"Haniiiiiii!""Ateeee!"
"Hani, anakkk!" umalingawngaw ang hagulhol ng mag-ina alas-syete pa lamang ng madaling araw. Naalarma ang mga kapitbahay dahil ito ang unang beses na nakarinig sila ng malakas na mga iyak mula sa tahanan nila. Bumaba ang amang si Jolito at hindi alam ang gagawin. Pagbaba niya, tumambad sa kanyang paningin ang nakahandusay na katawan ng anak. Namumutla ito at nang hinawakan niya ang leeg ay sobrang lamig na ng katawan. Binalot siya ng matinding kaba at napaiyak.
"Mabubuhay pa siya!" sigaw niya sabay angat sa katawan nito. Nataranta naman si Ricardo, ang kapitbahay nila at inilabas ang kanyang traysikel upang isugod ito sa ospital.
"Ate, sorry!" tanging iyak nalang ang nagawa ni Hana habang sinusundan ng tingin ang kanyang kapatid na nasa likod ng traysikel kasama ang kanyang ama.
Tahimik na umiyak si Aling Celia, inisip niya kung ano ang dahilan nito. Nakangiti pa ang kanyang anak nang huli niya itong nasilayan. Naalala niya ang pag-uusap nila ni Jolito at napagtantong baka narinig ito ni Hani.
"Haniiiiiiiiiiiiii!" sigaw niya at tumawag ng sasakyan para sundan ito sa ospital.
"Check her vital signs," utos ng nurse sabay hawak sa pulsuhan nito. Ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya hanggang sa...
"Hani Perez, time of death: 8:35 am," deklara ng nurse at nanghina ang tuhod ni Aling Celia.
"I love you, Ma," nakangiting sabi ni Hani at inabot sa kanya ang isang sulat. Kumunot ang kanyang noo.
"Ano to?"
"Happy Mother's day!" tuwang bati nito sabay yakap sa kanya pero hindi siya tumugon. Bahagyang lumundag ang puso niya sa tuwa ngunit itinago niya ito sa pamamagitan ng seryosong mukha. Hindi siya mahilig sa mga sulat-sulat na yan dahil ang gusto niya, gagawin mismo ang mga iniutos niya upang ipakitang mahal talaga siya nito.
Nahati sa dalawa ng kanyang puso at sinigaw ang pangalan nito nang paulit-ulit. Subalit huli na ang lahat dahil hindi na ito nakakarinig pa ni makakapagsalita. Niyakap niya ang malamig nitong katawan at humagulhol.
"Ma? Ma!"
"Mmmmm...?" daing niya at halos mapaiyak nang sumalubong ang maamong mukha ng kanyang anak. Bumangon siya at agad itong niyakap ng napakahigpit. "Patawarin mo ako," maluha-luha niyang sabi at nagtaka naman ito.
"Bakit po?"
"Patawarin mo si Mama..."
"Ma, binangungot ka na naman ba?" natatawa nitong tanong. Hindi siya sumagot.
"Mahal na mahal kita, tandaan mo yan"
BINABASA MO ANG
AWAKE
Short StoryMadaling sabihin na magpakatatag, ngunit mahirap maging matatag kapag sobra na ang sakit. Too much pain can kill someone. Hindi natin malalaman ang hirap at sakit ng isang tao hangga't hindi siya nawawala sa mundo. Saka natin mapagtanto kung gaano...