Beyond: STA [13]

4.6K 84 0
                                    


'I'm fine. Miss na kita agad. I love you.'






Bigla naman akong binatukan ni kuya.

"Hoy! Natitimang ka na naman dyan baby. Mukha kang nasasapiang kinikilig." Inirapan ko naman si kuya at balik tingin sa cellphone ko. "Teka. Sino ba yan baby? Boyfriend mo?"



Ha? Hindi PA kami. Charot! Haha.

"Ha? Di no. Classmate ko nga to si Kendra." Pagsisinungaling ko.

"Eh bakit kilig na kilig ka dyan? Halos maubos na nga yung unan ko sa kakakagat mo dyan. Pag yan nag amoy laway baby, papalabhan ko yan sa yo."



"Arte naman nito. Basta kuya. Wag mo ko guluhin hindi ako makapagconcentrate dito eh." At balik na ko sa pagtatype ng itetext ko kay bebeloves.

"Aba! May paconcentrate concentrate ka na dyan ha. Spell?"

"R-E-D kuya naman. Manuod ka na nga lang dyan." Napailing na lang siya at napangiti.

Sa wakas sa tv na rin siya tumingin, ba ka mabasa niya pa tong convo namin ni bebeloves, eh.

Syet! Ano bang sasabihin ko? Hindi naman tanong yang I love you na yan para sagutin ko, di ba? Kaya pwede naman sigurong wag munang sagutin yang words na yan. Yes! Tama, hindi yan tanong.

Wag ko na lang kayang replayan? Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko ay. Nagtatype ako ng itetext pero binubura ko din naman. Ewan ko ba.





Napatalon naman ako sa gulat ng tumawag siya at agad agad lumabas ng kwarto ni kuya.

"Babyyyyy! We're not done yet." Sigaw ni kuya.

"Babalik ako!" Sagot ko.

Agad agad naman akong pumasok sa kwarto ko at nilock ang pinto, ba ka mamaya kasi pumasok na naman si kuya dito.

Sasagutin ko na ang tawag ng babain niya. Ay syet naman! Kung kelan nandito na ko, eh. Anebeyen! Napaupo naman ako sa dulo ng kama ko at napahiga. Haay! Sayang naman. Ang kupad kupad mo kasi ysa eh!






Kriiiiiiiiiiiing....






"Ay tipaklong!!" Anebeyen! Nakakagulat naman tong si bebeloves ko. Haha. Agad agad ko namang sinagot kasi ba ka mawala na naman.

'Uy.' Sagot ko. Haha.

'Hindi ba ako nakakaistorbo sa yo?' Ang sweet ng boses niya. Ahhhhh!





'Ha? Hindi ah. Ikaw pa, malakas ka sa kin eh.' Ysa! Kababae mong nilalang, pwede magpakipot ka muna. Kung pwede lang, hiyang hiya ako sa yo.

'naku, lalaki ang ulo ko niyan.' Sabay tawanan namin.

'Ay haha. Bakit nga pala napatawag ka?'

'Namimiss na kasi kita eh.' Ang sweet ng boses niya. Ahhhhhh!





'Ay? Haha. Talaga to oh. Mga ilang oras lang ang lumipas simula ng magkasama tayo.'

At nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan.

'Matanong ko lang. Nagkagirlfriend ka na ba? Ay naku ysa! Siguro naman madami na no sa gwapo mong yan eh.' Hindi ko napigilang hindi itanong sa kanya. Tsk. Daldal ko talaga. Tumahimik naman siya. 'Ay, sige ayos lang kahit hindi mo sagutin.'





Bigla naman siyang nagsalita.

'Hindi hindi, ayos lang. Yes, I have girlfriend before. Pero hindi din naman nagwork ang relationship namin.' Ah.

'Ah, bakit naman hindi nagwork? Your so kind and gentleman naman, caring pa. Gwapo pa. Full package kumbaga.' Ysa! Napakachismosa mo na ha.

'Hindi pa siguro ako full package para sa kanya, kasi may pagkukulang din ako sa kanya na hindi ko mapunan.' Syet! Lalim.

'Ha? Bulag lang siguro siya. Wala ng mahihiling pa sa yo, eh.'

'Sa mata mo siguro, oo full package na. Pero may bagay kasi na hindi ko mabigay bigay sa kanya. Kaya ayun sa iba niya nakuha.' Tsk! Stupid girl naman pala yung ex niyang yun.




'Eh ano ba yun?'

'Hindi ko nabigay sa kanya yung ano.... ' pinutol niya naman ang pagsasalita niya.

'Ha? Anong ano?' Di ko gets.

'Yung ano yung..... pano ko ba to sasabihin... she wants us to do something... something like ugh.. how do I suppose to spill it.... ugh... to make love... did you get what I mean? I'm not saying these things because I don't respect you. What my point is... I just want you to know the side of being me.' Ahhhhh!





'Ay. Sorry medyo slow. Yea. I get it. Don't worry I'm openminded naman.' Nilayo ko naman ng konti ang phone ko at 'kahit ako gagawin yun. Pfthahaha. Echos!' Binalik ko agad ang phone sa tenga ko.

'Ha? Di ko narinig yung last mong sinabi.'




'Ha? Sabi ko ano.... ahhhhh... ay nalimutan ko na pala. Hahahaha.' Napatawa ako sa sarili ko sa palusot ko. Haha. 'Pero infairness matatag kang lalaki ah. Kasi ang pagkakaalam ko, boys wants it more than girls, kasi sabi niyo ngang mga lalaki NEEDS niyo yan.' Inemphasized ko talaga yung word na needs sa kanya.

'Ha? But I'm different, I'm not like them. I respect girls more than I respect myself. Siguro sa iba needs talaga nila yun.'

'Yea! I know your different to other guys.' Kaya nga napapamahal na ko sa yo. Echoooos! Hahahhaha!





'Haha. Thanks. I'll take that as a compliment.' Saad niya.








At nagkwentuhan pa kami at tawanan.




"Babyyyyyyy! Tapos na yung movie hindi mo manlang napanuod." Katok pa rin ng katok si kuya.



Nilayo ko naman yung phone sa tenga ko at sumigaw.

"Kuya! Wag kang maingay! Pupunta na ako sa kwarto mo, dun mo na lang ako intayin!"

"Okay baby!" Narinig ko naman ang mga yapak niya.

'Hello. Sensya ka na ah. Ano ba ulit yung pinag uusapan natin?' Tanong ko.

'Baby? Sino yun? Bakit baby tawag niya sa yo?' Feel ko nakapout na yan. Ang lungkot pa ng boses. Selos much? Haha.

'Naku. Kuya ko yun. Ganun talaga ang tawag niya sa kin. Bunso kasi ako. Kami lang dalawang magkapatid eh. Kaya binibaby ako. Hehe.'




















'Akala ko iba na eh. I love you.'

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon