Monday, 4:00 am.
"You're my only dearest and caring love of my life, and I can never afford to lose such beauty." A guy in my dream said, I can't see his face clearly but I can feel everything as if it was real. He was leaning his face near mine and was about to kiss me. Palapit na siya ng palapit ng biglang...
"Kriiing kriiing, kriiing kriiing..." Nagising nalang ako sa alarm clock ko.
Sht! Sayang, kiss na sana yun eh. In all fairness, parang totoo lahat ng panaginip ko, nakakatuwa pero nakaka-curious din siya. Makikilala ko din ang love of my life ko someday.
"Ok. This is the day! First day of school, official college student na ako! Mag-aayos na ako for school, I'm so excited!" Sabi ko habang nakangiting tumungo pababa para mag-almusal at mag-handa ng gamit.
Nasa may labasan na ako habang naghihintay ng tricycle palabas sa kanto. By the way, I am Ann Valeen Asuncion aka Ava. Isang BA Mass Communication student sa isang kilalang University, gusto ko kasing maging Disk Jockey someday. Madami akong friends, marami from my former school, and marami akong koneksyon pag kailangan ko ng work para dagdag allowance or pag gipit, independent kasi ako and ayokong umaasa sa parents ko since nasa tamang edad na ako. Kaya ayun, marami akong kakilala, friendly at social person kasi ako, that's why.
I'm on my way to school na ng tumingin ako sa relo ko, 6:04 palang. Sinadya ko na din pumasok ng maaga para mahanap ko yung room ko, you know college things. Culture shock pa. I arrived on the school at exactly 6:20, nagtanong tanong ako about my building, and found out na nasa may bandang dulo pa pala yun, nilibot ko ang buong university until I bumped to a girl.
"Ay! Sorry po. Hindi ko po kayo napansin." Sabi niya habang pinupulot ang mga gamit niyang nalaglag.
"Ok lang, tulungan na kita." At ginawa ko nga. Napansin ko lang yung ID niya.
"Mass Comm ka din? Anong section mo?" I asked
"I'm 1-B, ikaw?" She responded
"Really? Ako din! So we're classmates. I'm Ann Valeen, Ava for short. Tara, hanapin na natin room natin." Sabi ko at tumango siya.
"Sige sige. I'm Jessa by the way."Naglakad na kami papunta sa building at nahanap ang isang kumpol ng mga estudyante. Nag-uusap sila tungkol sa mga buhay nila noong High School pa sila, at certain topics na gusto nila. Parang isang klase sila dahil kilala nila ang isa't isa.
"Hello! Mass Comm kayo?" Tanong ni pretty girl sa amin.
"Yes, 1-B kami. Kayo?" Sabi ni Jessa
"Yeah. And these are our classmates." Sabi niya sa'min. Pumasok na kami sa room namin and as usual pag freshman.
"Ok class, introduce yourselves in front of the class! State your name..."
Sabi ng Propesorang mukhang mabait naman. Yung iba naghahanda na, at yung iba ready na. Puro ganun lang ang ginawa namin the whole day at nakabuo na rin kami ng barkada and guess what, I'm the class jester! They're all laughing when I crack jokes, even though I'm not trying to be funny at all. Malakas kasi akong mambara, pero in a good manner naman.
--3 weeks later
"Girls, tara kain na tayo. 1 hour lang vacant natin, at tatapusin pa natin yung reports natin." Sabi ni Jessa habang inaayos ang gamit. And we went to the nearest food chain sa campus.
"Ako na ang oorder, ano ba gusto niyo? Tara Ava samahan mo ako" sabi ni Charvie, one of my besties.
We're on our way to the counter when I saw a guy na mukhang problemado sa buhay niya. Nakatingin ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa counter at naka-order na. Parang familiar siya sa akin at parang may attachment ako sa kaniya pero hindi ko mawari. Pero nawala lahat yun ng magsimula na kaming kumain ng maingay at puro kwentuhan at daldalan, nung balikan ko siya ng tingin ay wala na siya sa upuan niya. Oh well.
Bumalik na kami sa room at natapos ang araw ng hindi ko man lang namalayan dahil lumilipad ang isipan ko kanina pa simula nung makita ko yung lalaki na yun. Iniimagine ko yung kabuuan niya, yung mukha niya, nerd siya eh kaya parang concealed yung mukha niya, yung payat niyang katawan na hipan lang ng hangin eh fly away na siya, yung makakapal niyang books na hawak niya kanina, yung mukhang hindi maintindihan kung problemado siya. Lahat yun ay hindi ko mai-alis sa isip ko nang..
"ANN VALEEN ASUNCION!" Nagulat ako ng sabay sabay akong sigawan ng barkada ko, apat silang sabay sabay ha. Sakit sa eardrums.
"Kanina pa uwian, nakatulala ka jan for the past 20 minutes. Tayo na nga lang tao dito sa room oh!" Sabi ng isa kong barkada.
"Sorry naman, Girl. Umaatake na naman altapresyon mo. Malaglag heart mo niyan, mababawasan population ng pangit sa mundo sige ka. Hahaha" biro ko sabay peace sign sa kanya.
"Bakla ka talaga, hahaha. O'siya, tara na nga't maka-uwi na." Sabi ulit niya, sabay sabay kami lagi umuwi maliban kay Mielle dahil sa ibang direksyon ang bahay nila.
"Tara mag-mall muna tayo, tagal na nating hindi gumagala eh. And besides, wala naman tayong pasok bukas. Dun na rin tayo magdinner." Biglang sabi ni Gerardine na sinang-ayunan naman naming lahat.
Pinasukan namin lahat ng mga stalls at bumili ng ilang dress, nag-enjoy kaming lima sa gala naming iyon. Naghahanap na kami ng kainan nang biglang sumagi sa isip ko ang nerd na nakita ko kanina, ano kaya ang meron sa kanya at hindi ako mapakali kakaisip sa kanya. Ibinaling ko nalang ang isip ko sa mga bagay dito sa mall. 8:37 pm ng nagkayayaan ng umuwi. Nagkanya kanya na kami ng landas pauwi.
Nagawa ko na lahat ng rituals ko and I laid my tired body on the bed, after a few minutes, I fell asleep.
BINABASA MO ANG
Strange Skies
Teen FictionAva, a sophisticated, famous, socialy inclined student, na kinahuhumalingan ng karamihan at pakikipagkaibigan ang libangan. Jay, a serious, straightforward, introvert, independent nerd, na ang gusto lang ay mapag-isa sa buhay at aliwin ang isip gami...