Wakas

2 0 0
                                    

Hawak-kamay sila ng ina habang inaabangan ang pag-anunsyo ng mga pangalan. Suot niya ang itim na toga na matagal  na niyang inaasam-asam. Sa kabila ng kahirapan, nagawa niya itong lampasan at umabot sa magandang hantungan ng kanyang buhay. Ngunit, hindi ito ang wakas dahil pinili niyang wakasan ang kanyang buhay.

"Hana Perez," tawag ng guro sa kanyang pangalan, ngunit mapait ang kanyang ngiti dahil hindi niya kasama ang taong tumulong sa kanya para magsumikap—ang kanyang ate. Pakiramdam niya ay lumulutang siya habang tinatahak ang pulang karpet sa gitna. Sumunod ang kanyang ina at isinabit ang medalya at binigay ang sertipiko sa kanya. Napaluha siya.

Kung buhay pa si ate, siguradong masaya siya ngayon. Sinisisi niya ang sarili kung bakit hindi niya pinahalagahan ang luha nito noon. Na kahit nasasaksihan niya ang tahimik na pag-iyak nito ay hindi siya gumawa ng paraan para pagaanin ang kanyang loob. Mag-isa nitong hinarap ang sakit.

(Isang oras pagkatapos idineklarang patay si Hani)

"Ricardo, ano bang nangyari sa anak ni Celia?" usyoso ng isang kapitbahay pag-uwi niya. Tinapunan niya ito ng masamang tingin.

"Pwede bang pagpahingahin niyo muna ako?" inis niyang tanong at dumiretso sa knilang bahay. Pinagmasdan niya ang kanyang asawa na umaawit habang hinehele ng kanilang anak na si Hiro. Nkaramdam siya ng awa. Ang nangyari kay Hani ay gumising sa kanyang diwa na kailangan niyang pahalagahan ang kanyang asawa. Madalas niya itong sinisigawan, sinisisi't pinagbubuhatan ng kamay.

"Saglit lang, ipagluluto kita," sabi ni Toteng ngunit umiling siya.

"Ako na," at pumunta sa kusina. Taka siyang sinundan ng tingin.

(10 taon ang nakalipas)

"Ma, who is this?" tanong ni Hani, anak niya at ipinakita ang lumang album na kung saan nandoon parin ang larawan ng yumao niyang kapatid. Sa kanya mismo nakahango ang pangalan ng anak niya upang maibsan ang pangungulila. Pero ngayong nakita niya ang larawan nito, nag-init ang kanyang mga mata at tumulo ang mga luha mula dito.

Kamukhang-kamukha nito ang kanyang anak.

"Siya si Tita Hani mo," sagot niya at pinahid ang luha.

"Hani? Wow, we have the same name! Is she my twin?" inosenteng tanong nito.

"No, but she can be your twin because you are pretty like her"

Napangiti ito. "Where is she now, Mommy?"

Sumikip ang dibdib niya pero sinagot niya parin ito nang mahinahon. "She's not here, we will see her again, soon," aniya. "Come here," tawag niya at ikinandong ito. "Do you love, Mommy?"

"Yes!"

"Mommy loves you more," hinagkan niya ang noo nito at napangiti. Hinding-hindi niya hahayaang matulad si Hani sa kanyang ate Hani. She will take care of her, listen to her, and be with her side. Hindi niya ito sisisihin tulad ng ginawa ng ina nila noon sa ate niya.

Nang sumunod na Linggo ay dinalaw sila ng kanyang ina at ama. Matanda na ang mga ito kaya medyo nanghihina na.

"Magandang umaga, Ma,Pa," magiliw na bati ng kanyang asawang si Adonis.

"Magandang umaga rin, Iho," sagot ni Aling Celia. Maputi na ang maikli nitong buhok. "Nasan si Hani?" hanap agad nito sa kanyang apo at lumiwanag ang mukha nang nakitang tumatakbo si Hani papunta sa kanya. Iniisip niya na ang yumaong anak niya ay nasa katauhan nito.

"Lolaaaa!"

Napangiti siya habang niyayakap siya nito. Hanggang ngayon ay nangungulila parin siya kay Hani, ang mabait, maalaga, at masipag niyang anak. Ilang araw mula noong namatay
ito ay binabangungot siya pero sa tulong ni Adonis, na kaibigan palang noon ni Hana ay hindi na siya muling binangungot. Kalaunan ay nakapagtapos si Hana pero nalulungkot siya dahil kung buhay pa sana si Hani, makakapagtapos na rin ito at magiging masaya sila.

Huli na ang lahat. She loved her too late. Gumising siya ng matagal sa katotohanan. Totoong nasa huli ang pagsisisi, at kahit anong gawin natin, hindi na maibabalik kung ano ang nawala. We should appreciate someone's worth, help them in their struggles, and listen to them.

What Hani did to herself, is a choice that she would also regret in the afterlife. It was a temporary end of her suffering, a dead end.

AWAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon