are you? - Erwan'

Ahhhhhh! Kinikilig ako.

Syempre. Reply agad agad. Oramismo!



'Okay naman. Ikaw ba? Pinas ka na?'

Nakauwi na siguro to.

Maya-maya nagreply na siya. Bilis ah.




'Yea. Napaaga ang uwi.'

Sabihin ko kayang magkita kami? Haha. Pero syempre wag. Pakipot kunwari. Haha.



'Ah kaya pala. Btw, ilang taon ka na ba?'


Curiuos lang me.

Nagvibrate na ulit ang phone ko. Bilis talaga niyang magtext.


'Baby, nasan ka? Uwi ka na daw. Magdidinner na.'
Si kuya pala. Akala ko si ano na. Magdidilim na rin pala. Di ko manlang napansin.

'Okay, uwi na ko. Playground lang ako.'

Tumayo na ko para umuwi. Malapit lang naman kasi sa min ang playground. Buti na lang sobrang daming street lights dito.



------


"San ka galing princess." Tanong ni dad habang pababa ng sasakyan.

"Naglakad lakad lang po." Nagbeso naman ako sa kanya at kay mommy na kakababa din ng sasakyan.

"Honey, naenroll ko na kayo ni kuya ah."

"Okay po."

"Bakit parang malungkot ang princess ko?"

"Pagod lang ako Dad. Kaen na po tayo." Pumasok na kami sa loob.

"Handa na po ang pagkaen." Bungad ni manang.

"Sakto lang pala ako ng dating ah." - uncle henry.

Kasama nga pala namin sila Uncle Henry at Kris dito sa bahay. Dahil taga Australia talaga sila. Dito lang sila nag-aral para mas mapabilis silang makagraduate.

-----------

Pagkatapos naming kumaen. Umakyat ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Last day na bukas ng bakasyon. Kailangan na naming masulit ni kuya ang paggagala.

Nagpalit at nagtoothbrush na ko para makahiga na.

Tinignan ko ang phone ko. May isang text.




'I'm 29. I'm too old for you."

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon