Strange Skies 6

13 1 0
                                    

*Jay

Habang tinatahak ko ang aking daan pauwi galing sa coffee shop ay nakatitig lang ako sa phone ko. Nakatingin lang ako dito at hindi binubuksan, pinagmamasdan ito at unti-unting nangingiti.

"Dahil sa'yo nagkaroon ako ng kaibigan. Pero bakit naman sa dinami dami ng tao eh siya pa? Ang ingay ingay niya at magulo, tsaka higit sa lahat ay maraming kaibigan at kakilala. Siguro, hindi ko nalang siya papansinin." sabi ko sa phone ko. Hindi ko naman namalayan na nakapasok na pala ako sa pad ko. Inayos ko na ang lahat ng dapat kong ayusin, kinuha si TreBot at humiga na sa kama.

Kinuha ko ulit ang phone ko at tinignan ang mga applications, sinuri ko kung may nagbago ba sa softwares ko, pero mukhang wala naman at mukhang hindi naman ito nagalaw ng babaeng makulit na iyon. Tinignan ko ang call log nito at naalala ko na ginamit niya itong pantawag sa phone niya kaya nakuha niya ang number ko. Nilagay ko yung number niya sa contacts ko, nilagay kong pangalan niya ay 'kulit'.

===========

Kinabukasan, nasa kalagitnaan ng klase ay biglang nag-vibrate ang phone ko. Nagulat ako dahil ngayon lang nangyari ito na nagkaroon ako ng notification during class hours. Naka'set kasi ito sa 'do not disturb' sa oras ng klase ko. Kinuha ko na din ito at tinignan kung ano ang notification ko.

*1 new message received.

-from Kulit

"Hi Jay, my new friend! Sabay tayo maglunch. Dun na lang tayo magkita sa front gate mamaya. Have a good day! :)" ang nakalagay sa message. Ito si 'Kulit', yung babaeng kasama ko sa coffee shop kahapon. 

Hindi ko nalang pinansin dahil wala din naman akong balak na samahan siya mamaya, baka kasama pa niya ang barkada niyang maingay, nakakairita lang. Itinago ko ang phone ko at nagpatuloy sa pakikinig sa klase. As usual, boring na naman ang oras ng klase dahil alam ko na ang kadalasan ng tinuturo ng mga teachers, pero nakinig pa rin ako at nagtake ng mga notes para kung may mga bagong informations na sinasabi ang mga teachers ay nalalaman ko.

Pagtapos ng fourth subject ay tanghalian na, wala naman akong naiisip na gagawin ko kaya lumabas na lang ako ng room, pumunta sa school cafeteria at kinain ang niluto kong baon. Pagkatapos kong kumain ay nagpunta nalang ako sa favorite kong spot ng school, ang library, at nagpalipas ng oras. Kumuha ako ng libro at nagbasa. After a few chapters of reading, nakaramdam ako ng antok kaya napagdesisyunan kong matulog muna, since mahigit isang oras pa bago ang next subject.

Nagulat ako ng naramdaman kong may tumatapik sa akin. Bumangon agad ako at tinignan kung sino yun, at nakita ko na yung librarian pala.

"Hijo, hindi ito lugar para ikaw ay matulog, kung wala kang klase ay umuwi ka na muna." mahinahon namang pakiusap ng librarian.

"Sorry po." sabi ko sabay tayo at lumakad na palabas. Tinignan ko ang orasan ko at nakitang may 10 minutes pa bago magsimula ang sunod na subject kaya dumiretso na ako sa room.

Dumaan ang buong maghapon na puro boredom lang ang naramdaman ko. Tapos na lahat ng subjects ko. Paglabas ko ng room gabi na pala. Habang naglalakad palabas ng gate, natripan kong kumain na ng dinner para hindi na ako magluto pa sa bahay.

Sa isang food chain nalang ako kumain, para mabilis lang ang serving. Pumunta na ako sa counter at umorder. Humanap ako ng upuan na medyo nakapwesto sa dulo para hindi gaanong pansinin ng mga tao tsaka kumain.

Habang kumakain ako, may pumasok na isang grupo na nagtatawanan ng malakas, hindi man lang magconsider ng ibang tao sa paligid nila. Nakakairita. Napansin kong grupo 'to ni Kulit, magulo sila eh, pero maganda sila lahat at hindi naman maikakaila yon. Nakita ko si Kulit at napansin na tingin siya ng tingin sa phone niya, medyo malungkot din ang expression niya tsaka nakatahimik lang siya. Nung huli ko silang nakita, siya pa ang nangunguna sa ingay eh. Ano kaya meron?

Hindi ko na lang sila pinansin at tinapos na ang kinakain ko. Dumiretso na din ako pauwi pagkatapos kong kumain. Pagdating ko sa pad ay umupo lang ako sa may sofa, nagpahinga at nagmuni-muni.

"Meron pa bang mas boboring pa kesa sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon?" sabi ko. 

"Arf! Arf! Arf!" rinig kong tahol ni TreBot habang tumatakbo papalapit sa akin.

"Haha. Oo na, ikaw na ang masigla. Tara, matulog na tayo."

Naglakad na kami papuntang kama ni TreBot, nang mapansin ko ang phone ko na nakalagay sa ibabaw ng lamesita malapit sa bag ko, nakailaw. Kinuha ko ito at tinignan kung ano ang meron.

*1 new message received

-from Kulit

"I waited for you :(" sabi sa message niya.

Hinintay niya ako kanina sa gate? Eh hindi naman ako nagreply na pupunta ako kanina.

"No one told you to do so" reply ko, sabay higa na sa kama at nagpahinga. Tinignan ko ulit kung nagreply ba ulit siya pero hindi naman na kaya natulog na din ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Strange SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon