His Girlfriend
“G-Girl? Girlfriend?” I asked, stuttering. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat habang nakatitig sa mga mata niya.
Tila roon lamang natauhan si Carter nang marinig ang boses ko. He blinked his eyes at me, his drizzle grey orbs looks hollowed for a moment as he look away. Nasabunutan niya ang sariling buhok habang pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil sa sunod-sunod na pagkabog ng dibdib ko.
Girlfriend? Ako? For real?
Sa naisip ay napatikhim ako. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa kilig. Pinipigilan ko na lamang din ang sarili ko na kunin ang teleponong nasa bulsa ko para lang tawagan si Yzhein Marie at sabihin dito ang nangyayari ngayon.
Paniguradong hindi ako makatutulog ngayong gabi!
“B-Binabawi ko na... ano, false alarm lang pala---”
“Ano? Anong false alarm?” mabilis kong putol sa iba niya pang sasabihin. Ang kilig na lumukob sa pagkatao ko ay naglaho na parang bula dahil sa sinabi niya.
“I mean... you don’t have to be my girlfriend. That’s what I mean,” he slowly uttered silently while still not looking at me.
“At bakit naman, aber? I already said yes in my mind, tapos babawiin mo?!” naiinis kong sabi sa kaniya na siyang dahilan para malingon niya ako.
“Huh?” His eyes were wide. Bakas sa mukha niya ang gulat at pagkalito.
I tsked. I raised my brows at him. Inirapan ko pa dahil talagang nakapipikon ang pagiging negatibo niya.
“Hindi ka talaga marunong magpa-absorb ng kilig, ano? Aba, hala sige. Edi hiwalay na tayo,” sarkastiko kong sabi na mas lalong ikinalaki ng mga mata niya.
“W-Wait... what?” hindi niya maintindihang tanong sa akin.
I sighed. Pigil na pigil ko ang sariling magdabog sa harap niya. That’s not really elegant either so I can’t do that. Baka ma-turn off siya sa akin bigla, kawawa naman ako.
“You asked me to be your girl, right? For real? Siyempre ho ay magugulat ako, manong. Kayo kaya tanungin ko kung puwede ba kitang pakasalan, ano magiging reaksyon mo? Tangina mo rin eh. Siyempre kasama nang gulat ang kilig. Kinikilig po ako kaya tahimik at hindi makasagot agad pero sa utak ko oo na ang sagot ko sa tanong mo. In-absorb ko muna iyong kilig kasi hindi naman palagi ang ganoon. Tapos ano? Babawiin mo iyong sinabi mo? Dapat yata ay pukpokin ko iyang ulo mo nang malaman ko kung anong laman ng utak mo. I like you a lot. Really, Carter, but your negativity stinks,” sunod-sunod kong sinabi.
Nang rumehistro sa kaniya lahat nang sinabi ko ay onti-onting nanlaki ang mga mata niya hanggang sa pati labi niya ay napaawang na.
“You mean to say... you agreed? You are my girl now?” His orbs brightened while asking. Napaayos pa siya nang upo habang napangiwi naman ako.
Ni hindi niya ata alintana pa ang huli kong sinabi. Nakapukos na lang ata siya sa gusto niya talagang marinig mula pa kanina.
This guy, really.
“No. Binabawi ko na--”
“Fuck! You are my girlfriend now!” tuwang-tuwa niyang bulalas. Ni hindi man lang ako pinansin.
I just stared at him when he fetched his phone. May dinial siyang numero roon bago niya inilagay ang telepono sa tapat ng tainga niya. Ang labi niya ay nakaporma sa isang malaking ngisi. Abot hanggang tainga iyon at hindi ko alam kung ganoon ba siya hanggang bukas o ano.
This is my first time too. To be in a relationship, since the moment I realized that I can used my face in my field of work, I decided to make it better. Nag-undergo ako ng mga check ups para alamin ang mga puwede kong gamitin para sa mukha ko. I did it for months until my face turned brighter and with dark spots free. Even my acnes were gone and I turned into a beautiful swan from being an ugly duckling.