K

2 0 0
                                    


Pagkatapos ng nangyari ay pinagsabihan niya ang kapatid na wag nang umulit at nakinig namn ito sa kanya. Nagkaroon siya ng kapayapaan sa loob ng isang buwan ngunit pagod parin dahil sa mga gawain. Nasisiyahan nalang siya sa tuwing sasapit ang Sabado at Linggo dahil makakapagpahinga siya ng maayos at makabawi sa maraming araw na hindi nakatulong sa gawaing-bahay. Ngunit sadyang kakambal na niya ang kalungkutan.

"Wala na tayong bigas at sa susunod na Linggo pa ang sweldo ng inyong ama," pambungad ng knyang ina paggising niya. Napatingin siya sa sisidlan ng bigas at konti na nga ang laman nito. Isang kainan nalang ang kaya nitong matustusan. Kung sa knya ay kaya niyng hindi kumain buong araw, ngunit may stomach ulcer ang ina kaya hindi ito pwedeng malipasan ng kain. Sumasakit ang tiyan nito sa tuwing nalilipasan.

"Hiramin niyo muna ang naipon kong pera," suhestyon niya.

"Hindi na, gagamitin mo pa yan ngayong Lunes," sgot nito at natauhan naman siya. Oo nga. May face-to-face class sila ngayong Lunes para sa kanilang laboratory.

"Wala na tayong ibang magagawa kundi ang umutang. Di bale, mag-wiwithdraw lang ako ngayong Hwebes"

Napakamot siya sa kanyang ulo. Ito ang hamon ng mga mahihirap na tulad nila. Kakha-tuka at iniipon nalang kung ano ang natitira.

"Pagod na ko sa inyo!" malakas n sigaw ng knyng ina kaya dumilat siya. Tumingin siya sa orasan at nakitang alas-kwatro na pala ng hapon. Apat na oras siyang tulog at hindi na pla siya kumain ng tanghalian. Bumuntong-hininga siya. "Ako nalng lahat ang kumikilos, ako na ang nagpa-plano, ako na ang nagsisikap na magiging sakto ang mga sweldong binibigay mo sa akin pero alam mo bang hindi parin ito sapat?!"

Paglabas niya ay nakita niya ang kanyang ama na nakayuko sa harap nito. Gusto man niyang pigilan sila pero wala siyang maiambag na alternatibo kung paano masolusyonan ang problema nila. At siya mismo ang dahilan ng lahat. Siya ang dahilan kung bakit gumagastos sila ng malaki. Umaasa lang siya sa kanyang mga magulang at hindi sapat ang ipon niya para makatulong. Kinuha niya ang sabonera at pumunta sa balon para magpalamig.

Madilim na kaya hindi siya nakikitang umiiyak. Tahimik siyang napahikbi habang binubuhos ang malamig na tubig sa kanyang anit. Lumandas ito mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang mukha ngunit hindi parin siya nakaramdam ng kaginhawaan. Gipit na gipit na sila. Marami pa siyang gastusin sa paaralan, ngunit hindi niya sinabi sa mga magulang dahil ayaw niyang dumagdag sa problema nito.

Makakapagtapos pa ba ako ng pag-aaral?

Napaiyak siya sa naisip. Ayaw niyang mag-isip ng masama ngunit pakiramdam niya ngayon ay napakaimposible na makaahon pa sila. Isang libo lamang ang kinikita ng knyang ama, samantalang higit pa doon ang kailangan nilang bayaran.

Kailan pa magwawakas itong lahat?

Napahawak siya sa kanyang ulo nang sumakit ito na parang tinutusok ng paulit-ulit. Pumikit siya at nagpigil ng hininga. Nahihilo siya at alam niya ng susunod na mangyayari.

BLURRRGGHHHHHHH!

Sumuka siya at inilabas lahat ng kinain niya. Napahawak siya ng mahigpit sa sementadong balon. Pagkatapos ay umuwi siya sa bahay nila na parang wala lang. Pumasok sa isng silid at nagdasal ng taimtim.

"Jolito, dalhin mo na ang mga bata, hindi ko na kaya"

Hindi siya makapaniwala sa narinig. Natutulog siya ngunit gising pa ang kanyang diwa. Hindi siya nagsalita, nanatili siyang tahimik at nakinig sa knyang magulng na nag-uusap tungkol sa isng bagay na makakasira sa kanyang mga pangarap.

"Bumalik kayo sa Tatay mo at doon kayo tumira. Gusto ko munang mapag-isa at kaya ko ring mamuhay nang mag-isa. Pagod na akong intindihin ang mga bagay. Idagdag pa ang katigasan ng ulo ng mga yan," para siyang sinasaksak ng paulit-ulit sa narinig. Kelan ba siya naging iresponsableng anak? Hindi niya naiintindihan ang ina. Kung may mga panahon mn na hindi siya nakatulong sa gawaing-bahay, may sapat siyang dahilan. Tumulo ang kanyang luha. "Iiwan lang rin tayo ng mga yan kapag tayo ay tumanda na," mas lalo siyang napaiyak. Tinakpn niya ang bibig upng walang makarinig sa kanyang hagulhol. Hindi niya kailanman inisip na iiwan ang mga ito kapag sila ay tumanda na. Sa loob ng maraming panahon, pinagkakatiwalaan niya ito at naniwala siya na mabait ang tingin  ito sa kanya.

Sarili niyang magulang ay hindi siya pinagkatiwalaan. Masakit...sobrang sakit.

"Celia, wag mong sabihin yan"

"Totoo naman ang sinasabi ko, Jolito. Kung magkakaganito lang naman na wala tayong pagtutulungan at pagkakaunawaan, mas mabuting maghiwa-hiwalay nalang tayo. Babalik ako sa kapatid ko at isama mo sila sayo. Kaya kong mabuhay nang mag-isa at kaya kong tumanda nang walang nag-aalagang anak," hindi na niya alam kung paano patitigilin ang luha sa pag-agos. Hindi siya mahal ng kanyang ina, ito ang ibig sabihin ng lahat. "Nagawa ko na ang responsibilidad ko bilang ina, at oras na para bigyan ko naman ng kapayapaan ang aking isipan"

Nagpaulit-ulit sa kanyang isip ang sinabi nito na parang sirang plaka. Naalala niya ang mga panahon na inaalagaan siya, mga panahon na niyakap siya ng ina nung muntik siyang namatay sa kanyang sakit, mga panahon na nagkakatuwaan sila, at mga panahon na pinapangaralan siya nito.

Responsibilidad...

Ang lahat ng iyon ay parte lamang ng responsibilidad. Hindi siya minahal nito at hindi kailanman pinahalagahan. Isa lamang siyang responsibilidad.

Hinihingal siya sa pag-iyak ngunit binuhos niya parin lahat ng sakit. Gusto niyang magalit ngunit hindi niya kaya. Masakit para sa kanya na tanggapin ang katotohanang ito. Para siyang sinampal ng paulit-ulit, binugbog, at ginapos. Sumikip ang kanyang dibdib ngunit patuloy parin siya sa pag-iyak. Tinakpan niya ng unan ang bibig at niyakap ito ng mahgpit upang hindi makawala ang kanyang tinig. Nanginginig ang kanyang kamay at barado na ang kanyang ilong. Lumandas ang luha niya sa pisngi hanggang sa kanyang tenga. Ramdam niya ang malamig na likidong bumasa sa kanyang pisngi.

Isa lang ang naisip niyang paraan upang mawala ang sakit—dahil siya mismo ang pinagmulan ng problema, siya dapat ang mawala. Tatanggapin niya ang masakit na kapalaran at mamamatay ng malungkot.

AWAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon