*Ava
"Girl! Kamusta naman ang iyong date kahapon? Nag-enjoy ka naman ba? Kwento naman jan!" pang-aasar ni Gerardine kay Charvie na namumula sa kilig sa sinabi ng dalaga.
"Hihihi. Sobrang sweet niya pala kasi ngayon lang siya nag-effort ng ganun. What I mean is, lagi naman siyang nag-eeffort, pero unlike kahapon sa anniversary namin. I didn't expected that he will do such thing. With candlelights, romantic music and the way he introduced me to his family. It was heaven!" With actions pa yung pagke-kuwento niya.
"Edi kayo na! Porket wala kaming love life ni Ava gaganyan na kayo. Naiinggit tuloy ako sa inyo." Sabay iyak-effect pa ng gaga.
"Eh bakit nga ba nakasumalmal ang mukha ng babaeng yan? Aga ng sentihan natin Ava ha!" Singit ni Miella na nagpabalikwas sa akin mula sa pagkaka-palumbaba
"Wala, trip lang." Walang buhay kong sagot, at natuon ulit ang atensyon nila sa date ni Charvie.
Isang linggo na ang nakalipas pero hanggang ngayon, sa puntong ito, si Nerdy Boy pa din ang tumatakbo sa isipan ko. Parang nakita ko na siya dati pa pero hindi ko matandaan kung saan, kaya ngayon ay todo isip ako sa taong yun.
"Ava, kanina pa nagri-ring yung cp mo. 5 missed calls na nga eh, lalim naman ng iniisip mo, di mahukay ha. Hahaha" biglang sabi ng Jessa, at lahat sila nakatingin pala sa'kin ng hindi ko napapansin kanina pa
Biglang nag-ring ulit ang phone ko
"Modeling Agency calling" and I accepted the call.
"Hello"
"Hoy Ava! Nicola 'to. Kanina pa kita tinatawagan eh hindi ka naman sumasagot! Kaimbyerna ka!" Sigaw ng nasa kabilang linya.
"Manager, ikaw pala. Hindi ko napansin eh, sorry naman, hahaha. Ano meron? Bakit ka napatawag?"
"Pumunta ka nga dito sa Agency, dalian mo ha! Naloloka na ako sa mga model dito! Kailangan kita! May show kasi mamayang gabi eh yung ibang model hindi alam kung ano gagawin! Ubod ng kamang-mangan!"
"Now na? Ok punta na'ko. Malapit lang naman ako."
"Buti naman kung ganun. Pakibilisan lang at baka makonyatan ko 'tong mga ito."
"Oo na, ge." Saka binaba ang tawag. Nagpa-alam na ako sa mga barkada ko at dumiretso sa agency.
Umuusok ang tenga't ilong ng Manager ko nung nakarating ako. Pinag-ayos na niya ako at sinabing ako nalang daw ang sumalang sa stage dahil professional model na rin naman ako. Kaunting oras na lang ay mag-uumpisa na ang event, kaya naghanda na ako.
==========*Jay
Nasa kwarto ako ngayon at nakahilata kasama ang kama ko. Mejo nabo-bored ako dahil wala naman akong ginagawa kaya naisipan kong lumabas at magpahangin. Dinala ako ng aking mga paa sa mall. Hindi ko alam kung bakit ako napunta dito gayong ayaw ko nga sa maingay at mataong lugar pero dahil wala din naman akong mapuntahan ay tumuloy nalang ako.
Bumungad sa akin ang isang maingay na event place. May kung anong nangyayari doon, pero hindi ko na pinansin dahil wala rin naman akong balak panuorin yon.
Papasok na sana ako sa isang technology shop ng biglang maghiyawan ang mga taong nanonood ng event. Curiosity strikes, kaya lumapit na rin ako doon at pumwesto sa front row. May modeling/fashion event pala, para sa mga tanyag na fashion designers.
May isang sexy at magandang model na naglalakad sa stage, halata ang pagiging sopistikada at propesyonal nito sa kanyang ginagawa, confident siyang naglalakad sa catwalk. Ng makalapit siya sa may unahan ay bigla siyang natapilok dahil sa taas ng heels na suot niya at nalaglag sa stage. Sa kasamaang palad, sa harap ko siya nalaglag, nasapo ko agad siya para hindi siya masaktan kaya napailalim ako sa kanya at nakapatong siya sa'kin, at dahil doon ay ako ang nakatanggap ng lahat ng puwersa kaya ako ang nasaktan.
"Oh shit, Nakakahiya." Narinig kong bulong niya habang dahan-dahang sinisilip ang mga audience. Napatingin siya sa'kin, saka ko na'realize na sobrang lapit pala ng mukha niya sa'kin. Tumingin pa siya sa kabuoan ng katawan ko na parang minumukhaan ako. Kinilatis pati ang damit na suot ko.
"Tanggalin mo ang salamin mo, sumama ka sa akin sa stage. Dalian mo! Sabay tayong tumayo." Bulong niya sa akin kaya kahit nagtataka ako ay bigla ko nalang ginawa.
"Mag-project ka, pose ng konti. Tingin sa'kin." Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko, dahil nakita ko ang napaka-daming tao sa harapan ko, nakatingin sa aming dalawa.
"Huy! Gumalaw ka nga jan! Konting pose lang, tulungan mo naman ako! Nakakahiya na nga yung kanina eh, kunyari kasama pa rin 'to sa show." Bulong niya pero sapat na para marinig ko.
"Hindi ko kaya." Nangangatog na sabi ko. Kaya hawak niya ang kamay ko at ginagalaw niya ang katawan ko para makakuha ng mga pose ng hindi nahahalata ng mga audience. Naninibugho ang buo kong katawan dahil sa napaka-raming atensyong nakatuon sa akin at sa babaeng modelong kasama ko.
"Tara na, bumalik na tayo sa back stage." Sabi niya sabay hila sa akin dahil hindi ko pa din magalaw ang katawan ko. Nabigla ako sa nangyari, sana pala ay hindi na ako lumabas ng bahay.
Pagdating sa backstage ay agad siyang sinalubong ng isang babaeng alalang alala sa kanya.
"Nakooo! Ava, ano bang nangyari sa'yo doon? Grabe naman yan! Pero pasabog ka ha! Bawing bawi naman ang laglag mo. Very good! Hahaha!"
Sabi ng babaeng parang organizer/manager yata. Natuon naman ang atensyon ng babaeng organizer sa show na nagpapatuloy."Kuya, pasensya ka na dahil naabala pa kita kanina. Salamat na din sa tulong mo. Babawi nalang ako sa'yo sa..." hindi ko na tinapos pa ang kanyang sinasabi at dumiretso na akong lumabas ng mall at umuwi. napansin kong maraming nakatingin sa akin marahil ay kinikilala ang mukha ko, may nagpapa-picture pa, awkward man ay wala akong magawa, nakuha ko ang atensyon nila dahil sa kagagawan ng babaeng 'yon. Ayaw ko na ulit siyang makita!
Dire-diretso at nagmamadali akong umuwi at pagdating ko sa pad ay dumiretso ako sa kwarto, agad na nagtalukbong ng kumot at natulog.
BINABASA MO ANG
Strange Skies
Teen FictionAva, a sophisticated, famous, socialy inclined student, na kinahuhumalingan ng karamihan at pakikipagkaibigan ang libangan. Jay, a serious, straightforward, introvert, independent nerd, na ang gusto lang ay mapag-isa sa buhay at aliwin ang isip gami...