HAF #10

1.5K 66 3
                                    

The Changes

Kung puwede lang mahimatay ay kanina ko na sana ginawa. Lecheng buhay ito.

“Buhatin mo iyon! Iyon din!” Pinagtuturo lahat ni Carter ang puwedeng mabuhat ko na mga gamit papasok sa charity house ng mga dadalawin namin.

Nang sinabi niyang mag-uusap kami kanina ay sobra ang kabog ng dibdib ko. I was anticipating for something serious, but this man only dragged me inside the van. Ikinulong niya ako roon at hindi pinalabas. Mukha lang akong tanga sa loob na nakaupo, ni wala akong makausap. At nakuha niya pang matulog tapos ngayong nandito na kami sa destinasyon namin ay umandar na naman ang pagiging gago niya.

Just what the fuck is really wrong with this guy?

Kulang na lang talaga at iisipin ko ng baliw siya. Muntanga at kahit pagmamalasakit ni Vilhelm sa akin ay hindi niya pinapaboran. Kung ano-ano pang pinabili niya roon sa isa para lang maiwan ako ritong nagbubuhat ng mga karton.

“Ipasok mo sa loob. Dahan-dahanin mo, ha, at baka masira ang mga laruan sa loob niyan,” he reminded me with a bossy tone. Umirap ako.

Hindi ko na siya pinansin pa at dire-diretso ang lakad ko sa loob ng bahay-ampunan. Kahit naman magreklamo ako ay siya pa rin ang masusunod. He would nagged me, question me until I ended up shutting my mouth off. Kaya mas mabuti pang sundin na lang lahat nang gusto niya nang matapos na ako.

Akala ko talaga ay titino na siya. Yes, he would sometimes act like he likes me. Kanina pa ay gusto niyang maghawak kamay kami pababa sa van na siyang inayawan ko dahil wala namang rason para gawin ko iyon. Ni hindi kami mag-shota kaya bakit kailangang may pahawak kamay pa?

Tapos nang nakababa ako sa van sa tulong ni Vilhelm na inilahad pa ang kamay sa akin para maayos akong makababa ay bigla na lamang siyang naging halimaw ulit. He started shouting at me, telling me to get all the boxes. Habang si Vilhelm ay pinabili niya ng mga pagkain at inumin para kuno sa mga bata.

I doubt it if he is being kind. Hindi naman bago sa akin ang malansa niyang ugali simula nang magtrabaho ako sa kaniya. Nakasanayan ko na nga ata ang pag-iinarte niya pagkatapos makipag-interaksyon sa mga tao. Kulang na lang ay iligo niya sa buong katawan ang alcohol niya.

“Bilisan mo, Vrenly! May lima pang karton sa labas!” sigaw niya sa akin. Nang lingunin ko ito ay salubong na naman ang kilay niya sa gitna.

“Why don’t you help, then? Puro ka satsat, edi tumulong ka. Kung sana hindi mo pinaalis si Vilhelm ay kanina pa sana ako tapos dito,” naiirita ko na ring sabi sa kaniya.

“Puro ka Vilhelm! Edi magsama kayong dalawa!”

At nauna pa ang gagong pumasok sa bahay-ampunan. Aba nga naman talaga. Napapikit ako bago nagpapadyak sa sahig. Umingos pa ako bago tahimik na tumili-tili sa sobrang inis. Kulang na lang ay itapon ko ang karton na hawak ko.

Imbis na magpatuloy sa tahimik kong pagrereklamo ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nang makapasok ako sa mismong tanggapan ng bahay-ampunan ay nakita ko agad siya roon habang pinapalibutan ng mga bata. I can see his real emotions from his fake one. Halatang-halata pa sa akin ang minsan ay patago niyang pagngiwi kapag may batang hinahawakan siya sa kamay niya.

“Desurb,” bubulong-bulong ko. Nangingisi na.

Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang mahawakan masiyado. Palagi niya sa aking sinasabi na may germs daw ang mga taong humahawak sa kaniya. Paano raw kapag nagkasakit siya dahil sa mga ito. And he always say too that some of those people doesn’t smell nice. Arte.

Mukha lang talaga siyang matino, pero talo niya pa ang naka-drugs.

“V-Vrenly!” he called me, but I fakely turned my back like I didn’t noticed or heard him.

His Agent FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon