Strange Skies 4

34 2 0
                                    

*Jay

Sabado ngayon at wala akong pasok. Buti nalang at rest day pag weekends. Nagising ako ng dahil sa nangyari noon sa mall, binulabog ako ng aking panaginip na dahilan ng aking paggising. Naaasiwa pa din ako sa tuwing naaalala ko ang nangyari, hindi naman maalis sa isip ko ang babaeng nagdala sa akin sa ganoong kahihiyan, siya yung nakita ko sa fast food chain dati na akala ko na nakatingin sa akin.

Naglinis nalang ako ng pad ko para naman maaliw ko ang isip ko, at sa ginawa kong paglilinos ay nakalimutan ko nga ang nangyari. Pagkatapos kong mag-ayos ng unit ay tumungo ako sa TechRoom ko kung nasaan ang aking mga gadgets.

"Aaa-aar. Aaar-aaaarff." Mahinang tahol ni Trebot, parang may mali sa kaniya. Kinuha ko siya at tinignan kung ano ang mali.

Binuksan ko ang kaha niya, nakita ko ang mga maliliit na kableng magkakadikit. Maayos naman ang wirings kaya tinignan kong mabuti ang diperensya. Nakita ko ang mga gears na hindi naka-ayos at natanggal ang pagkakahilera, may mga screw din na nakabaklas. Siguro ay nabangga ito sa mga sulok ng unit kaya nagkalas kalas, pero madali lang 'tong ayusin kaya ginawa ko na. Habang ginagawa ko si Trebot ay biglang nalaglag ang screw driver na hawak ko kaya pinulot ko at natapos na ang pag-aayos ko at gumagana na ulit si Trebot, kaya niligpit ko na ang mga tool kit ko. Habang nililigpit ko ang gamit ko ay bigla na namang may nahulog na tool, kaya pinulot ko ulit at itinabi. Napagdesisyonan kong kumain na ng tanghalian dahil oras na para kumain, habang naghahanda ako ay biglang may nalaglag na utensil. Ang weird na nito dahil pangatlong beses ko ng nalalaglagan ng gamit, laging nalalaglag ang mga gamit na hawak ko pero hinayaan ko nalang din.

Pagkatapos kong kumain ay nakipaglaro nalang ako kay Trebot, nagharutan lang kami sa buong unit at may isang beses na bigla siyang lumundag patungo sa akin na naging dahilan ng aking pagka-out of balance at natumba siya sa harap ko. Biglang nagflash back ulit ang mga nangyari sa event. Lahat ng atensyon at kahihiyan na natamo ko, at ang mukha ng babaeng natumba sa harapan ko.

Bigla nalang akong natulala at hindi alam ang gagawin kaya naisipan kong maglibang sa mga inventions ko, pero kahit na anong gawin ko ay hindi maalis sa isip ko ang nangyari sa event. Parang binabangungot ako ng gising, buong araw akong tulala at walang magawa hanggang sa di ko namalayang dumaan na pala ang ilang araw.

==========

*Ava

Monday

Nasa may school grounds kami ngayon kasama ang mga tsismosa kong barkada. Ako, as usual ay tulala na naman at iniisip kung paano ko mahahagilap ang nerdy boy na abot kamay ko na sana nung fashion show. Aba'y bigla ba naman akong iwanan dun sa backstage kaya hindi ko manlang siya nakausap.

"Girls, I'll just go to the washroom." Paalam ko, kahit na hindi talaga ako doon pupunta. Gusto kong libutin ang campus para hanapin si nerdy boy.

Lakad here, lakad there, lakad everywhere. Palinga linga ako sa pag-asang makita si Nerdy boy. Napagod lang ang legs ko pero wala akong nakitang mukha ni Nerdy. Frustration strikes.

"Bro! Sunod nalang ako sa inyo sa gym, hihiram lang ako kay Jay ng notes." Narinig kong sabi ng school varsity na si Leandro, famous siya at maraming nagkakandarapang babae para sa kanya. And speaking of girls, eto na ang isang kumpol ng babaeng nagtitilian para makalapit kay Leandro.

"Papa Leandro! Pakiss naman! Ahihihihi" Girl 1

"Ako kahit hug lang! Aaaaayy!" Girl 2

"Sorry girls, I'm in a hurry. If you want, manood nalang kayo ng practice game mamaya sa gymnasium." Sabay smile niya na nagpalambot ng mga tuhod nito.

Pero dahil sa ayaw mawalay sa piling nito ang kanilang idolo ay sinundan pa rin nila ito, at dahil sa dami nila ay nasakop ang buong corridor at pati ako ay nasama sa kanila. Wala na akong nagawa dahil na-stampede na ako dito at sumusunod na ako sa direksyon nila. Kung saan lumiko si Leandro ay dun din sila, at ako ay walang magawa dahil nasa gitna ako ng kumpol ng mga ito.

Huminto kami sa isang room sa engineering building at pumasok doon si Leandro at may kinausap, hindi ko makita kung sino iyon dahil natatakpan ito ng katawan ni Leandro.

"Salamat Jay! Balik ko nalang mamaya!" Sabi ni Leandro at sabay alis kasama ang kumpol ng kababaihan at ako ay natulala doon sa loob ng room na pinanggalingan niya. Nakita ko si Nerdy boy na Jay pala ang pangalan, binubutingting ang cellphone niya. Mahanap nga si Leandro mamaya at mapasalamatan.

"Classmates! Hindi daw dadating si Sir Psychology ngayon, mamayang 2 na ulit ang klase natin!" Sabi ng estudyante at naglabasan na ang lahat. Huling lumabas si Nerdy Jay at inabangan ko na siya para makausap.

Naka-yuko siyang lumabas ng classroom nila at pagdating niya sa pintuan ay lumapit na ako at bigla siyang napatigil sabay dahan dahang umangat ang ulo niya. Bigla siyang nagulat nang makita niya ang mukha ko. Para siyang nakakita ng multo sa ayos niyang yon.

"Nightmare again!" Mahina niyang sambit pero sapat na para marinig ko. Sinubukan niyang tumaliwas ng daanan pero hinaharangan ko siya.

"Gusto lang naman kitang kausapin, bigla ka kasing nawala nung fashion event." Sabi ko.

"Ayoko"

"Bakit naman? Gusto ko lang magpasalamat."

"No need. Excuse lang."

"Please? Just a little chat."

"Ayoko nga." Madiin niyang sabi. Naglakad siya ng mabilis palayo pero kahit saan siya magpunta ay sinusundan ko lang siya.

Naikot na namin ang buong campus at pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa pangungulit ko sa kanya. Napansin kong pilit niyang tinatago ang mukha niya pag may tumitingin sa kanya.

"Nahihiya siya sa mukha niya? Ayos lang naman siya ah." Bulong ko sa sarili ko. Nagpatuloy siya sa paglalakad at ako'y tuloy din sa pangungulit. Distracted siya sa ginagawa ko kaya hindi niya napansin ang dinaanan niya at na-corner siya sa isang hallway na patungo sa maintenance room.

"Just a little thank you chat, and we're done! Gusto lang kitang makilala." Sabi ko

"Ano ba ang hindi mo maintindihan sa salitang Ayoko? Tagalog na nga eh."

"I don't take no as an answer. At hindi kita titigilan sa pangungulit ko, sa pagkaka-alam ko ay maraming nakakakilala sa akin at pwede kitang gawing instant sikat sa campus natin." I saw him stiffened sa sinabi ko.

"A-ano naman kung makilala ako s-sa school?" Sabi niyang halatang kinakabahan

"Well, as I can see, parang ayaw mo nga na pinapansin ka at hiyang hiya ka sa taong nakatingin sa'yo." And that left him speechless.

"All you have to do is let me thank you for what you've done. And I want to know you better, cause you're familiar." Dagdag kong sabi, pero parang wala siyang balak magsalita.

Palinga linga ako sa paligid at naghihintay sa sasabihin niya, tumingin ako sa suot kong relo at nakitang limang minuto na ang lumipas at wala pa rin siyang imik.

"I could wait all day you know." Sabi ko.

Tinignan ko ulit ang orasan ko at nagulat nalang ng bigla siyang kumaripas ng takbo sa gilid ko, hinabol ko siya at nasagi pero hindi ko siya napigilan, mabilis siya masyado kaya hinablot ko nalang yung bag niya at naghilahan pa kami. Lalaki siya kaya eventually, nakuha niya ang bag niya at dumiretso na ulit na tumakbo.

I sighed in disbelief dahil naka-alis na naman siya. Kaya inayos ko nalang ang sarili ko ng mapansin kong may hawak akong black kit, sinuri ko ito at napangisi dahil nakita kong ang laman nito ay isang cellphone na sigurado akong kanya dahil may nakaburdang letter J sa pouch.

"We'll meet again, Jay." Sabay evil smile.

Strange SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon