HAF #15

1.3K 40 0
                                    

First Date

“Saan tayo?” tanong ko nang pagkagabi ay ayain niya akong lumabas. It was the only time too that he is free.

At kahit pagod na pagod sa trabaho ay hindi ako makapaniwalang aayain niya pa ako. I don’t mind tho. I would love to be with him. Nangyaring inaya niya lang ako ay sa panaginip ko kaya ngayong nagkatotoo na ay sino ako para palagpasin ito?

Never in a million years would I let something important like this to slip. Gaga ako, pero hindi naman ako nasobrahan sa pagkagaga. Alam ko namang maraming nangangarap na pumalit sa puwesto ko kahit hindi nila alam kung ano ang totoong ugali ni Carter. But if they would know, they would probably still be into him.

Iyong tipong bad boy na bad boy pero gusto pa rin ng lahat. Iyon ang nakikita kong imahe niya kapag nailabas na niya ang totoong siya sa madla.

“Going on a road trip? Ahm... date?” he asked with uncertainty. Nilingon ko siya na ngayon ay napansin ang pagkapula ng pisngi. I chuckled at that. Kahit sarili kong pisngi ay tila nag-init sa kilig dahil sa narinig mula sa kaniya.

“Date, huh? That’s... cool,” I uttered lightly. Kahit kabaliktaran niyon ang kumakabog kong puso. I’d probably die because of a heart attack if this continues.

“Hmm. You have a place in mind?” aniya. Binuksan niya ang pinto ng kotse niya at tahimik lang naman akong pumasok doon.

Napaisip naman ako agad sa sinabi niya. The Moonlight Music Agency is located here in Makati City at malapit ito sa mga bagay na maaaring puwedeng pasyalan. Ni isa rin naman sa mga lugar na iyon ay hindi ko pa nadadalaw dahil puro lang misyon ang inaatupag ko at ngayon ay nagta-trabaho pa ako kay Carter. I can’t just go around the place and have fun when I know that his life is in danger.

“Why don’t we eat first? Gutom na rin ako. Ikaw ba?” tanong ko sa kaniya at ngumisi naman siya. I blinked my eyes when he leaned.

Akala ko ay hahalikan niya ako kaya pipikit na sana ako kung hindi lang nauna ang kamay niya sa pag-abot ng seatbelt ko. Mas lalo akong napakurap-kurap doon. Tila may nagbara pa sa lalamunan ko habang narinig ko naman ang marahan niyang paghalakhak na tila napansin ang naging reaksyon ko sa paglapit niya.

I pursed my lips and look up at him. Ang hudyo ay aliw na aliw lang namang nakatitig sa akin. Sa huli ay inirapan ko siya bago umiwas nang tingin.

Hindi naman ako atat na atat sa halik niya, ano! It was just my assumption! Bakit naman kasi kailangan na siya pa ang mag-ayos ng seatbelt ko? Kaya ko naman mag-isa.

Mas lalong sumama ang loob ko sa pagkapahiya.

“Ma’am...”

“What?!” Matalim ang titig na nilingon ko siya pero sa gulat ko ay sinalubong niya nang magaan at mabilis na halik ang labi ko.

A sly smirked escaped from his lips when I got stunned by what he did. Onti-onti, nang mapagtanto ang ginawa niya ay naramdaman ko ang pag-akyat ng init sa pisngi ko. My lips parted at him and his smirked grew wider. Pero ang ngising nakapaskil sa labi niya ay nabura nang dumapo ang kamao ko sa pisngi niya.

I heard him uttered a curse as I turned my back. Sinapo ko ang pisngi ko gamit ang kanang kamay habang ang kaliwa kong kamay ay nasa dibdib ko na, pinapakiramdaman ang malakas na tibok ng puso ko. I took a gulped. Kinurot-kurot ko pa ang sarili ko dahil hanggang ngayon ay hindi ako sigurado kung ang nangyayari ba ay totoo o panaginip lang talaga. Kaya nang makaramdam ako ng sakit sa ginawa ko ay mas lalong rumagasa sa sistema ko ang kilig.

Kung puwede lang ay gagawa ako agad nang panibagong misyon ngayon na matatapos ko sa ilang oras lang dahil sa sobrang saya.

I am not dreaming! This is real! Kingina nga naman talaga.

His Agent FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon