Beyond: STA [6]

7.1K 123 6
                                    

"Iha, gising na. Malelate ka na naman niyan."




"Anong oras na po ba?"

"7:00 na, maaga na kita ginising ha."




"5 minutes pa." Inaantok pa ko. Masiyado akong napuyat kagabi.




"Iha, tayo ka na dyan."

"Sige manang. Susunod na po ako." Narinig ko naman na lumabas na ng pinto si manang, kaya pinagpatuloy ko nang matulog.





Zzzzzzzz......





Zzzzzzzzzzz.....




Zzzzzzz.....

Zzzz.....





Kriiiiiing.......






Kriiiiiing.....




"Ano ba yan. Lakas namang mang istorbo nito." Sinagot ko naman ang phone ng hindi nag-aabala kung sino tong tumatawag.



'Hoy, sino to? Natutulog yung tao dito eh.' Sagot ko habang nakapikit.




'Good morning. Pfthaha. Late ka na.'



Agad agad naman akong napaupo.

'Teka! Anong oras na ba?!'




'It's 7:43 po.'

'What the f*ck?! Sige sige. Maliligo na ko. Bye."




Tumayo na ako at tumakbo sa c.r, nagbihis na ko, at tumakbo palabas.

"Manong, tara na. Late na ko."



Osyet! Kinamalasmalasan naman ng aking buhay. Traffic na naman. Binggo na naman ako nito sa letrang L. Syet talagang Late ako.

"Manong, wala bang shortcut papuntang school?" Kalabit ko kay manong.





"Ay iha, naipit na tayo sa traffic kaya mahirap ng lumiko pa."

"Ganun ba. Sige, manong. Bahala na si batman."



Sa lahat ng angel sa langit at lupa. Tangayin niyo naman ang aming sasakyan papuntang school. Malalagot na talaga nito. Lord, what will I do? Ysa, ayan kasi pafive 5 minutes ka pa! 5 minutes na naging 43 minutes. Talaga kang bata ka.



Maya maya.

May nagtext sa kin.



'Bakla, dalian mo habang wala pa yung prof. Bibinggo ka na!' Yun wala pa! Makakahabol pa ko.



Yes! Gate na rin. 8:24 na. 6 minutes na lang para matanggap ako sa klase ko. Huhu -__-

"Manong, hinto mo na. Tatakbo pa ko."

"Osya osya iha, ingat." Napatawa na lang sa kin si manong.




Takbo takbo. Syet! Ano bang room ulit ako? Bakit kasi kailangan ng paiba-ibang room eh. Kapa kapa sa bag. San ko ba nalagay yun. Ang gulo gulo kasi ng bag ko, akala mo di ako babae ay. Ysa! Late ka na. Kapa kapa. Ito naaaaa!




Tuesday 8:00, Language and Communication Arts, Speech Lab.

Speech Lab?! 4th floor pa? Spell haggard. That's me! Kumakaway kaway pang ako lang yun. Umakyat na ako papuntang 4th floor.



"Tabi tabi, shoooo shoo, padaan, tabi, tabi, shooo shoooo." Bait ko di ba. Bakit kasi daming estudyante dito sa hallway. "May ahaaaaaas!!" Sigaw ko. Ayun, takbo lahat. Wooooo! Nakadaan din. Kaaga agang work out tong ginagawa ko.

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon