Beyond: STA [19]

4K 65 3
                                    


Ysabelle at the photo. While listening kay Sir. :)

----------

Buong araw ko pala siyang makikita ngayon dahil half ng araw ko ay Physics pang hapon siya and morning is yung kanina ngang subject. Kairita much!

Lunch break na at umakyat na naman ako dito sa rooftop. Hayaan niyo na tambay talaga ako, eh. Mas gusto kong mapag isa, gusto ko ng tahimik na lugar parang ganto. Dinala ko na rin dito ang lunch ko. Madalas dito ako kumakaen eh. Payapa!

Nakasandal ako sa pader habang nakastraight ang mga paa ko para patungan ng pagkaen ko. Sarap naman nitong adobo ni mom. Nagbaon ako dahil nirequest ko din kay mom, dahil nagcracrave talaga ako sa adobo ngayon eh.

Maya maya ay may narinig akong yapak at mukhang paakyat dito sa teritoryo ko. Dali-dali naman akong nagtago sa likod ng pintuan at hawak hawak ang tinidor ko.

Hm, sino naman kaya ang naglakas loob. Haha. Ulit ulit ba.

Bumukas naman ang pinto at malapit na kong maipit. Syet! Tama na sa pagbukas. Masiyado ka bang mataba para buksan ng bongga ang pinto. Huminto naman sa pagbukas. Thanks God! Naaninag ko naman ang anino niya at tinulak ko ng malakas ang pinto at tinutok sa kanya ang tinidor ko. Lumingon naman siya.

"Tsk! Ikaw lang pala." Binaba ko naman ang kamay ko dahil ba ka masaksak ko siya ng pagmamahal ko ay letche! Ng tinidor pala.

Naglakad naman ako papunta dun sa pagkaen ko at di siya pinansin. Tsk.

Nagpatuloy ako sa pagkaen ko at tumabi siya sa kin. Hindi ko din siya iimikin. Gantihan lang.

"......." wala pa ring nagsasalita sa ming dalawa.

Syet! Magsalita ka na. Di ko na kakayanin ang kadaldalan ko.

Natapos akong kumaen at niligpit ko na ang kagamitan ko.

"Uy....." bahala ka dyan. Kausapin mo sarili mo.

"Uy....... Ysa..." sabay tulak niya ng katawan niya sa kin habang nakaupo kami. "Uy..... ysa naman eh. Are you mad?" Nye nye! Wala akong naririnig.

Ilalagay ko na sana ang earphone ko sa tenga ko ng hawakan niya ang kamay ko. Tinignan ko naman siya ng masama at malungkot ang mukha niya. Samantalang kanina akala mo di ako kilala at di manlang ako tinitignan.

"Problema mo?!"

"Galit ka nga. Bakit ka ba nagagalit?" Sabay pout niya.

"Ask yourself!" sabay irap ko.

"I don't do things naman na ikakagalit mo ah..." sure ka? Tsk. "Unless yung pag iwas ko."

"Oh alam mo pala eh. Bakit di mo panindigan?! Iwasan mo pa ko."

Hindi ko pa rin siya hinaharap at diretso lang na nakatingin sa kawalan.

"I just feel..... tsk....." pagputol niya.

"What?!"

"I just feel jealous." Sabay yuko niya. Ha? Ano naman ang ikaseselos niya?

"Ha? San naman? Kanino naman?" Hindi na ako sumigaw dahil ba ka lumabas ang lalamunan ko.

"Sabi mo kasi...." ano ba yun? "Hahalikan mo yung kaklase mo."

"Ha?! Sinabi ko ba yun?" Napatingin naman ako sa kanya.

"Yes. Nung pagkadating ko sa room niyo kanina." Hm. Sino ba yun? Ay paksyet!

"Pfthahahahhaha. Si pftaahahahaha putspa pfthahahahaha. Si roman ba? Pfthahahahhaa." Nakakatawa. Si roman? As in si ROMANA? Pinagseselosan niya? Hahaha. Put*!

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon