Strange Skies 2

31 2 0
                                    

"You don't belong here! You're a freak! Hindi ka naman dapat pa nabuhay eh! Get lost!" Akmang sasapakin niya ako, natatakot ako. Malapit na sa'kin ang kamao niya at paglapat noon sa mukha ko ay..

"Huwaaaaag!!" Habol-hininga kong sigaw. Bangungot na naman, kailan ba nila ako tatantanan? I'm always haunted by these dreams.

Nang makahinga na ako ng maluwag ay agad kong inayos ang sarili ko, pati na ang pinaghigaan ko. Sinilip ko ang relo ko, 3:49 palang ng umaga. Masyado pang maaga para pumasok kaya kinausap ko muna ang mga alaga kong inventions, mga computers, mga robots at gadgets na masyadong komplikado para sa mga ordinaryong tao. Tinignan ko lahat ng calculations ko at nakitang marami pang kulang.

Inaayos ko na ang mga gamit ko, hinanda ang uniporme at nakita ko ang ID ko. Ako si Jerison Alvin Yu, Jay ang palayaw ko. Mag-isa lang ako sa buhay. Nasa states kasi ang mga magulang ko, pinadadalhan nalang ako ng allowance kaya mas sanay akong mag-isa. Sabi ng ibang tao weird daw ako, hindi ko nalang pinapansin yun dahil ayaw ko sa gulo, at mas gusto ko ang mapag-isa dahil hindi ako madaling magtiwala at mabilis akong mairita, kahit simpleng bagay lang. Nasanay din ako na sa magulang dumepende pero ngayon ay wala sila kaya naman mas ginusto kong maging independent.

Nag-ayos na ako at pumasok sa eskuwela. Maaga pa kaya naman wala pa gaanong tao, kinuha ko nalang ang cellphone ko at kinalikot ang mga laman nito. Hindi nawawala ang bagay na ito sa akin dahil lahat ng mahahalagang impormasyon ay dito nakalagay, at ito lang ang kaibigan ko dito sa mapanlinlang na mundo.

Mabilis lumipas ang tatlong linggo at paulit ulit lang ang mga ginagawa ko sa buhay ko bilang estudyante.

"Hypermnesia is the abnormally vivid or completememory or recall of the past which..." Psychology is one boring subject, at kadalasan ng mga tinuturo ng propesora ay alam ko na, minsan nga ay tinatama ko pa ang mga mali niya.

Nag-aaral ako ngayon sa isang kilalang unibersidad bilang isang Engineer, hindi dahil gusto ko ang kursong ito ngunit dahil gusto kong laging ginagamit ang utak at isip ko sa mga makabuluhang bagay.

"Ah pareng Jay, pwede ba akong humingi ng tulong sa iyo? Kasi kukuha ako ng special quiz. Nagkasakit kasi ako kaya hindi ako nakapasok. Manghihiram lang naman sana ako ng mga lectures mo para maipa-photocopy ko. Ibabalik ko din agad." Sabi ni Leandro, kaklase kong school varsity ng volleyball, pero kahit na sikat siya ay mabait pa rin siya sa lahat, kahit sa akin.

"Ok lang." Maikli kong sagot sabay abot sa kanya ng notebook ko.

"Salamat ha, saglit lang hintayin mo 'ko, ipapa-xerox ko lang." Sabi niya habang nakangiti.

Nagpasalamat siya sa'kin at umalis na kaya napagdesisyonan ko na ding umalis. Naisipan ko munang kumain sa may food chain sa labas ng campus para hindi na din ako maghanda sa bahay.

"Sht! Just shit! Naiwan ko pala yung cellphone ko!" Sigaw ko sa sarili ko upang hindi makakuha ng atensyon, aburidong aburido ako sa sarili dahil sa dami ng maiiwan eh yung cellphone ko pa.

Sa peripheral view ko ay may nakatingin sa aking babae, naglalakad siya papuntang counter pero ramdam kong nakatingin siya sa'kin. Kaya sinulyapan ko ng tingin, pero hindi naman pala siya nakatingin, akala ko lang. Natitigan ko siya, ang ganda niya kaso maingay siya, pati mga barkada niya at ayaw ko ng ganoong environment. Binaling ko nalang ang tingin ko sa aking bag at inayos nalang iyon, Pero hindi ako mapakali dahil wala ang cellphone ko, kaya naisipan kong umuwi nalang.

Pagka-uwi ko sa pad ay agad akong nagpalit ng damit, inayos ang mga gamit sabay diretso sa mga alaga ko.

"Arf arf! Arf arf!" Tahol ni TreBot, ang alaga kong asong robot. Inimbento ko siya para may mapaglibangan man lang ako dito sa condo. Umiikot ikot lang ako sa malaki kong unit ng mapansin ko ang malaking salamin sa sala ko, humarap ako at tinitigan ang nasa repleksyon. Isang payat, nerd, old school na lalaki ang nasa harap ko. Hindi naman ako mahilig mag-ayos ng sarili dahil satisfied naman ako sa sarili ko kaya hinayaan ko nalang at dumiretso sa kwarto ko at nagpahinga.

Strange SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon