*Ava
Napakaganda ng aking gising dahil alam kong makikita kong muli si Jay. Hahanapin niya panigurado ang kanyang cellphone at nasa akin iyon! Lilibutin ko ang buong campus para mahanap niya agad ako.
Lunch time na, kasama ko ang mga kaibigan ko sa cafeteria. After namin kumain ay nagsuggest akong libutin ang campus to fulfill my oh-so-pretty plans, and they agreed to it. Sinuyod namin bawat hallway at ang mga kaibigan ko ay pinupuna ang lahat ng makita sabay magtatawanan, samantalang ako ay busy kahahanap kay Nerd. Nang mapadaan kami sa Engineering building ay lalong lumibot ang aking mga mata, and to my extent ay nakita ko ang target ng mata ko. Staring at me blankly, nginitian ko siya sabay wink at mukhang naasar naman siya, he looks cute doing so. I raised his phone and mouthed.
"Coffee shop outside the school, 5 o'clock." at nagpatuloy na kami sa paglalakad ng barkada.
Nagpatuloy ang paglibot namin hanggang sa pumasok na kami sa room namin to attend the next class. Active ako sa klase namin ngayon dahil inspired ako kay Jay. mukha siyang matalino at alam lahat ng topics at lessons sa lahat ng subjects, gusto ko naman na may maipagmayabang ako kahit kaunti lang kumpara sa kanya.
Kinahapunan, uwian na at malapit na ang pinakahihintay kong oras. nagpaalam na rin sa akin ang mga kaibigan ko dahil may kanya-kanya pa silang lakad. Naghatiran pa kaming barkada, kahit na sa gate lang ng school kami maghihiwa-hiwalay.
Pagka-alis nila ay humanap muna ako ng pwede kong maupuan, I checked the time at 4:18 pa lang kaya nilabas ko nalang ang notebooks ko para gawin ang mga assignments ko. I finished doing my assignments in almost all of the subjects except Algebra. I was just staring at the numbers and those signs pero hindi ko alam ang gagawin. I recalled the lessons kanina, browsed my notes and analyzed each examples pero ni isang process hindi ko manlang maintindihan. Nakinig naman ako ng mabuti kanina habang nagtuturo yung matandang propesora namin, bakit ganto? Hindi ko tinigilan ang pag-iisip ng paraan kung paano masasagutan ang algebra na 'to. Kaya ayaw ko ng mathematics eh, nag-masscom nga ako para walang math kaso meron pa rin pala.
Naiiyak na ako sa kakaisip kung paano sasagutan yung problem na binigay ng prof, nakulta na ang utak ko pero wala talaga akong magawa kundi umiyak. Mas naiiyak pa ako sa math kesa sa totoong problema ko sa buhay, hayop na yan. Naalala kong engineering nga pala si Jay, so alam niya kung paano sagutan ang mga to. Tinignan ko ulit ang orasan ko to find out na 5:23 na pala.
"Oh my! Hindi ko namalayan ang oras dahil sa math na yon. Lagot ako kay Nerd nito, nasa coffee shop pa kaya siya?" tanong ko sa sarili ko habang nagmamadaling bitbitin ang mga gamit ko. Tumakbo na agad ako palabas ng campus kahit na hirap na hirap na akong bitbitin ang mga dala ko, nalalaglag pa yung iba kong gamit at maraming tao ang nakaharang sa dadaanan ko kaya may mga nababangga pa ako. Habang kumakaripas ng takbo ay biglang nag-ring ang cp ko, kinuha ko at nakitang tumatawag si Manager Nicola, baka may sasabihin lang naman siya tungkol sa agency kaya hindi ko nalang muna sinagot at pinagpatuloy ang paglakad ng mabilis.
Nakarating naman ako sa coffee shop ng walang disgrasya at galos na natamo. Pagpasok ko ay nilibot ko ang mga mata ko, hindi ko makita si Jay, siguro naman hihintayin niya ako diba, or yung phone manlang niya. Umupo nalang ako sa available seat na nasa may bandang gitna, ako naman ang naghintay sa kanya. Pinagpatuloy ko nalang ang algebra assignment ko. One on one kami ng mga numbers sa notebook ko.
After a few minutes, nakita ko na may umupo sa katapat kong chair. Si Jay.
"Could I please get my phone back?" Agad niyang sinabi.
"Agad agad? We should get to know each other first. So, may I know your name?" Ang sabi ko naman.
"Jay" maikli niyang sagot.
"Anong course mo? Hobbies?"
"Engineering. Mag-aral." tamad niyang sagot sa akin.
"Interests?"
"Robotics."
"Saan ka nga pala nakatira?"
"Why are you asking?"
"Eh wala na akong maitanong eh. Sobrang ikli mong sumagot. Is that the way you introduce yourself?" Iritang sagot ko.
Hindi na siya sumagot at nilibot ang tingin sa paligid, maya maya ay nakita niyang ang assignment ko sa algebra. Nakita kong kumunot ang noo niya ng bahagya kaya naman kinuha ko ang notebook ko at isinara.
"I could help you with that." sabi niya
"No need, I could answer it myself." sagot ko naman
"Let me help you with that. Kitang kita naman na hindi mo kayang sagutan yan mag-isa, mukhang dalawang page na ang nagamit mo sa notebook mo as scrap papers yet you still haven't got the correct answers. Easy lang sa'kin yan." mahaba niyang sabi sa akin. Ito na yata ang pinakamahaba niyang sinabi sa akin, improving na siya.
"Ok then, I could use some help over here." sabi ko
Tinuruan niya ako sa lahat ng kailangang gawin para makuha ng tama ang sagot sa mga math problems. Nakuha ko naman ang lahat ng tinuturo niya, magaling siyang mag-explain at detalyado siyang magturo kaya naman madali ko lang din naintindihan ang mga formulas at yung process sa pagsagot. Umabot rin siguro ng 45 minutes ang lectures namin. Sa wakas naman ay naintindihan ko na ang algebra na 'to, mas naintindihan ko pa nung siya ang nagturo kesa sa prof ko.
"You're a fast-learner, you know. I hope you won't forget what I taught you today too easily." seryoso pa rin siyang magsalita.
"Siyempre naman, hindi. Ako pa!" confident ko namang reply sa kanya. Hindi na ulit siya nagsalita.
Tinignan ko ang mukha niya, maganda naman pala ang facial features niya, may itsura din naman siya. Para siyang half-half,may lahi kaya siya?
"Jay." sabi ko. Tumingin lang siya sa akin, senyales na narinig niya ako.
"May lahi ka ba?" tanong ko. Para namang nagulat siya sa tanong ko.
"Wala, bakit?"
"Well, you look like one. Alam mo, ang pogi mo."I stated and I saw him flinched.
"T-thanks for t-the c-compliment." tarantang sagot naman niya
"Bakit ka naman natataranta? Is it the first time you've been told na gwapo ka?"
"The truth is, yes. Ikaw nga lang ang nakuhang kumausap sa akin ng ganitong katagal."
"Ano naman ang dahilan?"
"Basta, it's none of your business. Can I have my phone now? It's late."
Tumingin naman ako sa orasan ko, its almost 7 na rin pala.
"I'll give it back to you, just promise me one thing."
"What?"
"Let's be friends" and I gave him my oh-so-beautiful smile. Hindi siya sumasagot at palinga linga lang siya sa paligid.
"Why are you hesitating?"
"Ah.. Eh.. Kasi.. Sikat ka eh, maraming tao ang kilala ka. Ayoko kasi ng masyadong napapansin ako."
"So what if maraming nakakakilala sa akin? I want you to be my friend."
"Ok."
"So, we're friends na?"
"I think so."
"Yay! Nice." then kinuha ko yung cp niya, I opened it and dialed my number. Nag-ring naman ang phone ko, I ended the call and handed his phone to him.
"I got your number now. So I hope we could be comfortable to each other."
"Ok, Bye for now." Then, he smiled wide. And I smiled back to him. Sabay na kaming lumabas ng coffee shop at naghiwalay ng daan.
"Ingat ka!" sigaw niya bago kami tuluyang magkalayo.
Dumiretso na ako sa bahay, nag-ayos ng gamit at katawan, sabay higa sa kama. This was indeed a great day for me. I can sleep tight tonight, sabi ko sa isip ko. And moments after, I fell asleep.
BINABASA MO ANG
Strange Skies
Teen FictionAva, a sophisticated, famous, socialy inclined student, na kinahuhumalingan ng karamihan at pakikipagkaibigan ang libangan. Jay, a serious, straightforward, introvert, independent nerd, na ang gusto lang ay mapag-isa sa buhay at aliwin ang isip gami...