HAF #6

1.6K 54 2
                                    

His Sanitizer

“The heck is this?!” Kapapasok ko pa lang sa studio ay bungad na agad sa akin ang malakas na boses ni Satanic Carter. Kaya hindi na ako nagtaka nang magtagpo ang tingin naming dalawa at matatalim pa rin ang titig niya.

I sighed. Sa dalawang linggo na nanatili ako sa puder nila ay kuhang-kuha ko na ang lahat ng nangyayari. It is true that this is his real attitude behind the camera and when the spotlight is on him, he became sweet all of the sudden. Sobrang bait at matulungin pa na minsan ay napapatanong na lang ako kung bakit hindi na lang siya pumasok sa showbiz. He’d probably make a name.

“Bakit ngayon ka lang?!” tanong niya sa akin sa mataas pa rin na boses. Naibaba ko tuloy ang tingin ko sa relong suot bago napahinga nang malalim para kumalma.

“It is still seven-thirty. I am not late, so don’t shout at me,” kalmado kong tugon. Lumapit ako sa kaniya, hindi pinansin ang humahangang tingin sa akin ng lalaking nag-aayos sa buhok niya.

Wala pa si Vilhelm sa studio kaya rin siguro ganito siya at parang hayop na nakawala sa hawla niya. Kailangan talaga ay ginagapos siya nang hindi basta-basta kumakagat ng kahit sino.

This is my every day routine after my first day happened. Papasok ako at babatiin ng mala-dragon niyang ugali sa umaga man o gabi, panghapon man o madaling araw. That’s his attitude, alright. Nag-iiba lamang siya kapag may ibang tao. He always smile at them sweetly and treats them kindly, but when they are all gone from his sight? That is where his real attitude comes.

Ayaw na ayaw niyang nadidikitan siya. Ayaw niyang natutulak o nahahawakan man lang. He doesn’t like noises, but he shouts a lot at us. Ayaw niya rin ng mga taong hindi agad nakikinig sa gusto niya. In short, hari-harian siya kahit saan siya mapunta.

And his line everytime someone touched him?

“My sanitizer, damn it! Alam mo ba kung gaano karaming dumi ang maaaring dumikit sa akin dahil lang sa paghawak nila sa kamay ko?!”

At hinding-hindi siya titigil hangga’t hindi nabubuhos sa kaniya ang sanitizer niya. Lintek lang talaga.

Moonlight Music Agency where he is part of is not even saying anything about his bad attitude towards his workers. Kahit harap-harapan niyang murahin ang stylist niya sa mga nakatataas sa Music Agency na ito ay wala pa rin silang pakialam. They would just let him until his heart’s content. Ang imahe niya sa loob ng ahensya ay sirang-sira na pero tila wala lang iyon sa kaniya. He doesn’t care. Not at all.

“Dapat ay inaagahan ninyo lalo ang pagpunta rito. Paano kung may kailangan ako sa inyo?! Sinong tutulong sa akin? I hired you all to--”

“Excuse me,” mahina kong sabi habang inaangat sa kaniya ang tingin ko. Our gazes meet immediately and we both didn’t blinked.

Onti-onti ay kumunot ang noo niya hanggang sa pati ilong niya ay nagusot habang nakatingin sa akin. I was about to push him aside when he leaned on towards me. Doon ako nanigas dahil ngayon niya pa lang iyon ginawa at hindi ko man lang alam kung bakit. Ang mga uod ko sa tyan ay tila nagsasayawan sa saliw nang pagkapanalo dahil sa ginawa niya.

I tried opening my mouth to talked when he stood up straight. Tumaas ang kilay niya nang mapansin ang bahagyang pag-awang ng labi ko sa kagustuhan kong magsalita sana.

“Nangangamoy lalaki ka,” he exclaimed. I blink my eyes.

“H-Ha?”

Parang nabingi ako sa narinig. He tsked before facing his stylist who was staring at us the moment he did what he have done earlier. Parang nakatatak na rin sa utak ko ang ginawa niyang paglapit sa akin. Ang pagkunot ng noo niya at ilong hanggang sa mga katagang lumabas sa bibig niya. Lahat ng iyon ay patuloy na tumatakbo sa likod ng isipan ko hanggang sa natanto ko ang sinabi niya.

His Agent FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon