Beyond: STA [45]

2.7K 44 0
                                    

Tahimik lang ang buong byahe hanggang sa makarating kami sa...

|Ocean Park...|

"Waaaaaah!! Hubby! Ang ganda gandaaa pala ditoooo!!" Sabay palakpak ko. First time ko kasing makapunta dito dahil puro out of the country kami kung mamasyal ng buong pamilya. Kaya "It's my first time in here hubby!! Thank you! Thank you!!" Niyakap ko naman siya sa sobrang saya.

"Your so cute wifey." Sabay pinch niya sa pisngi ko.

Naglakad pa kami dun sa may ilalim ng malaking aquarium. Ang haba haba nga nun eh. Tapos may nagsasagala pa na mga mermaid. Lumulusot siya sa arkong nakatayo dun sa malaking aquarium tapos may lalaki sirena nga din eh or sireno kasi lalaki siya. Basta may mga buntot sila tapos langoy ng langoy. Kinakawayan ko nga sila eh. Tapos nagta-thumbs up naman sila sa kin. Todo todo picture naman ako. Selfie dito... selfie dun...

"Hubbyyyy! Picture tayo daliiiii! Hubby daliiii ayan na yung malaking isda daliiii!" Hinila hila ko naman siya at pumwesto siya sa gilid ko. "Kuyaaaa! Favor naman. Papicture naman kami. Pleaseee!" Sabay puppy eyes ko.

"Ay sige ba ineng."

"Hubby ayan na!" Kumapit naman ako sa braso niya at nagpeace sign. "Isa pa kuya! Wacky naman hubby! Magwacky ka ha. Pag di yan wacky magtatampo ako." Tapos nagwacky na ko. Yung wacky ko yung duling dulingan tapos hinawakan ko dalawa kong tenga yung unggoy pose. "Kuya last na!" Tapos niyakap ko naman si hubby sa bewang at nakaakbay naman siya sa kin at hindi pa kami nakakatingin sa harapan ay nagclick na si kuya.

"Ineng oh. Naiwan na ko ng mga kasama ko. Sige ineng." At inabot na sa kin ni kuya ang telepono ko.

"Salamat kuyaaa!" Sigaw ko dahil nakalayo na siya.

Tinignan ko naman ang mga kuha ni kuya dahil ba ka blurred pa eh. Naninigurado lang. Yung una yung nakakapit ako sa braso niya tapos nakapeace sign ako at nakangiti. Tapos siya naman poker face lang.

"Hubbyyyy naman ay. Bakit di ka ngumiti?" Banggit ko ng hindi siya tinitignan at nakatutok lang sa telepono. Yung pangalawa naman ay yung wacky yung unggoy pose ko. "Pfthaahahhahah! Ang panget ko dito pfthahahhaa!!" Napatingin naman ako sa picture niya at nakapeace sign lang siya at nakaakbay sa kin. Pero atleast nakangiti siya. "Hubbyyyy! Kelan pa naging wacky ang nakangiti? Di porket gwapo ka hubby mahihirapan ka ng magpapanget." Banggit ko ng di pa rin siya tinitignan. Yung last pose naman yung biglang click ni kuya. Yung nakayakap ako sa bewang niya tapos siya nakaakbay sa kin tapos nakatingin kami sa isa't isa ng nakangiti. "Perfect! Hubby! Ang ganda ohhh!" Nilingon ko naman siya at pagtingin ko sa kanya may hawak na siyang bouquet of white roses at inabot niya sa kin yun. "Ahhh! Thanks hubby. You always never fail to surprise me." At tinanggap ko naman yun at hinalikan siya sa pisngi.

Click..

May nagflash naman kaya napatingin ako sa gilid namin.

"Souvenir Ma'am, Sir." At inabot niya sa min ang instant photo na kinuhanan niya sa min kanina. Sakto naman ang pagkiss ko kay hubby dito tapos kitang kita ang pagkagulat niya dahil lumaki ng konti ang mga mata niya.

"Salamat po." At kinuha ko yun. "Hubby ang cute mo dito." At pinakita ko sa kanya yun pero hindi daw siya nagulat dun. Ganun lang daw talaga ang mata niya. Woooo! Hahahaa.


|Ocean Adventure...|



Malapit lang to sa pinuntahan namin kanina ng hubby ko. Nakaupo na kami sa mga bleachers dito. Sa front seat nga ang napili ko kasi para makita ko ng malapitan ang mga dolphins. Pinilit ko panga siya eh. Kasi wag daw dito sa unahan kasi ba ka mabasa daw kami pag naglaro na ang mga dolphins. Pero ako pa rin ang nasunod bandang huli. Wuhahahaha!!

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon