1: Fanfiction

355 14 0
                                    

"Casmin!" Pasigaw na tawag ni Sufiah sa kapatid. Bumukas naman agad ang pintuan ng kanilang kwarto at lumabas mula roon si Casmin.

Carmela Jasmine Montivero or Casmin, 16 years old, mas bata ng dalawang taon kay Sufiah Queency Montivero, na 18 years old.

"Makasigaw ka naman, parang nasa kabilang bundok ang tinatawag mo? Talo mo pa'ng megaphone. Alam mong may ginagawa ako dito o, tawag ng tawag ka naman diyan." Sagot ni Casmin.

"Ano to? Ano to ha?" Nandidilat ang mga mata ni Sufiah, habang tinuturo ang screen ng kanyang cellphone. Sumilay na naman ang ngiti ni Casmin na may halong pang-aasar habang nakatingin kay Sufiah.

"Ayaw mo niyan? Ikaw ang bida diyan?" Sagot ni Casmin.

"Bida? E pabigat lang ako sa kwento? May lab at pers sayt pa? Alam mo namang hindi ako naniniwala sa lab at pers sayt na iyan." Nakapamaywang na sagot ni Sufiah.

"Ang love, unti-unting nararamdaman, hindi iyong isang tingin lang na-iinlab agad. Kung naiinlab agad ibig sabihin hindi ganoon kalalim ang kanyang love kasi kapag nakilala na niya ang tao posibleng magbabago pa ang kanyang pagtingin. Tapos maghihiwalay din sila." Dagdag pa ni Sufiah, lalo na nang mabasang nainlab agad ang bidang si Queency nang makita ang hero na si Raiden sa kwento. Tapos kakikita lang ng dalawa nag-kiss na agad, at naging sila na. Bagay na ikinainis ni Sufiah lalo pa't kapangalan niya ang bidang babae sa kwento, hindi niya bet ang ganitong uri ng love story na isang tingin, in love agad, kiss agad, at may relasyon na agad.

"Fiction lang iyan. Wag mo namang dibdibin. Saka wag mo akong idamay sa opinyon mo about sa love. May mga tao namang nala-love at first sight pero may ever after din naman." Sagot ni Casmin na wala ring gaanong alam kung ano ang love with the opposite sex. Ginagaya lang niya ang mga plot ng mga nababasa niyang fairy tale stories.

"Dibdibin mukha mo, ginagaya mo ang mga kwento ng mga Cinderella, snow white at iba pang mga fairy tales e. Kakikita lang nila pakakasal na agad. Parang wala ng ibang lalaki sa mundo. Wala man lang ligaw, kiss agad, tapos kasal na?" Sagot ni Sufiah.

"Anong konek non sa fanfiction na ginawa ko?" Tanong naman ni Casmin.

"Eh, yung Queency pa ang unang humalik. Ayaw ko sa ugali ng Queency dito. Baguhin mo to, baguhin mo." Sabay pakita ni Sufiah sa screen ng cellphone niya kay Casmin.

"Gusto mo, iyong babaeng paayaw-ayaw tapos gusto naman pala? Ang layo naman sayo noon. Saka kung makaasta ka kala mo namang expert ka rin sa love love na iyan, pareho lang naman tayong walang alam." Sagot naman ni Casmin.

"E ikaw, makasulat ka ng love story kala mo naman nainlab ka na." Sabay irap sa bunso.

"Excuse me, binase ko lang ang kwentong ito sa kung gaano mo pinagpapantasyahan ang bias mong si Raiden. Kulang nalang hilahin mo siya at yakapin ng pagkahigpit-higpit. Kaya kung ano man ang nasa kwentong iyan, binase ko lang sa kung ano ang posibleng mas gusto mong gawin kapag sakaling ikaw ang nasa mundo nila at ikaw ang heroine na pinoprotektahan at pinapahalagahan nila. Nakakakilig di ba? Ang daming nag-aalala sayo. Ayieeh." Sabay sundot sa tagiliran ng ate. Akma naman siya nitong hampasin.

Iniwan ni Casmin ang ate at nagpatuloy na lamang sa pagsusulat ng kanyang fanfiction.

Si Sufiah naman, ipinagpatuloy ang pagbabasa. Minsan napapangiti siya at napapakagat ng kuko, minsan naman napapaiyak, ngunit habang tumatagal, kumukunot ang kanyang noo lalo na nang lumabas na ang villainess at main villain ng kwento.

"Casmin!" Tawag niyang muli.

"Ano na naman ba?" Sigaw pabalik ni Casmin na nasa loob na ng kanilang kwarto.

Marahas na binuksan ni Sufiah ang pintuan at nakita ang kanyang Ate na naiiyak.

"Ang sama mo." Sumisinghot na sambit ng Ate.

Hero, Please Go AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon